Kabanata 37

365 16 0
                                    

Kabanata37
With Aster

NAPATAAS ang kilay ko nang makita ang kakaibang tingin sa akin ng mga estudyante. I don't know what kind of look is that but it's making me uncomfortable. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko.

Tsk. Nagugutom na ako. I ignored them and walked towards the cafeteria. Baka matusta ko pa ang mga estupidyanteng 'to.

Kakapila ko pa lang sa counter nang may biglang humila sa buhok ko. The culprit pulled me away from the counter and slammed me on the table with my forehead first! Sa sobrang lakas noon ay nahilo ako at sunod-sunod na napamura. Hindi pa ako nakakabawi nang sabunutan ulit ako ng kung sino at ihagis sa pader. Bago pa man ako tumama sa pader ay naihanda ko na ang sarili.

Pagkalapat ng paa ko sa pader ay agad akong bumwelo paatake kay Aster. Yes, the bitch caught me off guard and she should be proud of it. I smirked and made myself invisible from everyone's eyes. Nagpakita lang ako no'ng nasa likuran na niya ako. Bago pa man siya makakilos ay sinipa ko na siya ng malakas na ikinatalsik niya sa ibabaw ng mesa. Sa lakas noon ay diretso siyang nag-slide pabagsak sa sahig. Mahina akong napatawa roon.

"Aster, can you let me eat first before we throw hate to each other? Umaga pa lang naman e. Marami pa tayong oras para magpatayan mamaya kaya kumain muna tayo ha?" sinserong wika ko. "Humanap ka ng pwesto. Ako na ang bibili ng pagkain natin."

I didn't wait for her answer and just turned my back at her. Pumila ulit ako at bumili ng pagkain naming dalawa. Napangiti ako nang makitang sinunod niya ang sinabi ko. Tahimik kong inilapag sa mesa ang tray at ibinigay ang pagkaing para sa kanya bago ako maupo. I caught her staring at my foods that made me chuckle a bit.

"What are you laughing at?" masungit na tanong niya.

"Wag ka ng magulat sa dami ng pagkain ko dahil matakaw talaga ako." I smiled at her. "Kumain na tayo."

She rolled her eyes and listened to me for the second time today. Tahimik kaming kumain at inignora ang bulungan ng mga estudyante patungkol sa amin. I can't blame them, though. Who would've thought that she'll listen to me? Parang kanina lang ay halos magpatayan na kami pero ngayon naman ay magkasama namang kumakain.

"Iceia."

"Aster."

Nagkatinginan kami dahil sa sabay na pagsasalita at saka parehong tumawa. I nodded and signalled her to speak first but she shook her head and motioned me to do that instead. I heaved a sigh.

"Thank you for making my stay here memorable and thrilling." I chuckled lightly. "Kahit hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Whatever it was, I won't apologize for it. "

"I hate you not because of the spells." wika niya at nag-iwas ng tingin. "Siguro no'ng una, oo. Pero habang tumatagal ay napagtanto ko kung ano ba talaga ang ayaw ko sa 'yo. I hate you because you're you."

"Eh? Akala ko hate mo 'ko dahil bride ako ni Eon? Idagdag pa na masyado akong mahina para sa kanya."

"One of my reasons before. But then, I realized that it was Eon who chose you and opposing him means going against the palace too." She answered. "May listahan ako ng mga dahilan kung bakit ayaw ko sa 'yo pero kung susumahin ay isa lang talaga 'yon."

"Naiintindihan ko ang sinasabi mo pero hindi ko alam ang ibig mong sabihin sa 'you're you'. Ayaw mo sa existence ko?" pabirong wika ko. Sa halip matawa ay lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Mabilis lang iyon pero agad kong naintindihan ang nararamdaman niya. "I never dream of being a royalty because I know how heavy the responsibilty is. It scares me, really. Pero Aster naman, you're an amazing woman. 'Wag mo lang isasama ang minsang pag-abuso mo sa titulo mo. Well, you can abuse your power if it's against me, I won't mind, anyway. 'Wag lang sa mga nasasakupan mo dahil masama 'yon."

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon