Kabanata 40

384 16 1
                                    

Kabanata 40
Pissed

SECOND day. Oo, ikalawang araw na ng Ranking Battle at sa tingin ko naman ay iba na ang mga mangyayari ngayon. Yesterday's game was boring. Pagkatapos makuha ng mga estudyante ang mga pagkain at gamit ay pinaghanap lang kami ng matutulugan at pinagpahinga na. Siyempre, 78 na lamang kaming natira dahil 'yong iba ay wala ng nakuhang pagkain kaya tanggal na.

Alas dos pa lang ng madaling araw pero gising na ako. Nasa sanga ako ng isang puno, nakaupo at pinagmamasdan ang kalangitan. Bahagya akong napangiti nang may maalala.

"A night full of shining stars and a bright moon symbolizes you, Caelin and Luna."

"Nakakaalala ka na, mahal na prinsesa?"

"Hindi ba halata, Fiur?" sarkastikong wika ko. Napairap ako sa hangin. Akmang magsasalita ako nang may mauna na sa akin.

[Magandang umaga sa inyo, mga manlalaro! Nais ko lamang ipabatid na kayo ay dadalhin sa ibang parte ng kagubatan. Ang pagsusulit sa araw na ito ay isang labanan.] imporma ng relo na ikinakunot ng noo ko. [Ang bawat manlalaro ay magkakaroon ng telang pulseras. Ang manlalarong may pinakamaraming pulseras ang mananalo sa pagsusulit na ito habang ang mga nakuhaan naman ay matatanggal na sa laro. Bukod sa inyong mga kapwa manlalaro, kinakailangan n'yo ring mag-ingat sa mga nilalang na nasa kagubatan. Sila ang manggugulo sa inyo sa buong araw na ito. Iyon lamang at maraming salamat.]

May sumulpot sa harapan ko na isang puting tela. Kinuha ko 'yon at itinali sa braso ko. Hindi 'yon agad makikita dahil sa may bandang kili-kili nakalagay at natatakpan pa ng cloak na suot ko. After that, the place changed and I found myself sitting on the ground. I'm still in the forest but not on the tree anymore. I stood up as I roamed my eyes around. Wala akong maramdamang presensya na malapit sa akin.

Looks like I need to walk and find my preys again. Napapailing na nagsimula na lamang akong maglakad.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang makaramdam ng isang mabilis na pag-atake. Tumalon ako paalis sa pwesto ko at habang nasa ere ay nakita ko ang pagtama ng isang malaking ugat ng puno sa pwesto ko kanina. Mula sa ugat ay sinundan ko ang pinanggagalingan no'n. Kasabay ng pag-landing ko sa sanga ng isang puno ay ang pagkakita ko sa malaking puno na may-ari ng ugat kanina. Wala 'yong kadahon-dahon at kulay itim pa. There's nothing special about it aside from the fact that it's moving on it's own. I jumped off again when I felt another attack from the black tree.

I started controlling the wind to keep myself floating. Hindi ako pwedeng bumaba dahil mas delikado. I didn't feel it presence a while ago at ganoon pa rin naman ngayon. Wala siyang presensya. Creatures that has no presence means they're dead. Only strong demons can summon and awaken them from their deep slumber to do the summoner's favors. Ang mga nilalang na muling binuhay ay kinatatakutan ng mga buhay na nilalang. Dahil wala silang presensya, madali lang para sa kanila ang umatake at pumatay. I don't know how I will kill a dead creature but since it's a wood, it's flammable.

"Gehennam ignis." I casted and a red fire beneath it appeared. Mula sa ugat ay dahan-dahan 'yong gumapang paitaas. Sarkastikong tumawa ang puno dahil hindi siya nasusunog ng pulang apoy ko.

"Akala mo ba'y gano'n kadali mo akong mapapatay? Nagkakamali ka, hangal!"

I frowned. Did the tree just fucking insulted me? Now that I remember who really I am, calling me names means disrespecting me and my bloodline. Itinagilid ko ang ulo at saka pinagmasdan ang nilalang na ito. Naramdaman niya ang pagtitig ko kaya tumigil siya sa pagtawa at napaatras pa. Nakita niya marahil ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ko. Napangisi ako nang maramdaman ang takot niya.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon