Kabanata 23

553 33 3
                                    

Kabanata 23
Lykosland

"KINGINA." mura ko nang magising akong masakit ang ulo. Papikit-pikit na sumandal muna ako sa headboard habang hinihilot 'to. "Ano bang nangyari kagabi?"

Mas kumirot lang ang ulo ko nang pilitin ko ang sariling makaalala. Nagmulat ako ng mga mata at nakitang nasa kwarto na naman ako ni Eon. Nang alisin ko ang kumot ay ganoon na lang ang gulat ko nang makitang iba ang suot kong damit. I heaved a sigh and rolled myself on the bed.

Sa kakagulong ko ay naibalot ko ang sarili sa kumot. Biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagkahulog ko sa kama.

Shit! Hindi ko alam na wala na akong gugulungan!

Sumilip ako sa butas sa itaas at parang uod na kumilos mailabas ko lang ang ulo ko. Nakita ko si Eon na nakatayo at nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Para akong uod na gumagapang palapit sa kanya. Tinulungan lang niya akong makatayo nang nasa paanan na niya ako.

Walangyang lalaki 'to!

"Ba't di mo ako tinulungan?!" singhal ko. Napalunok ako nang makitang seryoso lang siyang nakatingin sa akin. His eyes are flickering from it's original color to red.

Patay ka, Iceia. Galit yata.

Nakakaramdam ako ng kaba sa kaharap kaya tumalon ako paatras pero humakbang siya palapit.

"Bakit ka ba lumalapit?!" singhal ko para maitago ang kaba. Kasi naman, corner na ako. Sa kakaatras ko ay saktong higa ko sa kama. "Eon naman, walang ganyanan."

"Do you remember what you did last night?"

"A-ano bang ginawa ko?" maamong tanong ko at akmang gugulong sa dulo ng kama nang iharang niya ang braso roon.

Calm down, Iceia. Baka may nagawa ka lang na hindi maganda kagabi.

"Alalahanin mo, Kanna. Dahil hindi ko nagustuhan ang mga narinig ko." Tumiim ang bagang niya at kumuyom ang kamaong may hawak na kumot.

"A-ano ba kasi 'yon?" Itinago ko ang ulo sa kumot at napapikit ng mariin. "Ano bang ginawa ko kagabi?"

Masakit pa rin ang ulo ko pero kailangan kong alalahanin kung ano ang mga ginawa ko kagabi para magalit siya ng ganito. Hindi naman siya galit na galit talaga, galit lang.

"Faster, Kanna. Try to remember everything that you did and said last night."

"Pero, Eon..." Sumilip ako sa kumot. "Wala talaga akong maalala."

"Tss. Get up and ready yourself. We're going to the Lykosland later."

"Lykos?! Sa werewolves tayo?!" Excited na naupo ako kahit mahirap. Tinulungan naman niya ako. "Doon talaga?!"

I like werewolves because of Jacob from Twilight. Ang cute-cute niya kapag nagiging aso na siya.

"Yeah. At hindi ka aalis sa tabi ko." bagot na wika niya at may itinuro. "Wala kang ibang susuotin kundi ang nandoon, Kanna. Try to defy me and you'll see what I can do."

Napanguso ako at inirapan siya. Ano bang problema ng isang 'to at ganito umasta?

"Eon..." Namilog ang mga mata ko sa kanyang ginawa. Hinalikan niya ako sa noo!

"Never forget whom you are belong to, Kanna." bulong niya bago lumabas ng kwarto.

Napatulala naman ako. Pangalawang beses na yata niyang sinabi 'yan a. Ano bang mayroon at lagi niyang ipinapaalala?

"Oy, Missy!" bungad ni Elijah pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto. "Balot na balot a!"

Sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam ang tawag sa damit ko basta long sleeves ito at mahaba. Makapal din ang tela.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon