Kabanata 53

296 11 0
                                    

Kabanata 53
Talk

GLARES. Whispers. Pranks. Ilan lang ang mga iyan sa mga natatanggap ko sa mga estudyante mula ng makita muli nila ako. Isang linggo na ang nakakalipas mula ng makarating ako rito at mangyari ito ngunit tila hindi pa rin sila nagsasawa sa ginagawa. Ipinilig ko ang ulo at hindi na lamang sila pinansin.

Abala ako sa pag-iisip sa unang gagawin dito nang may mabangga ako. Nalaglag ang mga dala niya kaya agad akong kumilos para tulungan siya. Mabilis kong pinulot ang mga libro at inayos iyon. Nag-angat ako ng tingin para lamang matigilan nang magtama ang mga mata namin.

"Uh... Salamat sa pagtulong. At... sorry na rin dahil nabangga kita." Ngumiti siya kaya mas lalo akong natigilan.

Fuck. Get a hold of yourself, Iceia. I blinked and composed myself. I cleared my throat and flashed a small smile. "It's okay. Sorry rin dahil hindi ako tumitingin sa daan."

"Ayos lang din. Sige, una na 'ko." Ngumiti ulit siya at bahagyang yumuko bago ako lampasan.

Naiwan ako sa kinatatayuan. Namamanhid ang katawan ko at nabablangko ang utak ko. Parang gusto kong lumugmok na lamang sa lupa at tumulala magdamag. Tumikhim ako at tumingala sa kalangitan para pigilan ang mga namuong luha sa pagdaloy nito. Nang kumalma na ang sistema ko ay taas ang noo na nagpatuloy ako sa paglalakad at inignora ang mga estupidyanteng walang magawa sa buhay.

Sa halip na dumiretso sa cafeteria ay sa hardin ako pumunta. Umakyat ako sa puno at nahiga sa sanga nito. Hinawakan ko ang kwintas at saka pumikit.

"This is just the beginning, Iceia. Sa susunod ay hindi na lang siya ang makikita mo. You'll see them together, sooner or later." I heaved a sigh. "Wala pa pero ang sakit na."

"Ginusto mong bumalik dito e." sarkastikong wika ng isang pamilyar na babae. Bigla na lamang siyang sumulpot at naupo sa may paanan ko, na dulo ng sanga na kinahihigaan ko. "You should've stayed where you really belong."

"Hindi kita kausap, Aster." Inirapan ko siya at mula sa pagkakahiga ay naupo na lamang. Sumandal ako sa sanga ng puno at saka marahas na bumuntong-hininga. "Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?"

"I'm on your side, even though you left us hanging that day."

Natigilan ako sa narinig at napatitig sa kanya. Mula ng dumating ako rito ay hindi ko pa sila nakikita o nakakausap ni Minna. Hindi ko alam kung may tampo lang sila sa akin kaya sila umiiwas o may iba pang dahilan. Ngunit anuman iyon ay hindi iyon naging hadlang sa kanila para panoorin ang bawat kilos ko. Yes, they're not visible in my eyes but their presence are.

"I'm not fond of goodbye's." wika ko na lamang. Inilahad ko ang palad sa harap niya. "Give me your hand."

"Tss. I know that, but Minna hoped." Tinaasan niya muna ako ng kilay bago iabot ang kamay sa akin.

"Ang lambot ah. Parang 'di gumagawa ng gawaing bahay." puna ko sa kamay niya. Hawak ko ang pulso niya gamit ang kaliwang kamay ko. Nakabukas ang palad niya kaya nag-drawing ako roon ng stick na snowflake or asterisk gamit ang kanang hintuturo ko. Isang maliit na bolang apoy ang lumabas mula roon.

"What are you doing? Are you putting a curse on me?" Masama ang tingin niya sa akin pero hindi naman niya binabawi ang kamay sa akin.

"Hindi ka tatalaban ng sumpa." sarkastikong wika ko na may bahid ng katotohanan. I stared at the fire ball in front of me, that's obviously not visible to her eyes, and saw how much life force she still have. I smiled when I noticed a faint white smoke at the center of the fire ball. Ibinalik ko ang apoy sa loob ng palad niya bago siya bitawan. "Naging masaya ka noong nawala ako."

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon