Kabanata 2

1K 54 4
                                    

Kabanata 2
Netherworld, the world of Demons

"DAMN IT! Nahihilo ako!" My head is spinning like a whirlwind after of what he did. Mapapatawad ko pa sana kung binuhat niya lang ako pero iyong gumamit siya ng superspeed tulad ng mga nasa bampira? Hindi!

Naririnig ko ang malakas niyang pagtawa kaya ibinato ko sa kanya ang kung ano ang una kong nahawakan. Pero mas lumakas pa ang tawa niya nang hindi ko siya tinamaan. Paano mangyayari iyon kung sa paningin ko ay dalawa siya?! Peste!

"Ilan 'to, Missy?" Nagpipigil siya ng tawa habang ipinapakita sa akin ang mga daliri niya.

"Apat!" singhal ko na mas ikinatawa pa niya lalo. I'm not overreacting here dahil sa halip na dumiretso kami sa kwarto ay iniikot niya pa yata ako sa buong hotel gamit ang superspeed niya. "Shit, nasaan 'yong banyo?!"

Mas tumawa ang kumag sa itinanong ko pero inalalayan naman akong pumunta roon. Siya na rin ang nagsara ng pinto dahil dumiretso agad ako sa inidoro para dumuwal. Halos yakapin ko na iyon habang inilalabas ko ang mga huling kinain ko. Pagkatapos noon ay naghilamos ako para mahimasmasan.

"You okay now?" tanong no'ng isang lalaki nang makalabas ako sa banyo.

"Eh? Nandito ka pala?" nagtataka kong tanong. Nakita ko siya kanina pero hindi ko siya napansin ng ibalik ulit ako rito ng malanding lalaking iyon, pati na ang isa pa na malamig naman kung tumingin sa akin. "Sino kayo?"

"Missy, my name is Elijah Jin Haiver. But you can call me 'Babe'." Kumindat ang malanding lalaki sa akin kaya isang masamang tingin ang iginawad ko sa kanya.

"I'm Colby Ken Parker. Call me on my second name." He smiled genuinely at me na ginantihan ko lang ng irap.

I prefer calling him 'Colby'. Ang lakas lang maka-Barbie ng 'Ken'.

"He's Eon Ryu Camince, Missy. But you can call him 'Hubby'." Nakakalokong ngumisi si Elijah sa akin matapos ipakilala ang lalaking hindi nagsasalita at malamig pa rin ang mga matang nakatingin lang sa akin.

"Stop calling me 'Missy', pervert. Iceia is my name."

"Iceia Kanna Marie Devonne." pagbanggit ni Elijah sa pangalan ko na ikinaseryoso ko.

"How did you know that?"

"I pulled you out from your previous school and enrolled you here in D. High." He said those words na para bang proud na proud pa siya sa ginawa.

Oh, well, he should be.

"Thank you." I sincerely said that to him. Dapat ko 'yong ipagpasalamat dahil wala na akong aasikasuhin. Bukod sa magastos ay mahirap din ang maghanap ng school. Sa dumi ng record ko ay imposible ng may tumanggap pang eskwelahan sa akin. It's not like I'm afraid not to get enrolled, tho. Sadyang wala lang direksyon ang buhay ko. Pumapasok lang naman ako sa eskwelahan para kahit papaano ay maramdaman kong buhay pa ako. Kung hindi man dumating si Elijah ay ayos lang din naman sa akin na magpagala-gala sa kalye kapag walang eskwelahan na tumanggap sa akin.

Alam ko ang consequences ng ginawa kong pagpatol sa mga nambu-bully sa akin at handa naman akong harapin iyon. I planned everything first before taking an action. It's just that, I'm not expecting this sudden turn of events in my life.

Hindi niya yata 'yon inaasahan dahil nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. I'm expecting it already dahil kanina lang nga naman ay ang sama ng ipinapakita ko sa kanya pero ngayon ay nagawa ko pang magpasalamat. Something happened so fast but the next thing I knew, nakadagan na sa akin si Elijah at pisil-pisil ang dalawang pisngi ko. I mean, he's squeezing my face with his both palms!

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon