Kabanata 41

332 17 3
                                    

Kabanata 41
Bet

"TSK. This is so fucking unbelievable." reklamo ni Aster at sinamaan pa ng tingin ang pulang bandila na hawak ko.

Nakakabit ito sa isang magaang kahoy na ginagawa kong tungkod ngayon. I'm not putting my weight on it, so it won't break easily. Sumulpot ito kanina nang magkita-kita kaming tatlo.

"You don't have a choice but to believe it, anyway." Nakangising nilingon ko siya na ginantihan lang niya ng irap. I chuckled and turned my gaze to Minna. "What happened to your group?"

"Ayon, pinagtulungan ako." bagot na sagot niya.

"Well, that's normal. Ikaw, Aster?"

"Same thing happened to me." She shook her head in dismay. "Palibhasa'y hindi sila mananalo sa one on one kaya naghanap ng karamay. Talo pa rin naman."

"E, ikaw? What happened to you? Nasa second place ka kanina ah?"

"Nothing much. Nakuha ko lang 'yong mga pulseras sa dalawang sumugod sa akin. They betrayed their own team that's why I got plenty." Kumunot ang noo ko. "Kung tinalo n'yo ang mga kagrupo n'yo, bakit kaunti lang ang nakuha n'yo?"

"Because we didn't care." Aster exhaled sharply. "The real game hasn't started yet and I'm reserving my energy for that. Magsisimula lang 'yon kapag sampu na lang tayong natitira."

"Totoo 'yon. 'Yong mga boring na laro ay para lang sa mga mahihina o tinatamad na player. Lagi silang naghahanda ng ganito para ma-eliminate agad ang mga ganoong estudyante."

Naisip ko na rin 'yon kanina pero kumilos pa rin ako dahil baka may pagkaing kapalit ang mga pulseras pero mukhang wala. Napanguso ako at lalong niyakap ang sarili. Nakakaramdam na ako ng lamig dahil basa pa rin ako. Idagdag pa ang mga pag-ihip ng hangin na mas nagpapalala ng nararamdaman ko.

"Nilalamig na rin ako, Marie." Patagilid na yumakap si Minna sa akin. "Kakaiba 'yong tubig na ibinuhos mo. Hindi kayang i-absorb ng kapangyarihan ko."

"Tss. I casted a basic spell for a normal water. Ganyan lang ang pakiramdam n'yo dahil nagdagdag ako ng spell para pahirapan kayo ng... kaunti lang naman?" Kahit nilalamig na ay nagawa ko pa ring ngumisi. "That's what you get for pissing me off."

Sa halip na sunugin sila gamit ang asul kong apoy ay binasa ko na lamang din sila para quits. At ngayon nga ay pare-pareho kaming nilalamig.

"And that explain why my fire can't take the coldness away! Bakit hindi mo kaya gamitin ang apoy mo para hindi ka na lamigin, ha, Iceia? Tapos alisin mo na rin 'tong ginawa mo sa amin."

"Para namang hindi ko pa ginawa 'yon." I already did that but it wasn't working. Ramdam ko 'yong init pero hindi naman nababawasan ang lamig. Pakiramdam ko pa nga ay lalagnatin ako nang dahil lang sa nangyari. May kinalaman siguro 'yong ginawa ko sa tiyan ko kaya ganito. Napairap at napanguso na lamang ako. "Gusto ko ng maiyak dahil bukod sa nilalamig ay nagugutom na rin ako. Bakit ba kasi kayo nag-away?"

"Wala lang. Sadyang hindi lang talaga kami nagkakasundo." sagot ni Minna. "Anyway, anong kweba ang hahanapin natin?"

"I want a cave that is hard to find. Mas marami kasing pagkain. Hehe."

"I want that too but what we really need right now is a cave for us to stay. Baka magkasakit ka pa, Iceia."

"Mas magkakasakit ako kung 'di ako makakakain ng marami. Food is life, my friend."

"I didn't know that you can be this stupid. But if that's what you really want, then we should walk faster. May naririnig akong lagaslas ng tubig. There might be a cave nearby or beneath it."

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon