Kabanata 51

352 15 1
                                    

Kabanata 51
Deities Duties

"IN able to go back, you must finish your duties first." wika ni Uncle Baldy na ipinagtaka ko.

"Finish? E wala pa nga akong nasisimulan?" Ngumuso ako at nagkamot ng pisngi. "Ni hindi ko nga rin alam na may duties pala ako."

"Lahat naman ng deity ay may duty. Na-postpone lang ang sa 'yo dahil kararating mo lang at buntis ka pa. But now that you look fine, it's time for you to face your responsibilities." seryosong wika niya na ikinasimangot ko.

Bakit parang kasalanan ko pa?

"Uncle Baldy naman! Kung makapagsalita ka ay parang tinalikuran ko ang responsibilidad ko! Sino kaya ang nagpatapon sa akin sa napakabatang edad?" sarkastikong wika ko at inirapan siya. Bumuntong-hininga ako at sumusukong napailing na lamang. "Oo na, oo na, gagawin ko na kung ano mang duties iyan. Baka kasi ako naman ang maparusahan at ang anak ko naman ang sunod na ipatapon n'yo. Ipadala mo na lang sa bahay ang lahat ng gagawin ko. Hindi ko na kasi kaya pang tumagal sa lugar na 'to. Sige na, Uncle Baldy. Aalis na ako."

Hay, wala na namang preno ang bunganga mo, self. I mentally heaved a sigh as I turned my back on him. Ang galing-galing mo talaga, Iceia Kanna Marie.

"I'm sorry, Icy." sinsero ngunit mahinang wika niya.

"My parents will take a long break." walang lingon na saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Alam kong napag-usapan na nila iyon ng mga magulang ko pero kailangan ko lang ipaalala ulit sa kanya dahil baka makalimot siya.

Pumunta ako rito para manghingi ng permiso na bumalik sa Netherworld. At tulad ng inaasahan ko ay hindi nga nila ako agad-agad na papayagan. Wala akong pakialam kung may duty akong gagawin o kung gaano karami man ang dapat kong gawin. Ang akin lang naman ay siguraduhin nila na hindi nila ito ginagawa para lang pigilan akong bumalik doon dahil kung oo, hindi ko maipapangakong magiging ligtas sila sa sariling mundo namin.

Nang makalabas na ako sa opisina niya ay bumungad sa akin ang magarang hallway. His office is located at the east wing of Ethera, the floating building. Mataas ang pagkakalutang niyon sa ere at natatakpan ng mga puting ulap. Ang Ethera ang building para sa mga office worker na deity gaya na lang ni Uncle Baldy. I was the one who gave him that nickname but his real name is Howard Baron. We're not blood related but I call him 'uncle' because he's my father's closest friend and that title is enough to make him belong to our family. Close kami dati pero dahil sa nalaman kong ginawa niya ay medyo lumayo ang loob ko sa kanya.

Nito ko lang nalaman na wala pala siyang ginawa para tulungan kami sa nangyari noon. Basta na lang siyang pumayag na ipatapon kami ng mga kapatid ko nang hindi man lang siya nangangalap muna ng mga impormasyon. Ang sa akin kasi, ayos lang na ipatapon kami noon kung nangalap siya ng sapat na impormasyon at mga katibayan laban sa mga magulang ko. Pero hindi e. Basta na lang siyang pumayag. Ang dating tuloy noon sa akin ay naging bias siya. He chose their side without confirming anything and that's unacceptable on our side.

I'm not mad at him. I'm just... hurt. Well, maghihilom naman ito agad dahil hindi ko naman makikilala si Eon kung hindi ako ipinatapon. Medyo nagda-drama lang ako para ipaalam sa kanya na hindi ko nagustuhan ang klase ng pagpapasyang ginawa niya. It was somewhat unfair and things like that shouldn't happen again. We may be powerful but we're powerless when it comes to him.

Uncle Baldy is the Creator's sentinel. He watches over us and decides what he thinks is the best for everyone. Pero sa unang pagkakataon ay nagkamali siya ng desisyon dahil babalikan ko ang mga pesteng deity na nag-aklas laban sa pamilya ko. Hindi pa ngayon pero malapit na.

"Oy, Icy! Nandito ka pala?"

Kumunot ang noo ko nang makitang humarang sa daraanan ko si Celeste, ang impaktang d'yosa ng kagubatan. She's not the only goddess of nature and definitely not the strongest yet she's acting like one. Nakangiti siya sa harapan ko na para bang close kami. E ni hindi ko nga siya kinakausap noon.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon