Dream 48

179 8 0
                                        

-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Hilary-

Ang dami na naming napasyalan ni Zane dito sa Woodpine. Para ngang nag gagala kami halos araw araw. Naisip ko nga na palagi kaming nag fi-field trip. Talagang sinusulit ko ang bawat sandali. Panay ang kuha ko pictures at videos na para bang isa akong vlogger.

Ngayon naman ay naisipan lang namin na magpicnic sa lavender fields na nasa tapat lang ng bahay namin. Mula sa malayo ay nakita ko si Zane na nakaupo sa picnic blanket at nakasuot ng sky blue na tshirt at white shorts. Yung buhok nya ay kulay itim na ulit.

Dark purple naman ang kulay ng buhok ko ngayon na nilagyan ko ng konting glitter strands. Nakapurple top and white shorts  ako. Hindi na ako nag suot ng tsinelas dahil hindi naman madumi rito.

Tumakbo ako papalapit kay Zane at naupo sa tabi nya.

"Ang dami mong energy ngayon ah. "Komento ni Zane dahil sa pagtakbo ko.

Ngumiti naman ako ng malapad saka sya niyakap. "Syempre dahil nandyan ka. Ikaw ang energy ko. "

"Huy! Kinikilig naman ako! " Tinakpan nya kaagad ang mukha gamit ang magkabilang kamay.

"Hala! Ang cute mo talaga kiligin! " Hinaplos ko pa ang buhok nya.

Nakikita kong namumula na ang tenga nya. Ganito ba talaga ang epekto ko sa kanya?

Nagkwentuhan muna kami sandali. Maya maya pa ay napansin ko na biglang tumingala si Zane kaya naman binaling ko ang atensyon sa kung ano man ang tinitingnan nya. Sa pag tingala ay kapansin pansin  ang isang pastle pink big notebook na lumilipad. Dahan dahan itong lumapag sa tabi ko kaya naman napatayo si Zane at pilit din akong pinapalayo sa kakaibang bagay.

"Hindi ko alam kung papaano nakapasok ang bagay na iyan dito pero hindi magandang lumalapit iyan sa'tin. " Turo nya pa sa pink na libro.

"Zane naman, wag kang OA. " Natatawa naman ako sa reaction nya pero naging kalmado lang ako at pinulot ang notebook na kanina lang ay lumilipad.

Sa pag buklat ng pahina nito ay may malaking screen na biglang lumitaw. Ngumiti naman ako ng malapad ng muli kong makita sina Tristan at Jeromy sa screen.

"Hi Hilary! Ikaw din Zane! " Kumaway kaway sila saamin.

"Iniimbitahan namin kayo para sa isang party dito sa Eanverness. Ang color na dapat isusuot sa party ay purple at pink." Nakangiting pag iimbita ni Jeromy.

"Bakit naman nila tayo iniimbitahan? " Ramdam ko sa boses nya ang pagtataka at hindi pagsang-ayon sa party na iyon.

"Dapat lamang nating i-celebrate ito dahil sa wakas! Hindi na ipinapahanap si Hilary dahil napatunayang wala syang kasalanan. " Isang napakalapad na ngiti na ngiti naman ang ipinakita ni Tristan.

Mula sa likod nina Tristan at Jeromy ay lumitaw si Mr. Bertram ang lolo nina Zane at Zack. Kaagad kong ibinaling ang atensyon sa mukha ni Zane at napansing magkasalubong ang kanyang kilay. Hindi pa rin talaga mawala ang pag hihinala sa kanya. Patuloy pa rin akong nakatingin sa mukha ni Zane habang nakikinig para makita ko ang magiging reaksyon nya.

Fangirl In DreamLandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon