Kabanata 5

721 53 5
                                    

Kabanata 5
Trouble

"MAG-BACK out ka na kaya?"

"Why would I?" I raised my brow at her. Naglalakad na kami papunta sa field kasabay ang mga estudyanteng nagbubulungan tungkol sa akin. Hilahin ko kaya ang dila nila?!

"Beverly Aster Hamilton is the top student in Demon High's girl division, Marie." nag-aalalang imporma niya.

"Ano naman?" walang kwenta kong tanong. Pakialam ko sa katayuan ng isang 'yon?

"Your eyes..."

"It's lifeless, I know." Ako na ang nagpatuloy sa gusto niyang sabihin. "I won't back out just because she's the top student here, Minna. At mas lalong hindi dahil lang sa sinabi mo."

Ramdam kong napatitig siya sa akin pero hindi ko siya nilingon at nanatiling diretso lang ang tingin.

"Kapag nanalo ka, magiging kaibigan na kita. Kapag natalo ka naman..." She sighed. "...fine, lalayuan na kita. I know that you hate my presence, Marie. I can feel it."

Pabor sa akin ang pamimilian. She purposely did that because of me. Hindi ako nagsalita dahil tama naman siya. Hinahayaan ko siyang magsalita nang magsalita at hilahin ako kung saan-saan pero hindi ibig sabihin noon ay kaibigan na ang turing ko sa kanya. I'm in the world of demons and we all know what they're capable of. Kahit mabait sa akin sina Elijah ay hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda.


"Pwede ka pang magback-out, weakling." pang-aasar ni Aster sa akin na may ngisi pa sa labi.

Inirapan ko lang siya. Nasa gitna na kaming dalawa at napapalibutan ng mga estudyante. Pati sina Elijah ay nandito rin at mukhang wala talaga silang balak na tulungan ako. Nakakainis ah!

"Bakit naman ako aatras sa isang demonyitang tulad mo?" I raised my brow at her. "Ano bang ipinuputok ng ugat mo't galit na galit ka na agad sa 'kin?"

She didn't bother to answer me at nagsimulang pagbabatuhin ako ng bolang apoy niya. Ako naman, dahil tao lang, ay iwas lang nang iwas. Nandyan ang mag-bending ako, tumambling, gumulong at iba pa. Kulang na lang yata ay lumangoy ako sa lupa. Punyeta lang, 'di ba?

"Bakit mo 'ko iniiwasan?!" galit na sigaw niya at sunod-sunod na pinaulanan ako ng fire balls.

"E'di nasunog ako, tanga!" sigaw ko. "Pasalamat ka at hindi ako demonyitang tulad mo! Dahil kapag ako nagkaroon ng powers, sa 'yo ko unang gagamitin 'yon!"

Ay, kay Eon pala muna. Sa kanya ko muna page-eksperimentuhan 'yon bago ko gamitin sa isang 'to.

Nagpatuloy lang siya sa pagbato sa akin. While dodging her attacks, nakinig ako sa bulungan ng mga estudyante. Malay n'yo, may something useful man lang akong magamit laban sa demonyitang ito.

"How the heck can she do that?!"

"Parang napakadali lang sa kanyang iwasan ang mga atake ng prinsesa!"

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon