Kabanata 29
Devil Scythe"CEIA!" sigaw ni Yvo pagkababa ko pa lang kay Eon.
Naihilamos ko ang mga palad sa kamay dahil sa kahihiyang ginagawa niya. Mabagal siyang tumatakbo palapit sa amin habang nakabukas ang mga braso niya at paiba-iba ang ekspresyong ipinapakita niya. Ang mga estudyante ay tumigil sa paglalakad para hangaan ang baliw nilang prinsipe.
It's been a week since Eon and I settled things about us. Pero lahat ng inayos at napag-usapan namin ay mananatili lang muna sa aming dalawa. I told him to keep everything as a secret because I'm not yet ready to take our relationship to the highest level. There's still a lot of things that I have to discover about myself. Ayaw niyang pumayag no'ng una pero napilit ko rin naman siya. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Parang mabilis na ewan.
Matapos naman akong tangayin ni Eon ay bumalik na ang apat na prinsipe sa eskwelahan kaya isang linggo na rin silang naririto. At kami naman ng hari nila ay ngayon pa lang papasok.
Before Yvo can even hug me, I already left my spot and hid to Eon's back then pushed him to my best friend. So, Yvo ended up hugging their king instead of me. Yvo immediately pulled himself from Eon and bowed countless times while apologizing for what happened. Napapailing na tumawa lang ako kaya sumama ang tingin niya sa akin.
"Bakit nandito kayo?" tanong ko sa apat.
Nagsimula na kaming maglakad at hindi talaga maiiwasan ang bulungan ng papuri sa mga kasama ko. May ilang ngumingiti sa akin bilang pagbati na tipid ko lang na nginingitian. Sila siguro 'yong mga natutuwa sa ginagawa kong pakikipag-away kina Aster. Syempre marami pa rin ang nanglalait pero wala akong pakialam sa kanila. Kung bida-bida ako sa paningin nila, mas bida-bida sila.
"Hinintay ka talaga namin, Missy." bulong ni Elijah na nasa kanan ko. "Baka kasi tuluyan ka ng tinapos ng hari namin."
"Ha? Bakit n'yo naman naisip 'yan?"
"Dahil muntik ng masira 'yong Netherworld no'ng nakaraan. Baka sa sobrang galit ni Eon, itapon ka niya sa impyerno."
"Hindi mo ba naramdaman ang pagyanig ng lupa, Ganda? Sign 'yon na galit si Eon."
"Sign pa lang 'yon? Parang end of the world na nga no'n e."
"Oo, Ceia. Kung sa mundo mo ay may signal ang bagyo, gano'n din dito. Kinabahan nga 'ko no'n kasi magkasama kayo."
"Hanep, kinabahan ka lang? 'Di ka man lang natakot?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ano, Yvo?"
"Hehe. Sorry, Ceia." Ngumiwi siya at napakamot sa batok niya. Sinimangutan ko siya at pinalo sa braso na ikinadaing niya. "Aray naman, Ceia! Napakasadista mo talaga!"
"Nye nye nye." pang-aasar ko sa kanya. Ako lang din ang nabwisit nang akbayan niya ako. Mas pinabigat niya 'yon nang subukan kong alisin. "Gusto mo bang malintikan, Xenon Yvo?"
"Mamaya mo na 'ko awayin. Magkwento ka muna, best friend." Diniinan talaga niya ang dalawang salita na ikinaikot ko ng mga mata.
"Hindi ko sinasadyang galitin siya." Nagkibit-balikat ako at tinapik ang braso niya. "Kung nabibigatan ka na sa braso mo, pwede ko naman 'yang putulin para sa 'yo."
"Ceia naman." Ngumuso siya at parang batang natatakot na lumayo sa akin kay Colby siya lumapit at sa kanya naman umakbay. "Bro, kanina ka pa yata tahimik?"
Sa halip sumagot ay nilingon ni Colby ang direksyon ko at nagtama ang paningin namin. Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya ngumiti ng malungkot at magbawi ng tingin. Nakagat ko ang labi dahil sa konsensyang kumalat sa sistema ko.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...