Kabanata 32

436 20 1
                                    

Kabanata 32
Train

"OY, ang aga natin sa afternoon class, Marie." pang-aasar ni Minna nang makasalubong ko siya sa hallway. "Oops! Hindi ka pwedeng dumiretso sa classroom. Samahan mo 'kong mag-lunch habang kinukwento mo sa 'kin kung bakit wala ka kanina."

Nakangiting umangkla siya sa braso ko at hinila ako. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya kaysa makipagtalo pa sa kakulitan niya.

"Umorder ka na, ako na ang maghahanap ng pwesto."

Hindi na siya nakipagtalo pa at pumila na lamang. I roamed my eyes to find available seats but to my dismay, ang mesa na lang ng Royalties ang bakante. Bumuntong-hininga ako at naglakad na palapit do'n. I was about to take a sit when somebody pulled my chosen chair away from me. I turned around and saw the culprit which is Aster's sister, Marielle.

"Palibhasa ay nasa unang stage na kayo ng hari kaya malakas na ang loob mong mag-cutting classes. Ang kapal din ng mukha mo e no?"

"Tss. Ang lakas talaga ng radar ng mga gaya mong tsismosa." I hissed and rolled my eyes. Matagal na kaming nasa first stage pero ngayon lang nila nalaman. And I have to play along to protect the real score between Eon and I. "Kung gusto mong maupo rito, ayan na. Sa 'yo na, isaksak mo pa sa ngala-ngala mo ang buong mesa."

"Hoy, 'wag kang masyadong mayabang, mortal. Tinanggap ka lang ng hari namin dahil naaawa na siya sa 'yo." segunda ng alalay niya.

Bumuntong-hininga ako at napailing na lamang. Ayoko ng gulo dahil wala ako sa mood makipag-away ngayon. Akmang aalis na ako nang mabilis na ihampas sa akin ng kapatid ni Aster ang upuan. Tinamaan ang likod ng ulo ko at ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pagtulo ng dugo mula rito.

"Ayoko ng away." wika ko.

Nakakaisang hakbang pa lang ako nang may humawak sa balikat ko at inihagis ako papunta sa glass wall. Nabasag 'yon kaya tumilapon ako palabas. Masakit at nakakagalit pero hindi pa rin ako makikipag-away.

"Marie!" sigaw ni Minna kasabay ng pagbalot ng tubig niya sa akin.

"Ano bang problema n'yo?" I asked as soon as I stood up and freed myself from Minna's water barrier. Pinagpagan ko ang nagasgasang tuhod. Hindi nga ako nagkasugat sa pakikipaglaban kanina pero heto't umaalingasaw na ang dugo ko sa kanila.

Everybody looked at me as if I'm some kind of meal, which is partly true because of my extraordinary blood.

"A-alis na, Marie." Hinawakan ni Minna ang lalamunan niya kasabay ng pagbabago-bago ng kulay ng mga mata niya. "Go."

I know that she's doing her best not to attack me and I'm thankful for that. I didn't summon Fiur but he appeared in front of me with his back facing me. Kumunot ang noo ko nang biglang mawalan ng malay ang lahat ng estudyante sa paligid ko.

"Fiur—"

"Pinatulog ko lang sila, mahal na prinsesa." Humarap siya sa akin na may kakaibang ngiti sa labi. "Tara, magpalipas tayo ng oras sa mall."

He shifted in his dragon form and carried me on his back. He flew and shifted in his human form again when we landed in front of the mall. Pumasok kami at dumiretso sa kainan na napili niya.

"Pwede ka pa lang lumabas nang hindi tinatawag?" I raised my brow at him. This familiar of mine is the real definition of mysterious. Alam kong marami siyang nalalaman tungkol sa totoong pagkatao ko pero hindi niya magawang sabihin sa akin at naghihinala na ako kung bakit.

"Oo, pero may parusang kaakibat 'yon. At 'yon ang bawal mo ng malaman." Patuloy siya sa pagkain na parang hindi ko siya pinakain ng ilang taon. Bigla siyang tumigil at nag-angat ng tingin sa akin. "Bakit hindi ka lumaban? Dahil ba sa nangyari kanina?"

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon