Dream 49

172 7 0
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-Hilary-

Hindi naman mukhang hologram ang mga katabi namin dito.

"Hindi talaga halatang hologram dahil masyadong maganda ang nabuild na technology ni lolo, " wika ni Zane ng hindi nakatingin sa'kin at may hawak pa syang glass ng wine. Tsk! Nagmumukha tuloy syang cool.

"Nakita mo sila mama at papa, hologram lang din sila. Yung ibang Dreamers na narito ay puro hologram lang. Mga kakilala rin naman sila ng pamilya namin. Pwede mong makamayan o makayakap ang mga narito pero hindi sila physically nandito. " Paliwanag pa nya.

"Para namang multo. " Komento ko.

"Parang ganu'n na nga. Madalas na ginagawa nila 'to kapag may special na event and hindi dapat marami ang pwedeng makadalo pero mukhang seryoso naman sya sa safety natin. Basta wag kang lalayo sa tabi ko ah. " Muli nyang kinuha ang kamay ko para hawakan. Kulang na lang ilagay nya ako sa bulsa nya.

Tumango naman ako at pinisil ang palad nya.. "Yes po. Hindi ako aalis sa tabi mo. "


Nagpatuloy ang party at Hindi mawawala ang games. Yung ibang mga laro ay yung kalimitang nilalaro sa isang children's party kaya nakakatuwa. Maririnig din ang halakhakan sa paligid. Hindi mo talaga aakalain na puro hologram ang mga kasama namin dito dahil mukha silang totoo.

After ng ilang games ay isinerve na ang pagkain at hindi nawala ang mga tawanan at malakas na pag uusap sa kada table.


Nakasuot ng pink at lavender ang mga hologram na narito, talagang sumunod sa theme ng party. Nakakapanibago lang talaga dahil noong una akong mapadpad dito sa DreamLand ay puro black and white lang yung nakikita ko na suot ng mga mas nakakataas.

"Hindi talaga ako sanay sa ganito. " wika ni Zane saka sumubo ng pagkain.

Lumapit ako kay Zane saka bumulong "Kahit ako rin naman naninibago kasi puro white and black ang nakikita kong suot ninyo noong una akong mapunta rito. "

"Tsaka hindi ganyan ang inaasal ng mga kakilala namin. Tahimik lang sila kumain. Hindi sila malalakas tumawa at mag usap pero mas gusto ko yung ganito" Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

Nagpatuloy kami sa pagkain at nagpalaro pa ulit sila. Natatawa naman ako sa reaction ni Tristan kasi parang sya pa yung mapapagod sa pinag gagagawa ng hologram.

Ilang sandali pa ay tumugtog na yung music na mapapaindak ka kaya naman tumayo ako at inaya si Zane.

"Tara! Sayaw tayo! " Pinatayo ko na kaagad si Zane at nag punta sa bandang gitna saka kami sumayaw sayaw na parang mga baliw.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang nasa harap ko sya. Everytime na nagtatama ang paningin namin ay nakikita ko ng kinang na para bang nakatingin na ko sa galaxy.

Fangirl In DreamLandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon