Kabanata 59 (Part I)

333 22 2
                                    

Kabanata 59 (Part I)
Blue Moon

HULING araw ko na. Nasa rooftop ulit ako ng eskwelahan at pinagmamasdan ang mga estudyanteng nililigpit ang mga kalat sa ibaba. Last day na kahapon ng mga booth kaya nagliligpit na sila ngayon. Ang ilan naman sa kanila ay inihahanda na ang mga dapat ihanda para sa ball mamaya. Naupo ako sa railings at nakapikit na dinama ang hangin.

"Let's get to know each other first before we find out our difference from the other demons and brides. You know it, don't you?"

I don't know why I suddenly remembered that but it brought warm to my heart. Napangiti ako nang maalala ang isinagot ni Eon noong tanggapin niya ako bilang kapareha niya.

He proudly looked at me. "As expected to my bride."

Gustong-gusto ko kung paano niya ako tiningnan noon. Iyon yata ang unang beses na tiningnan niya ako ng ganoon mula ng magkita kami kaya hinding-hindi ko makakalimutan iyon.

"Now, let the unveiling begin." wika ko sa isip ko. Patuloy pa rin ako sa pagkain habang nakatingin sa kanya at hinihintay siyang magsalita. Pero dumaan na lang ang ilang minuto ay nakatitig pa rin siya sa mukha ko at parang walang balak magsalita. Ibinaba ko muna ang kutsara't tinidor bago siya taasan ng kilay. "Magtititigan na lang ba tayo rito? Hindi ka magpapaliwanag?"

"Kung pupwede lang, bakit hindi?" sarkastikong wika niya at inipit sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko. "Ang ganda-ganda mo talaga. Kumain ka muna bago natin pag-usapan 'yan. I'm sure you're hungry..."

Agad na tinampal ko ang kamay niya palayo sa akin dahil may kakaibang kislap akong nakikita sa mga mata niya. I glared at him as I used the spoon to point at him.

"Mag-uusap lang tayo, Eon Ryu. Walang monkey business na magaganap, usap lang."

Umangil siya sa sinabi ko pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ay agad niyang kinuha ang aking pinagkainan at lumabas ng silid. Tumayo naman ako at napangiwi nang makita ang kabuuan ng kwarto.

"Ganito ba kami ka-wild?" Napakamot ako sa sentido at lumabas na ng kwarto. Hindi pwedeng doon kami mag-usap dahil baka iba pa ang maganap. Sa kislap pa lang ng mga mata niya kanina ay nasisiguro kong may binabalak ang isang iyon.

Nahanap ko si Eon sa kusina at nakitang hinuhugasan niya ang pinagkainan ko. Gustuhin ko mang akuin iyon ay tiyak na magtatalo lamang kami kaya huwag na lang. Naupo na lamang ako at nakapangalumbaba na pinanood siya.

"Bakit naiiba ang kulay ng marka mo sa akin?" tanong ko.

Naalala ko kasi ang ipinakitang marka ni Minna. Sa kanan, malapit sa pusod niya, ay nakatatak ang isang itim na rosas. Nasabi kong naiiba ang kulay ng akin dahil halos lahat ng kakabaihan na nakikita ko ay kulay itim ang marka sa balat nila. Ako lang yata ang namumukod tanging naiiba ang kulay ng marka.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon