Dream 47

171 8 0
                                        

-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Hilary-

Hindi ko na mabilang ang mga araw magmula ng pag uusap namin nina Mr. Bertram, Jeromy at Tristan. Nagsend na ako kaagad sa kanila ang picture ng bracelet ko habang suot ko ito. Pati nga video ay nag send din ako sa kanila.

Habang tumatagal din ay lumalala ang mga nightmares ko. Pakiramdam ko ay totoo ang lahat ng nakikita ko at kung minsan ay hindi ako makahinga. Nahihirapan na nga akong matulog sa gabi dahil doon. Napapansin iyon ni Zane kaya niyayakap nya ako sa pagtulog.
Pakiramdam ko talaga ay safe ako habang nasa tabi ni Zane at susulitin ko na ang mga sandaling ito dahil alam ko naman na babalik na ako sa Earth.

Naupo na muna ako sa tabi ni Zane habang hinahaplos ang kanyang buhok. Ang taas kasi ng lagnat nya kaya naman nag aalala ako. Mahimbing ang tulog nya at mukhang umepekto na yung ininom nyang gamot kanina. May inaayos kasi syang kung ano sa bubong ng bahay at sya naman ang naulanan kaya ayan nagkalagnat sya. Nakausap ko naman na sya na hindi muna ako tatabi sa kanya dahil baka mahawa ako at sinang-ayunan nya naman. Ayoko lang din na makita nya na nagkakanightmares na naman ako.

Mabuti na lang ay walang mga camera sa bahay dahil kung meron, makikita pa ni Zane yung paglalaho ng body parts ko. Noong nakidnap kasi ako ay pinalagyan ni Zane ng mga camera pero pinatanggal ko naman sa kanya. Sigurado naman na kasi akong wala nang kukuha na kahit sino sa'kin. Wala na nga akong napapansin na dreambots na palagiang rumoronda dito sa Woodpine. Mukhang tinotoo na nga ni Mr. Bertram yung pag papatigil sa pag hahanap sa'kin. Mabuti na rin at hindi na masyadong kumalat sa publiko ang balita tungkol sa'kin. Sinasabi na lang nila na rumors lang naman iyon.

Makalipas ng ilan pang araw ay tuluyan ng gumaling si Zane at gustong gusto na nyang mag gala rito sa Woodpine kaya pinagbigyan ko kaagad. Naikwento ko rin kasi na magandang mag barbeque sa may tabing ilog kaya gusto nya na itong gawin.

Pagkahagis nya ng bubble shield ay kaagad nyang tinanggal ang kanyang grey na shirt at tumalon sa ilog. Nag alala pa ako dahil may mga mabatong parte kasi at baka magkamali sya ng pagtalon. Napakalinaw ng tubig nito at nakikita ko na ang mga kulay yellow, silver at black na maliliit na bato sa ilalim.

"Hilary! Halika na! Ang sarap ng tubig! " Tuwang tuwang wika ni Zane habang kumaway kaway sa'kin.

Hindi ko na napigilan ang pagkurba ng ngiti sa aking labi dahil sa inasal nya. Para na naman kasi syang excited na bata. Naglakad na ako papalapit sa tubig saka nagtanggal ng sandals at dahan-dahang lumubog sa tubig. Ang inaasahan ko ay ang malamig na temperatura ng tubig pero maligamgam ang tubig na dumampi sa aking balat. Hindi naman ganu'n kalalim dito kaya hindi ako nahirapan na makalapit sa pwesto ni Zane.

Sa pag lapit ko at biglang hinampas ni Zane ang tubig kaya nakagawa ito ng malaking splash. Kaagad naman akong napapikit at iniiwas ang mukha habang patuloy pa rin sya sa pag hampas sa tubig. Gumanti naman ako at nagtawanan naman sa pinag gagagawa.

"Inuna pa talaga natin ang paglalaro kaysa sa pagkain. " Suway ko sa kanya.

