Kabanata 43
LeviathansNAPANGIWI ako sa kirot nang hugutin ko ang payat at mahabang tinik sa tiyan ko. Mahigit isang dangkal ang haba niyon at halos lahat ay may bahid ng dugo. Baon na baon ang kingina!
Hinawakan ko ang tiyan na dumurugo at pinakiramdaman siya. Naluluha kong tinapalan ng yelo ang sugat para pansamantalang maampat ang pagdurugo. Napangiti ako nang gumalaw siya para iparamdam sa akin na ayos lang siya.
"Marie, tara na. Kailangan kang matingnan ng healer!"
"I'm really going to kill that bitch!"
Hindi ko namalayang nakalapit na sila at mukhang kanina pa nagsasalita. Pinahid ko ang mga luhang hindi na tumulo at saka binigyan sila ng maliit na ngiti.
"Ayos lang ba kung ma-delay ang laban n'yo?"
"Oo naman! Mas importante ka e. Kailangan nating mapatingnan 'yan, Marie."
"She's right. You're more important than the rank, Iceia."
"Okay." I secretly opened a portal behind them. Napangiti ako. "Ayan na ang portal."
Pareho nila akong inalalayan sa paglalakad. Napahinto kami at tumingin sa iisang direksyon nang makaramdam ng kakaibang presensya. May bumagsak na tila itim na lime sa 'di kalayuan at unti-unti 'yong nahulma bilang lalaki. Nakasuot din siya ng damit kaya mapapagkamalan siyang isang normal na nilalang. Ayos na sana kung hindi lang umaapaw ang malakas at kakaiba niyang awra. Naalerto ang dalawang kasama ko at parehong pumunta sa harapan ko. Hinawakan ko sila sa braso at parehong kinuryente para maparalisa sila. Una kong itinulak si Minna papasok sa portal. Nang isusunod ko na si Aster ay nakita kong tumatakbo na papalapit ang lalaki sa amin. Hindi ako nag-aksaya ng panahon at mabilis na itinulak si Aster sa portal. Ipinaglaho ko agad 'yon at sinalubong ang lalaki. Tumigil ako at umatras nang makita ang inilabas niyang punyal.
'Yong handang-handa ka ng sumugod tapos nakita mong may hawak siyang patalim na delikado para sa 'yo. Retreat, self.
"Bakit mayroon ka n'yan?" malamig na tanong ko.
"Fuck! Prinsesa, palabasin mo 'ko!" angil ni Fiur na hindi ko pinansin. Ang totoo, kanina pa siya umaangil dahil sa ginawa kong pagkadena sa kanya sa utak ko, sadyang hindi ko lang siya pinapansin.
"Hulaan mo." Nakakalokong ngumisi siya at pinaglaruan pa ang punyal sa kamay. "You're the second born, huh? Pero bakit kakaiba ang amoy mo?"
Second born daw. Lol.
"Hulaan mo." I mimicked him in a singsong voice to piss him more. I smirked and readied myself for whatever's coming to me.
Sumugod siya at umiwas naman ako. He's incredibly fast and strong. Hindi pa naman niya ako natatamaan pero sigurado akong basag ang bungo ko 'pag nagkataon.
"Bakit umiiwas ka lang?"
Hindi ako nagsalita. Ang totoo ay hindi ako makaatake dahil sa hawak niyang punyal. Hindi ako sigurado kung ikamamatay ko agad 'yan o hindi kapag nasaksak ako n'yan. Hindi ako pupwedeng mag-trial and error dahil masyadong delikado. Pero hindi ko rin malalaman kung hindi ko susubukan. Bumuntong-hininga ako at inatake siya bago pasimpleng sinugatan ang sarili gamit ang punyal niya.
Tumaas ang sulok ng labi ko nang walang nangyari sa kamay kong nasugatan. Umamba siyang sasaksakin ako nang pigilan ko ang kamay niya. Magkaharap kami, ang kaliwang kamay ko ang pumipigil sa kanang kamay niyang may hawak ng punyal at ang kanang kamay ko naman ay nakahawak sa balikat niya para pigilan siya sa paglapit sa akin. Nakahawak din siya sa balikat ko at pinipigilan akong lumayo. Napapaatras ako dahil masyado talaga siyang malakas para sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...