Kabanata 22

609 34 0
                                    

Kabanata 22
Drunk

"ANG ganda naman!" Pinagmasdan ni Minna ang kanang kamay ko na hawak niya kung saan nakalagay ang singsing ni Sean at bracelet ni Elijah.

Sa kanya ako sumama ngayon dahil naiilang ako kay Eon. What he did yesterday was unexpected. Pakiramdam ko nga ay nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa akin. I immediately shook my head before I could even think of anything else.

"Regalo lang." sagot ko at binawi ang kamay.

"Birthday mo?!" biglang sigaw niya na inilingan ko.

"Syempre hindi, kaka-birthday ko lang 'di ba?" I rolled my eyes and hissed. "Bakit ba titig na titig kayo lagi sa leeg ko na para bang may ninakaw ako?"

"Hindi naman, Marie!" She slapped my arm and pouted. "Ang ganda kasi. Kanino ba galing 'yan?"

"Next question please."

"Ay ayaw sabihin?" Tumawa siya at nagkibit-balikat. "Anyway, kamusta ang palasyo?"

"Tss. Palasyo pa rin." pabalang na sagot ko. "Ikaw? Saan kayo nagpunta? Anong ginawa n'yo?"

Today is our third and last day here in Witchland. Hinayaan nila ang mga estudyante na pumunta sa kung saan nila gusto at isama kung sino ang gusto nilang kasama. That explained why we're together.

"Masaya! They taught us spells, gave us potions, tapos sumakay pa kami sa walis! Sayang nga lang at wala ka. Nakita mo sana kung paano kaladkarin at ihulog ng walis si Marielle!" Tumawa siya at may kasama pang paghampas sa braso ko.

Naalala ko tuloy ang nangyari kay Sean kahapon. Ganoon din siguro ang nangyari kay Marielle pero mas special. Karma nga naman. Sayang lang at hindi ko nakita.

"Tsk. Sayang nga."

"Anyway, Marie, mabuti at nakasama ka sa akin ngayon. Hindi ba busy sa palasyo?"

"Not really." I winced when the image of those jerks reading papers suddenly flashed on my mind.

Busy talaga sila kaya nakatakas din ako. Hindi na ako nagpaalam dahil maiistorbo ko pa sila. Kay Tita Witch na lang ako nagsabi na aalis ako.

"Oy, Marie! Tingnan natin 'yon dali!" She pulled me towards to the bulletin board here in Witch Market. "A party... tonight?! Oh my gosh! Punta tayo, Marie!"

Inalog-alog niya ako kaya nakaramdam ako ng hilo. Iritadong inalis ko ang dalawang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Nakakahilo ha!" I massaged my temple. "Pero sige, pupunta tayo."

"Yes! Let's buy clothes!" She pulled me again to a clothing store. "Libre ko, Marie!"

Napailing na lang ako sa sobrang hyper niya. Hinayaan ko siyang gawin akong mannequin dahil halos ipasuot na niya sa akin ang lahat ng damit dito. Napapangiwi ako dahil ang sexy masyado ng mga ipinapasukat niya sa aking damit. Pero may damit akong nagustuhan ko talaga.

"I want this one." I immediately stated as I stepped out of the fitting room.

"Oh my devil!" Her eyes widened and looked at me wholly. "Damn, girl. You're a catch."

Siya ang nagbayad ng damit maging sa sandals na napili ko. After that, she dragged me again to another store. Pumili siya ng kanyang damit at hindi na nag-abala pang isukat iyon. Kumain muna kami ng tanghalian bago mag-ikot ulit. Para siyang walang kapaguran sa ginagawa. Parang hindi nananakit ang mga paa niya.

"Pwedeng pahinga muna?" wika ko na hinihingal. "Ipapaalala ko lang na tao pa rin ako."

"Oh, sorry! Sorry, Marie!" She sincerely smiled and did a peace sign. "I'm just too excited."

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon