Kabanata 25

543 39 2
                                    

Kabanata 25
Going Back

"MISSY! Missy! Gising!" Sunod-sunod na pagkatok at pagsigaw ni Elijah ang gumising sa akin. "Missssyyy!"

Naramdaman ko ang pagmamadali sa boses niya at parang kinakabahan din siya kaya napakunot ako ng noo. Kumabog din ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Patalon akong bumaba sa kama para pagbuksan siya ng pinto. But before I could even speak, he grabbed my wrist and pulled me to nowhere.

"What's happening, Lij? And why are we in a hurry?" I asked. Nakita ko kasi ang mga tagapaglingkod ng palasyo nina Yvo na abala man ay mga natataranta rin.

"Inaatake ang palasyo n'yo, Missy."

"The Rulers ba?" I asked even though I know the answer. Umaasa lang naman ako na sana ay hindi sila. "Si Ryu?"

"Nauna na sa palasyo nila. Ibabalik kita sa palasyo nina Sean." Ibinuka niya ang pakpak nang makalabas kami at nilingon ako. "Tara na, Missy."

"Bakit sa Witchland, Elijah? Kailangan tayo ni Eon." Salubong ang kilay na nilingon ko siya.

"Missy, hindi pwede! Mas ligtas ka kina Sean."

"Hindi ako sasama kung gano'n, Elijah." seryosong wika ko at malamig siyang tiningnan. "I may be a human and the weakest being living in here pero... hindi ko kayang mang-iwan at maghintay na lang."

"Missy naman." He heaved a sigh and chuckled a bit. "Alam ko ng mangyayari 'to. Tara na, dadalhin na kita sa hari mo."

"You sure?" paninigurado ko. "Baka mamaya sa Witchland mo lang ako dalhin?"

"Ouch, you don't trust me, Missy?"

"I trust you, Lij. Pero alam kong mas malakas ang salita ni Eon kaysa sa 'kin." Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Tara na."

Binuhat niya ako at lumipad na. Kinakabahan ako para kay Eon at kina Mommy Mikmik. Sana naman ay maayos lang sila.

"Kinakabahan ka ba, Missy?"

"Medyo. Paano sina Yvo at ang mga estudyante?"

"Nandoon na rin sila kina Eon at mananatili muna sa Lykosland ang mga estudyante." sagot niya. "Delikado para sa kanila ang maglakbay patungo sa Vampyrland dahil baka may mga nagbabantay na sa daan."

"Lij, sila ba 'yang mga nakakapa na 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa ibaba.

"Oo, Missy." sagot niya at bumulong. "Pero bakit kulang sila?"

Narinig ko 'yon pero hindi ako nagtanong. Hindi ako tanga para hindi maintindihan 'yon. Pero bakit? Bakit niya inililihim ang kaalaman niya sa grupong 'yon?

"Elijah, ibaba mo na ako."

"Pero, Missy—"

"Ibaba mo na ako bago pa may makakita sa akin." Sinamaan ko siya ng tingin at sinunod naman n'ya ang sinabi ko. "Pumunta ka roon at 'wag ipapaalam ang aking pagdating. May aasikasuhin lang ako."

"Mag-iingat ka, Missy." Lumipad na siya palayo. Sinigurado ko munang malayong-malayo na siya bago ko ilabas si Fiur na nasa anyong tao.

Nakapagsummon na ako ng mga familiar at totohanang kontrata na ang mga ito. Nanatiling akin si Fiur at ang itlog. Si Yvo lang ang nawala.

"Fiur, gaano ba kalakas ang mga lintik na 'yon?"

"Basta malakas, prinsesa."

"Ang ganda mong kausap." Umirap ako at sinenyasan siyang magpalit ng anyo. "Maging dragon ka na. Tapos bugahan mo ng apoy ang mga walangyang 'yon para hindi makuha si Eon."

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon