Kabanata 33
Training"CEIA, gising na!" sigaw ni Yvo habang kinakalampag ang pinto.
I groaned in annoyance and glanced at my alarm clock. It's just 2:58 in the fucking morning! Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa tenga ko. Bahala siya r'yan.
"Ah, shit!" I shrieked when my bed suddenly started shaking with force as if it want to get rid of me. "Aray, putangina!"
Sa sobrang alog ng kama ay tumalsik ako pabagsak sa sahig na una ang mukha. Napahawak ako sa ilong at noo na alam kong namumula na ngayon. Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas tres na ng madaling araw. 3 o'clock means devil's time and devil's time means every demon can do whatever they want for an hour. Ito 'yong isang oras na pwede silang lumabag sa mga minor na batas nang hindi mapaparusahan.
"Best friend, gising ka na?" parang batang tanong ni Yvo na may bahid ng pang-aasar.
"Oo, gising na 'ko. Gising na gising na ako at handang-handa na akong manapak ngayon!" angil ko at saka tumayo. Inunat-unat ko ang mga buto ko habang pinapatay si Yvo sa isipan ko.
"You okay?"
"Okay? Mukha ba akong okay?" Masama ang tingin na tiningnan ko ang lalaking biglang sumulpot sa ibabaw ng kama ko. "Lumayas ka sa harapan ko. Naaalibadbaran ako sa 'yo."
"Aw, my queen is grumpy."
"Tss. Bumalik ka na sa kwarto mo at baka hanapin ka nila ro'n." Nag-iwas ako ng tingin at pinigilan ang sariling lingunin pa siya.
Nakahiga siya sa kama ko habang nakaunan sa isang braso niya. He's not wearing anything else aside from his sweatpants. Pakiramdam ko nga ay inaaya ako ng mga pandesal niya na hawakan sila. He looks sinfully erotic in that view of him that I have to look away before I worship this devil. Para siyang pagkaing nakahain na pwede ko ng sunggaban anumang oras.
"You know you can touch me anytime and anywhere you want, my love. I'm all yours." pang-aasar niya pero hindi ko pa rin siya tinapunan ng tingin. He chuckled sexily na ikinatayo ng mga balahibo ko. "Resisting ei? Kung gusto mo akong gapangin ay ayos lang din sa akin, Kanna. Don't worry, hindi ako papalag."
That sounds so inviting huh? I lightly bit my tongue. 'Wag kang malandi, self. 'Wag kang lilingon kahit akit na akit ka na.
"Hoy, Iceia Kanna Marie Devonne! Ano, best friend?! Buhay ka pa ba r'yan?!" Kinalampag ulit ni Yvo ang pinto at sa bwisit ko ay malakas na kinalampag ko rin 'yon ng ilang beses na ikinatigil niya. "Ay, galit ka?!"
"Ay hindi, Yvo! Ulitin mo pa nga at natutuwa ako!" sarkastikong sigaw ko. "Hintayin mo akong makalabas dito at ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano ako kasaya sa ginawa mo!"
Isang beses na kinalampag ko pa ang pinto bago talikuran 'yon. Sinamaan ko ng tingin si Eon na parang tuwang-tuwa pa sa nakikita niya.
"What?"
"Lumayas-layas ka na rito kung ayaw mong samain sa akin, Camince." Inirapan ko siya at saka padabog na pumasok sa banyo para maligo.
At dahil wala akong dalang damit ay ang roba muna ang isinuot ko. Ramdam ko namang wala na si Eon sa labas kaya lumabas na ako at hindi nga ako nagkakamali dahil wala na siya sa kama ko. Lumapit ako sa closet at pumili ng damit. Isang itim na leggings at malaking itim na shirt ang napili ko. Pinatuyo ko muna ang buhok bago 'yon i-messy bun. Huli kong isinuot ang itim na sneakers bago lumabas ng kwarto. Agad kong nakita ang apat na naghihintay sa akin na tinapunan ko lang ng matalim na tingin. Tiningnan ko ang paligid pero hindi ko talaga makita o maramdaman si Yvo.
Akala mo ba ay makakatakas ka sa akin ha? Tumaas ang sulok ng labi ko at walang pagdadalawang-isip na i-sinummon siya.
"Ceia, sorry n—"
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...