Kabanata 63

196 9 2
                                    

Kabanata 63
Second Phase

I miscalculated. I heaved a sigh as I watched the scenery beneath me. Nasusunog ang kagubatan, naglilipana sa himpapawid ang mga halimaw na hindi ko alam kung saan nanggaling, pinaglalaruan ng mga leviathan ang buhay ng mga nasa magkabilang panig at maraming bangkay sa paligid habang patuloy pa rin sa pakikipaglaban ang mga nabubuhay. Ang higit na malala sa lahat, nawawala ang mga lalaking royalties. Kahit anong hanap ko sa presensya nila ay hindi ko talaga sila maramdaman. Tanging sina Minna at Aster lang ang nakikita at nararamdaman ko na ngayo'y magkatulong na kinakalaban ang dalawang babaeng leviathan. They're on each other's back as they offense and defense themselves from their enemies.

I hissed when something sharp almost hit my black wing. Nakaiwas naman ako ngunit nabawasan ako ng isang itim na balahibo. Hinawakan ko rin agad ang pana bago pa ito makalampas sa akin. Hindi ko na kailangang pagmasdan pa kung kanino ito galing dahil sa enerhiya pa lang na nanggagaling dito ay matutukoy ko na agad kung sino ang pangahas. Umikot ako para harapin siya.

"Oh, it's not so nice to see you again, Celeste." nakangising bati ko at binalingan ng tingin ang kasama niya. "At talagang may alalay ka pang bitbit?"

"Bitch." Masamang tingin ang iginawad ni Cindy sa akin. "Ilabas mo si Eon!"

"Luh? Ano ka? Gold?" sarkastikong saad ko habang nakataas ang kilay. "Hindi ko na sana itinago iyon kung ipapakita ko lang din naman sa iyo."

I will never let your master use him. Tumiim ang bagang ko at mas tumalim ang mga mata ko sa kanila. I know why they are looking for him but there's no way in hell that I'll let them know where he is. Poprotektahan ko siya sa abot ng makakaya ko.

Cindy launched an attack that I immediately dodged. Alam ko kung gaano kasakit ang mga tinik niya dahil damang-dama ko iyon noong Ranking Battle o mas kilala bilang Classifica Battaglia.

Huh! Gusto yata nito ng ikatlong round, e. Ipinilig ko ang ulo at saka nag-exercise nang bahagya. Hindi ko naman kailangang gawin ito pero ginagawa ko para lang pikunin siya. Mahina akong napatawa nang sumugod ulit siya sa akin sa kalagitnaan ng pagi-stretching ko. Nag-summon ako ng isang katana sa kaliwang kamay ko at gamit ang kanang palad ay hinagod ko ang talim niyon kaya nagkaroon iyon ng asul na apoy.

"Retreat, Aster, Minna." saad ko gamit ang telepathy namin. Agad ko ring isinara ang isip ko dahil sigurado akong magtatanong pa sila at ayaw kong magpaliwanag. Pasimple akong sumulyap sa ibaba at nakitang umaatras na ang mga nasa panig namin.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagbitaw ni Celeste sa pana na nakatutok sa akin kasabay ng pagbulusok ng isang makapal na baging na maraming tinik na galing naman kay Cindy. Bago pa man tumama sa akin ang mga iyon ay lumipad na ako pababa. Agad naman nila akong sinundan habang pinapaulanan ng mga atake nila na patuloy kong iniiwasan.

Inayos ko ang posisyon ko nang makitang malapit na akong bumaba. Ayaw ko namang maunang lumapat ang mukha ko sa lupa kaya umayos ako ng pwesto. At gaya ng aking inaasahan, hindi pa man tuluyang nakakatapak ang mga paa ko sa lupa ay sinugod na ako ng ilang leviathan.

Gotcha. Lihim akong napangisi sa ginawa nila. Mula sa pagiging asul ay naging puti ang apoy ng espada ko. I chuckled when I saw hesitation in their eyes upon seeing the sudden change of my fire.

Sorry. But, it's too late for you to back out...

Sumugod ako at inuna ko ang pinakamalapit sa akin. Sa halip na saksakin siya ay sinipa ko siya para salubungin ang pana ni Celeste. Natamaan leviathan sa dibdib at may maliliit na boltahe ng kuryente ang lumabas doon bago siya nangingisay na natumba sa lupa. Hindi pa patay ang leviathan dahil gaya nga ng sabi ko noon, ang pamilya ko lang ang makakapatay sa mga gaya nila pero dahil isa pa ring diyosa si Celeste at ang pana niya ay may basbas mula sa nakatataas, tiyak na tinotorture na ng maliliit na boltahe ng kuryente ang bawat himaymay ng mga kalamnan niya. Magpapatuloy din ang torture hangga't hindi siya namamatay. In short, mananatili sa ganyang ayos ang leviathan na iyan hangga't hindi ko siya pinapatay. Ang kaso, wala pa akong planong tapusin ang buhay niya kaya magdusa siya riyan.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon