Kabanata 62
First PhaseSean Lee Parker
"BAKIT ako na naman ang gumagawa nito?" ngawa ni Elijah habang isinusulat sa papel ang apat na pinakamalakas at pinakadelikadong spells sa Netherworld.
"Dahil ikaw ang inutusan ng hari." Nakasimangot na binatukan ni Xenon si Elijah. "Huwag ka ng magreklamo at magsulat ka na lamang diyan. Siguraduhin mo din na tama ang pagkakasulat mo dahil tatamaan ka sa akin kapag napahamak si Ceia."
Mangiyak-ngiyak na nag-angat ng tingin si Elijah sa akin na para bang nanghihingi ng tulong at dahil mabait ako, nginisihan ko lang siya.
"Traydor." mahinang saad niya at nakangusong ipinagpatuloy ang gunagawa.
Mahina lamang akong tumawa at tiningnan si Xenon na salubong na naman ang kilay. Mula ng dumating ang bride ni Eon ay madalas ng magseryoso ang isang ito. Lagi siyang alerto na para bang kapag napahamak ang mortal ay agad din siyang sasabog. Hindi ko alam kung paano niya nakilala ang babae at kung ano ang mayroon sila para ganito siya umasta ngunit isa lang ang nasisiguro ko, gulo ang dala ng babaeng mortal na iyon.
"Ano ba talaga ang plano ni Eon sa bride niya?" tanong ko. "First, he tried to remove his mark from her then, this. Bakit gusto niyang ipabasa sa mortal ang mga delikadong spell mamaya?"
"Tss. Sa gulo ng utak ng lalaking iyon, walang makakahula ng tumatakbo sa isip no'n." iritadong sagot ni Xenon. "Ah, putangina! Nangangati talaga ang kamay kong sapakin siya!"
Bigla siyang tumayo at gigil na ginulo ang buhok. Pabalik-balik siyang naglalakad na para bang mapapakalma siya ng ginagawa niya. Nagkatinginan kami ni Colby at sabay na nagkibit-balikat. Nasa ganoong sitwasyon lang kami hanggang sa dumating na ang oras ng welcoming ceremony.
Sa halip na gumamit ng teleportation o superspeed ay normal na naglakad na lamang kami. Hindi naman namin kailangang magmadali dahil hindi naman emergency ang pupuntahan namin. Nang makarating sa broadcasting room ay agad na nakita namin si Eon na hahawakan pa lang ang mikropono. At dahil umiral ang pagiging isip-bata ni Xenon, inagaw niya iyon kaya lumikha iyon ng matinis na ingay na ikinasama ng tingin namin sa kanya. Inirapan niya kami na ikinailing ko na lamang.
Siya na ang may kasalanan, siya pa ang may ganang magalit. Mga demonyo nga naman.
"Sorry for that, students." saad niya.
Narinig namin ang tilian ng mga estudyante sa buong panig ng eskwelahan na ikinasimangot ko. Ang speakers namin dito ay parang intercom na pwedeng magsalita at makinig ang parehong panig. Hindi ito one sided tulad ng love life n'yo.
"Okay, okay, silence please." suway ni Xenon ngunit sa halip na makinig ang mga estupidyante ay mas lalo pa silang naghiyawan.
Napatampal na lamang ako sa aking noo. Wala namang nakakabaliw sa boses ng isip-bata na iyan kaya bakit ganyan sila umasta?
"Silence." Ang malamig na boses na iyon ang nagpatahimik sa buong eskwelahan.
Feeling ko nga, buong Netherworld ang tumahimik, e.
"So." Tumikhim si Xenon bago magpatuloy sa pagsasalita. "All students must proceed to the school auditorium for the welcoming ceremony within five minutes. Thank you."
Hindi na niya kailangan pang ulitin ang sinabi dahil sigurado akong alam naman ng mga estudyante na kasama namin ang hari. Subukan lang nilang hindi sumunod agad ay tiyak na malalagot sila sa siraulong ito. Mula sa broadcasting room ay naglakad naman kami papuntang auditorium. Iilan pa lamang ang mga estudyanteng naroon kaya wala kaming choice kun'di ang maghintay. Doon naman kami magaling, e. Naupo muna kami sa upuang nasa ibabaw ng stage habang pinagmamasdan ang pagpasok ng mga estudyante. Ilang minuto rin kaming naghintay hanggang sa wala ng pumapasok na estudyante rito. Tumayo si Xenon at pasimple namang iniabot ni Elijah ang papel sa kanya na para kay Ganda.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...