[BTS Fanfiction] -Completed-
Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hin...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lumipas ang ilan pang araw ay tuluyang nakarecover si Hilary at nakapagkakad ng maayos kahit paunti-unti. Halos 3 months syang na comatose at muling nanumbalik ang kanyang alaala noong araw na iyon. Ang araw na akala nya ay nakuha nya ng maayos ang orange cat sa daanan. Hindi nya lang namalayan na napakabilis ng kotse ang nakabangga sa kanya ngunit nailigtas nya ang kawawang pusa na nag papalaboy laboy sa daanan. Ang orange cat na iyon ay inalagaan ng kanyang pamilya at pinangalanang Ori. Nag research pa ang kanyang mga kapatid ng magandang ipapangalan sa pusa at nakitang ang cute ng Ori dahil pinaikli itong orange at nangangahulugang light sa Hebrew. Ang liwanag na nagbibigay ng pag asang muling gigising ang kanilang ate mula sa pag kakahimbing.
Ipinagdiwang nila ang pasko at bagong taon sa ospital ng magkakasama. Nang makasiguradong maayos na ang kalagayan ni Hilary ay muli na syang bumalik sa school. Pinakiusapan ang mga teacher tungkol sa pag aaral ni Hilary at naging okay naman ang set up.
Naging matalik na kaibigan nya kaagad si Maya at napagtanto nya na walang nakakakilala kay Velia. Ganu'n din ang mga kapatid ni Velia na para bang nabura na ng tuluyan ang malalik nyang kaibigan. Ilang beses nya ring chineck ang social media accounts nito pero walang lumalabas na may ganoong username na para bang tuluyang nabura ang existence nito sa Earth.
Napansin din ni Hilary sa sarili na napapaupo sya at napapatakip ng tainga kapag may biglang nahuhulog o kaya naman ay may malakas na tunog sa paligid. Minsan pa ay nagiging alerto sya at umiiwas kaagad kapag pabirong hahampasin. Alam nya na rin naman sa sariling hindi na sya kagaya ng dati pero kahit na ganu'n ay nag aral ng maigi si Hilary. Hindi sya nasa top ng kanilang klase pero sinisigurado nyang maipapasa nya ang bawat subject. Kasama nya rin si Maya na fangirl rin pala kagaya nya kaya naman sabay silang nakikinig ng mga kanta.
Nagsumikap si Hilary para makasabay sa mga lessons. Todo ang pag rereview tuwing exam at nag tatanong kaagad kay Maya kapag may hindi sya naiintindihan. Ang kapalit naman ng pagsusunog ng kilay ay ang chansang makapagmartsa at matanggap ang diploma na katunayan ng kanyang pagtatapos ng Señior High School. Batid nya na sa college ay mas marami pa syang haharaping balakid pero alam nya sa sariling kayang kaya nya itong lampasan. Syempre may kaunting reklamo bago gumawa.
Puro picture ang ginawa nila ng kanyang mga kaklase at nagpalitan ng photocard na kanilang graduation picture. Hindi naman mapigilan ni Maya ang ng luha sa kanyang pisngi kaya dali dali nya itong pinunasan bago tuluyang yakapin ng mahigpit si Hilary.
Sa paglabas ng venue ay nakaakbay si Hilary sa mga nakababatang kapatid pero napahinto sya ng makita mula sa kabilang bahagi ng kalsada ang unang lalaking kanyang minahal at kahit kailan ay hindi nawala ang nararamdaman nya para rito. Akma na sana syang hahakbang pero natigilan din sya dahil may dumaan na kotse at sa paglagpas nito ay nawala rin sa paningin nya si Zane.
"Ate anyare?" Nagtatakang tanong ni Mar.
"Yeah what happened? It's like you've seen a ghost? " Curious na din ang kanilang bunso na si Wakky.