Kabanata 39
Classifica Battaglia: First Day"FUCK! Late na talaga ako!" mura ko habang tinatakbo ang daan papuntang field.
Maaga akong natulog kagabi pero hindi naman ako maagang nagising. Eon didn't bother to wake me up and even left me to the palace alone. Oo, sa palasyo na kami natulog kagabi at nang magising ako ay mag-isa na lamang ako dahil umalis na sila. Thankfully, Mommy Mikmik prepared everything for me. Mula sa susuotin ko hanggang sa pagpasok. Kahit late na ako ay nagawa ko pa ring makakain habang nasa biyahe. Of course, all thanks to the former queen of this world.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong may nagi-speech pa. I ran faster when I realized that the speech was about to end. Sakto namang natapos iyon ay nasa field na ako at agad ko pang nakita ang mga kapwa estudyante kong nakahilera. Lalapit na sana ako sa kanila nang may humawak sa braso ko.
"Not so fast, Ms. Devonne." wika ni Ms. Witch. Binitawan din naman niya agad ang braso ko. "Sumunod ka sa akin."
Napalunok ako at sumunod sa kanya. Takot ko na lang na baka gawin niya akong hayop ngayon. She brought me in front of the head-demon and her co-teachers. Sinermunan muna nila ako bago bigyan ng penalty. Pagkatapos no'n ay agad akong dinala ni Ms. Witch sa pila ng mga estudyante.
"Anong nangyari?" tanong ni Minna na katabi ko pala.
"Sermon at penalty. Hindi sinabi kung ano 'yong penalty basta mayroon." Nakasimangot na sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri bago ipunin iyon at i-ponytail. Nakalimutan ko ng magsuklay dahil sa pagmamadali.
"Ganoon din sa akin." Kumunot ang noo niya. "Pero baka ito na rin ang penalty ko. Hindi ako dinala ni Miss sa mga ka-grupo ko e. Hanapin ko na lang daw sila sa laro mamaya."
Hindi ako sumagot. I raised my brow at her when I noticed her eyeing my clothes. "May problema ba sa suot ko?"
"Hindi ka ba naiinitan?" She rolled her eyes at me and touched my fur cloak. "Ang kapal pa nito a?"
"Aalisin ko rin naman iyan mamaya." wika ko. "Kung makapagsalita ka ay parang hindi ka balot na balot a?"
She's wearing a blue trench coat that's why I can not see her clothes underneath it. Hindi siya nakapagsalita at ngumuso na lamang. Napailing ako at nilibot na lang ng tingin ang paligid. Mahigit alas tres pa lang ng madaling-araw kaya madilim pa talaga at may buwan pa.
"Please remember me as the girl who love the moon. Kahit iyon na lang, Ate."
"Okay ka lang ba, Marie?"
"I'm fine." mabilis na sagot ko na para bang hindi ako naiiyak kanina. That voice made my heart ache for seconds. Ipinilig ko ang ulo. "Matagal pa ba silang magsasalita r'yan?"
"Last na 'yan tapos instructions na para sa atin."
True to her words, the unnecessary speech ended at mukhang mapapalitan na ng matino. Everyone is in a deep silence because it's Ms. Witch who holds the microphone. Ikinumpas niya ang kamay at may lumabas na papel at relo sa harapan ng bawat estudyante.
"All the rules of Classifica Battaglia are indicated on the paper. 'Wag n'yo lang basahin iyan, sundin n'yo rin. As for the watch, you must wear and keep that until the event ends. Iyan ang magsisilbing guide n'yo sa loob ng tatlong araw na nasa laro kayo. Dito n'yo malalaman ang mga anunsyo, panuntunan ng laro, ranggo ng bawat isa at iba pa. Mamomonitor din namin kayo gamit ang relo na 'yan." Tumikhim siya at tiningnan kaming lahat. "I know you're all excited so I won't make this long. So for your first game, you just have to dodge everything that's coming to you. Kapag limang beses ka ng nahuli ay kusa ka ng babalik dito. Of course, you'll have the rank that you deserve and those who lasts will proceed to their second game. As soon as you enter the portal, the game begins. So, get ready and be alert, players."
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...