Kabanata 34
Jealous"MINNA, anong ginagawa n'yo sa mga nakaraang Ranking Battle?" tanong ko habang iniikot ang tinidor sa spaghetti. Alam kong hindi pa natatagalan ng kumain kami nina Yvo kanina pero wala akong magagawa kundi ang kumain ulit dahil nagugutom na ako.
"Actually, I don't want to answer you dahil gusto kong i-surprise ka para may excitement naman." Matamis na ngumiti siya bago mapalitan ng pagkaseryoso ang mukha. "But that would be dangerous for you, Marie."
Kumunot ang noo ko at umiling. "I don't understand. Paki-elaborate, Minna."
Danger is always after me, I'm aware of it. But I don't know what kind of danger she was talking about. Normal lang naman 'yon kasi Ranking Battle nga, but the way she said those words ay para bang mamamatay ako.
"It would be dangerous for you not to know anything dahil baka kunin nila 'yong pagkakataon para pagkaisahan ka." seryosong wika niya. "Two things didn't change throughout the years at 'yon ang sasabihin ko sa 'yo. First, bawal ang pumatay. Lastly, there are few levels where you cannot use your power. Kailangan nating palakasin ang pisikal nating pangangatawan. Pero, Marie, hindi pa rin tayo nakakasiguro na hindi magbabago ang dalawang 'yon ngayon."
"That's easy. I'll take note of that." Tumango-tango ako at nagpatuloy na sa pagkain habang nakikinig sa kadaldalan niya. I was about to drink my orange juice when I suddenly remembered something. "Minna, may premyo ba kapag nanalo ka? Kung mayroon, ano 'yon?"
I asked that question because most of the demons aren't here. Unang araw pa lang ng pag-eensayo ay mukhang pursigido na agad silang magsanay. Malamang na pinaghahandaan nila ang nalalapit na Ranking Battle. Natigilan siya at maang na napatitig sa akin bago unti-unting sumilay ang malawak na ngisi sa labi niya.
Sa itsura niya ngayon ay parang gusto ko na agad bawiin ang tanong ko.
"Mayroon, syempre." kinikilig na wika niya. Her eyes were sparkling in so much joy as if she already won the battle and claimed her prize.
"You..." Naningkit ang mga mata ko habang nanunuring nakatingin sa kanya. "Nanalo ka na 'no? Don't lie to me dahil nakikita ko sa mga mata mo na 'oo' ang sagot."
"Oo na, oo na." Mahinang tumawa siya at tumango-tango. "I'm one of the Ten Devils whom won last year. Ten Devils ang tawag sa sampung nangunguna sa ranking. Aster was in the first place and I placed second, as always. The first five can wish anything they want to the Royalties at tutuparin naman 'yon nina Kuya. Isang winner at kanilang chosen Royalty. The real winner of the game doesn't have to choose because he or she is always paired up with the King."
"Ah, okay." Tumango-tango ako na para bang okay lang sa akin ang narinig kahit hindi. "Ilang taon na si Aster sa pwesto niya?"
I saw how her expression change. Napalunok siya at nagbaba ng tingin. She looked guilty even though she didn't do anything harmful. Mukhang ngayon lang niya napagtanto ang mga sinabi niya.
"Marie—"
"Tell me." Pinanood ko siyang bumuntong-hininga at mag-angat ng tingin sa akin. "I want to know, Minna."
"Five years..." She murmured. "Limang taon na siya sa pwesto niya."
"You know something, don't you?" I arched my brow at her. "It's okay. I won't force you to tell me, anyway."
But I'll ask Eon about this. Mariin akong napapikit nang may mga imaheng lumabas sa utak ko. Mga imahe ng konklusyon ko sa mga bagay na hiniling ni Aster kay Eon. Mga bagay na hindi ko gustong malaman pero kailangan dahil mas magagalit ako.
"The queen is jealous." mapang-asar na wika ni Fiur.
"I am, Fiur. And I don't want this to eat me up. I need to know what wishes that bitch asked to him. Or else, masisiraan ako ng bait."
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...