Niyakap nya naman ako at ngumiti ng malapad. "Syempre mas masarap ang pagkain kapag pagod ka na. "

"Napapagod ka na ba? " Tanong ko sa kanya

Ngumisi naman sya saka nilapit ang mukha sa'kin. "Hindi pa pero kung gusto mo, sige pagurin mo nga ako. "

Nanlaki naman ang mata ko saka umiwas kaagad sa tingin nya.

"Hay naku! Tara na kasi i-set up mo na! " Bulaw ko sa kanya saka kaagad na umalis sa tubig.

Kinuha ko kaagad yung purple na tuwalyang nasa maliit na bag ko at saka iyon ibinalot sa sarili. Basang basa na kasi itong suot ko na white crop top and purple na shorts.

Sumunod naman kaagad sa'kin si Zane at nagset up na para makapagluto na kami. Nilabas nya mula sa cooler ang mga kakaibang karne at isda na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Yung iba pa ay kumikinang. Nakahiwa naman na ang mga ito, malinis at ready na lutuin. Paglagay pa lang sa grill ay rinig na rinig ko na ang tunog ng pagtalsik ng mga oils.

Mabilis lang na naluto at kaagad ko naman itong nilantakan. Tamang tama lang talaga dahil tumutunog na ng sikmura ko sa gutom at parang kaya ko nang kainin yung isang malaking plato ng karne.

Napansin ko naman na nakatingin lang sa'kin si Zane at hindi kumakain. Tinagilid ko ang ulo at nagtanong. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko? "

Umiling naman sya kaagad at ngumiti ng malapad. "Wala naman. Ang cute mo lang kasi. "

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit pa panay ang titig sa'kin ni Zane.

Binanggit ko rin kay Zane ang tungkol sa mga tent at ang pag tulog sa loob nito kaya naman andito kami ngayon sa loob ng tent at magkatabing pinagmamasdan ang napakaraming bituin sa kalangitan. Clear kasi yung itataas na parte ng tent kaya kitang kita namin ang mga nag niningning na mga bituin.

Lumapit pa ako kay Zane at niyakap sya ng mahigpit. Rinig na rinig ko ang bawat tibok ng puso nya habang nakayakap. Madalas na ginagawa ko 'to sa kanya dahil hindi ko na ito magagawa kapag nakabalik na ako sa Earth.

"Masyadong mahigpit yung yakap mo sa'kin ah baka marinig mo na ikaw ang sinisigaw ng puso ko. " banat ni Zane saka naman ako kumalas sa pagkakayakap at tumawa ng mahina.

"Anong klaseng banat yan? " Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Sayo lang naman ako ganito eh. Ikaw lang kasi nag papatibok ng puso ko. " Lumapad lalo ang ngiti nya.

"Ang corny mo! " Natatawa kong wika saka hinampas yung braso nya.

Huminto naman kami sa pagtawa at nagkatinginan sa mata ng isa't-isa. Biglang sumagi sa isip ko na para namang eksena sa kdrama ang mga kaganapan ngayon.

Patuloy lang akong nakatingin sa mga mata nya at kitang-kita ko na ang repleksyon ko rito. Ako na ang unang lumapit sa mukha nya at idinampi ang labi ko sa labi nya. Ilang sandali pa ay sya na ang naunang gumalaw at patuloy naman akong tunutugon sa bawat paghalik nya sa'kin. Para bang hinihigop na nya ako't lalamunin ng buo. Nakakabaliw naman to pero gusto ko na tumagal ang ganitong pakiramdam na kalmado. Peaceful ang utak at puso ko kapag kasama ko sya.

Kumalas sya ng bahagya saka ko nakita ang matamis nyang ngiti at ang tila ba kumikislap nyang mga mata. "Hilary, ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito. Natatakot ako na mawala ka sa'kin kaya sana ay hindi na matapos itong nararamdaman ko at sana ay lagi tayong masaya. Natatakot ako sa mga posibleng mangyayari sa hinaharap pero gusto kong maipadama sayo na mahal na mahal kita. "

Muli syang lumapit at inangkin ang aking labi. Hinayaan ko naman sya at lalong nilapit ang sarili.





Fangirl In DreamLandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon