Kabanata 50

347 21 1
                                    

Kabanata 50
Rebels

"ALAM kong si Eon ang tatay mo pero bakit lahat ng features niya, kinuha mo? Wala ka man lang kinuha sa akin, bata." Mahinang pinisil ko ang ilong niya at pinupog siya ng halik. "Mahal pa rin naman kita, my little one."

Tumawa siya kaya kitang-kita ko ang gilagid niya. Wala pa siyang ngipin dahil isang linggo pa lang naman siya. Napangiti ako at pinupog siyang muli ng halik. Humihinto rin naman ako dahil baka mahirapan siyang huminga sa sobrang pagtawa.

"I love kissing you, my little prince." I smiled and caressed his right cheek.

Thanks to Heaven, naisilang ko ang anak ko nang malusog at ligtas. Tungkol naman sa akin, heto pa rin naman ako at buhay na buhay. I passed out after giving birth because of too much exhaustion. I didn't die but my body took three days and a half to rest after that day. Hindi ako naging demon dahil hindi naman ako namatay kaya deity pa rin ako hanggang ngayon. At nang magising ako ay wala na si Eon. Alam ko namang imposible para sa kanya ang tumuntong dito kaya sigurado akong halusinasyon ko lang na nandito siya noong manganak ako. Halusinasyong sinakyan ko lang dahil 'yon ang kailangan ko noong mga oras na 'yon.

But why my heart is telling me otherwise? Mapait akong ngumiti at pinaglaruan na lamang ang maliliit na daliri ng anak ko. Hindi ko alam kung tulad ko ay makakapagsalita na rin siya sa edad ng isang taon. He's not a pure deity because his father is a demon. This is the first time that a deity was paired to a demon and that makes him the first unknown offspring in the history. At malaki ang posibilidad na maraming mata ang nakatutok sa anak ko ngayon. They'll watch him as he grow and show some ability that can possibly be a threat or not to them.

"I love you, my little one." Hinalikan ko ang kamay niyang nakakapit sa hintuturo ko.

Ngumiti siya at lumitaw na naman ang gilagid niya. I giggled and continued playing and talking to him. Ngumingiti o tumatawa siya sa mga sinasabi ko na para bang naiintindihan niya ang mga 'yon. Tumigil lang ako nang bigla siyang tumahimik at humikbi. Napangiti ako dahil alam ko kung bakit siya nagkakaganito.

"My baby's hungry." Binuhat ko siya at inayos ang pwesto niya sa bisig ko para sa pagdede niya. Mabuti na lang at may gatas ako kaya naka-breastfeed ang bata.

Napangiwi ako nang kagatin niya ang nipple ko. Mainipin siya at gustong maraming gatas agad ang mainom kaya nangangagat. Gamit ang kanang kamay ay pinunasan ko ang noo niyang may mga butil ng pawis at hinagod din ang itim niyang buhok. Ang buhok lang niya ang tanging nakuha niya sa akin dahil lahat ay sa ama na niya. Nang makatulog siya ay inihiga ko siya sa gitna ng kama ko at pinalibutan ng mga unan para hindi siya mahulog. I was in the middle of securing him when I heard three soft knocks. Bumukas ang pinto at nakita ko si mommy na nakahawak pa rin sa doorknob.

"Katutulog lang ba?"

"Opo." I planted a soft kiss on his forehead before walking outside the room. "Ano po 'yon, mom?"

"Nasabi ko naman sa 'yo na madalas kaming pagala-gala ng tatay mo 'di ba?"

"Yeah. What about it? Aalis na ba ulit kayo?"

Since my parents are the most powerful beings existing, they're the only creation that can balance the universe including the dimensions. Their job is to eliminate the creatures that's trying to ruin the balance of each world. Sa dami ng mundong nage-exist ay himala na lamang na makatagal sila sa bahay ng ilang buwan.

Noong bata pa ako, si mommy ang laging naiiwan sa amin at si daddy ang laging umaalis. Pero minsan ay baliktad sila dahil hindi pumapayag si mommy na si daddy ang haharap sa ilang delikadong babaeng creature. She once told me that a siren almost killed my father dahil inuna raw nito ang kalandian kaysa sa misyon nila. I don't know the full details of their escapades but I know how great their love story is. Nagkukwento naman sila pero more on kalandian nila kaya wala rin akong masyadong alam sa mga creature na nakaharap na nila. Knowing their story even if it's just a brief is enough for me.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon