Kabanata 14
Gems"GOOD morning, students." Miss Witch greeted us with her wicked smile.
Ano na naman kaya ang iniisip ng isang 'to? Sa pagkakaalala ko ay ginawa niyang palaka ang kalahati sa mga kaklase ko dahil sa hindi sila nakikinig. Ano naman kaya ngayon?
"Makinig ka sa kanya, Marie. Baka tayo isunod niyan." bulong ni Minna na ikinairap ko.
"Then don't talk to me."
"We have an activity today. Magha-hide and seek tayo kasama ang mga familiar n'yo." She grinned mischievously. "Pinayagan ako ng headmaster na ilabas kayo ng Demon High lalo na at kailangan n'yo ang activity na 'to. So stand up, students, and change to your P.E uniforms. Wala kayong dadalhing ibang gamit kaya ilagay n'yo na lang iyan sa locker n'yo. I'll give you ten minutes to do it all. So, go now."
Agad akong hinila ni Minna at nakipagsiksikan sa mga kaklase namin palabas. All of us don't want to be a frog within a day. When we entered the locker room for girls, pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin pero wala akong makita na kahit ano. Inalis ko na lang 'yon sa isip ko at hinubad na ang uniporme. We're all girls here so no need to worry dahil pare-pareho lang kami ng mayroon sa katawan.
"Nagsasando ka pa?" Minna asked when she saw my inner top.
Tumango ako at hinubad ang blouse. Isa sa mga dahilan kung bakit mas komportable akong maghubad dito ay dahil may sando ako at short sa loob ng uniform. Sinuot ko na ang P.E uniform namin. It's a black short shorts and white shirt with the school's logo on it's left chest. Mas maiksi sa palda namin ang shorts kaya hindi ako komportable. I sighed and wore something that can make me a bit comfortable.
"Magmemedyas ka pa talaga?" tanong ulit ni Minna ng makita ang isinuot ko.
"I'm comfortable with this." I answered at isinintas ang puting rubber shoes. I tied my hair into a messy bun. "Bilisan mo na."
She clung her arm to mine and walked beside me. Pagbalik namin sa classroom ay hinintay lang na makumpleto kami bago kami magsimulang maglakad palabas.
My forehead knotted when the huge gate opened, revealing the view outside. Tuyot na tuyot ang lupa at patay ang mga halaman at puno. May iilang cactus na nakatayo at sobrang init ng hangin na may kasama pang buhangin.
Come to think of it, hindi pa ako nakakalabas ng Demon High.
"Ganito talaga ang itsura nito, Marie. This is the real Netherworld. Iba lang ang itsura sa school kasi may magic doon, dito wala." Minna explained to me at hinila ako para makasunod kami sa kanila. I didn't know that I stopped walking while spacing out.
But why do I have this feeling na nakalabas na ako ng Demon High kahit hindi pa naman? I tried to remember anything but I can't. Dahil sigurado akong hindi pa ako nakakalabas mula ng dalhin ako nina Elijah dito.
"We're going to teleport." sabi ni Miss at sa isang kumpas lang ng kamay niya ay may lumitaw ng portal.
Minna hold my arm tightly when it's our turn to go inside that black portal. Bumuntong-hininga ako at hinila na siya papasok. I cussed numerous times when I felt like I'm going to puke after entering that shit. Todo alalay naman si Minna dahil nahihilo ako.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...