Dream 46

158 8 0
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-Hilary-

Pamilyar sa'kin ang matandang lalaking nasa screen.

"Ako si Hugh Bertram ang lolo nina Zane at Zack. Nalaman ko na ang impormasyon tungkol sayo at lubos akong humihingi ng tawad dahil sa iyong mga naranasan. Inakala namin na espiya ka mula sa Earth kaya naman pinarusahan ka nila at pilit na pinaamin. Hindi dapat ito nangyari kung nagkaroon lang ng maayos na pag uusap at masiyasat na imbestigasyon. Kaya patawad.. " Nag bow ang lalaki na nagpakilalang lolo nina Zane at Zack.

"Kilala mo naman siguro si Evlia na mas kilala mo biglang Velia na nakasama mo sa Earth. " Tumango naman ako at patuloy na nakinig.

"Parte kasi si Evlia ng isang project at ito ay ang Project D.R.E.A.M na kilala rin sa project Data Retrieval, Exploration and Analysis of Multi verse. Ang layunin ng project na ito ay mapag aralan ang pamumuhay, cultura at iba pang mga kagamitan sa iba't ibang mundo. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naiwala nya ang chip na syang makakatulong sa kanya sa pagbalik dito sa Dreamland. Nakikiusap kami sayo na kung maari ay tulungan mo kami na maibalik sya rito sa Dreamland. Kung nais mong makipagtulungan sa'min ay pindutin mo lamang ang pin na ito.. " May inilabas naman na pin ang ladybug mula sa katawan nito.

Pinulot ko naman ang pin at mas lalong nakita ang mga detalye nito. Bilog ang hugis nito at sa logo ay may malaking building, nasa magkabilang gilid ang dalawang buwan at maraming bituin na nakapaligid dito. Ang tagalagay sa itaas na bahagi ay Beyond Knowledge at ang nasa ibabang bahagi naman ay Institute.

May binaggit na chip sa'kin si Velia at may bracelet din. Siguro nga ay may kinalaman iyong mga binaggit nya sa nangyayari ngayon.

"Isa ako sa nagtatag ng Beyond Knowledge Institute. Ginagawa ko ito para matulungan ka at si Evlia. Hindi mo na kailangan pang mangamba sa mga dreambots dahil papatigilin na ang pag hahanap sayo sisiguraduhin kong wala ng ibang manghuhuli sayo." Huminto sya sandali saka ipinakita ang hawak nyang pin na kagaya ng pin na hawak ko. "Ang pin na hawak mo ngayon ang mag sisilbing komunikasyon natin kung naisipan mong makipagtulungan. Nakikiusap din kami na kung maaari ay huwag mo na munang sabihin sa aking apo na si Zane na nakita mo ang video na ito dahil sigurado ako na hahadlang sya sa kung ano man ang pag uusapan natin. Aantayin namin ang iyong response at kung nakapag desisyon ka na ay pindutin mo lamang ang pin. " Nawala na ang screen at lumipad na muli sa ere ang ladybug.

Hindi ko alam kung paano ito nakapasok pero siguradong hindi na ito makalabas dahil inuntog na lamang nya ang katawan sa bintana. Narinig ko rin na may papalapit na sa kwarto kaya kaagad kong binuksan ang bintana para makalabas ang ladybug.

"Oh Hilary, bakit ka bumangon? Tsaka bakit mo binuksan yung bintana? " sunod-sunod na tanong ni Zane.

"Gusto ko lang sana ng sariwang hangin, " pag papalusot ko.

Kaagad namang lumapit sa'kin si Zane at muli akong hiniga sa kama.

Lumipas ang mga araw at pinag isipang maigi ang sinabi ng lolo ni Zane. Baka naman kasi isang patibong lang ang mga sinabi sa'kin. Papaano na lang kung may binabalak lang sila sa'kin? Na gusto lang nila kaming paghiwalayin at ikinukubli lang nila iyon gamit ang kaibigan ko na si Velia.

Halos di na ako makatulog kakaisip pero hindi ko rin naman dapat ipagsawalang bahala yung biglaang pag labo or pag glitch ng ibang body parts ko. Nakakaramdam na ako ng matinding takot. May mga time na nagtatago na lang ako sa cr para lang hindi makita ni Zane na naglalaho ang ibang body parts ko.

Gusto ko sana na makasama pa si Zane pero hindi ko rin naman pwedeng pabayaan na lang ang kaibigan ko. Mas matagal ko nang nakasama si Velia at sya lang ang kaibigan ko na fangirl.

"Kailangan ko syang tulungan. " bulong ko sa sarili saka kinuha ang bouncy shoes na nasa cabinet at kaagad na lumabas.

Nang maisuot ko na ang bouncy shoes ay namili na kaagad ako ng puno saka tumalon doon. Hindi nga kasi pwedeng malaman ni Zane ang mga impormasyon na malalaman ko. Umayos ako ng upo sa isang sanga saka pinindot yung lapel pin. Sa pagpindot ko sa pin ay may screen ang lumitaw sa ibabaw nito at muli kong nakita ang mukha ng lolo ni Zane at Zack, si Mr. Bertram.

"Maraming salamat Hilary sa pag pindot sa pin. " Panimula ni Mr. Bertram.

"Recorded na naman ba ito? " Tanong ko saka pinindot pindot yung screen na mukhang hologram.

Bahagyang tumawa si Mr. Bertram bago sumagot. "Hindi recorded o ano man ang nakikita mo. "

"Ahhh okay po. " Nag aalangan pa akong tumawa

"May napapansin ka ba na na kahit ano sa katawan mo? " Seryosong tanong ni Mr. Bertram sa'kin.

Tumango ako bago sumagot. "Opo, minsan ay nag gglicth o lumalabo yung ibang body parts ko kaya rin po naisipan ko na kausapin kayo para malinawan. "

Bumuntong hinga naman si Mr. Bertram bago tuluyang magsalita. "Magiging honest na ako sayo iha, hindi na maganda ang kalagayan mo ngayon dahil kapag tumagal pa na hindi ka nakabalik sa iyong mundo ay maglalaho ka ng tuluyan. Ang mainam na gawin natin ngayon ay ang mahanap ang chip ni Evlia para maibalik sya sa Dreamland at ikaw naman ay sa Earth. "

"May binaggit sa'kin na bracelet at chip sa'kin si Velia dahil nakita ko sya nitong nakaraan pero hindi ko sya maintindihan dahil bigla na lang syang naglaho. " Kaya naguluhan ako sa chip na sinasabi nya.

Nakita ko namang sumilip sa screen si Jeromy at humingi ng permiso kay Mr. Bertram kung maaring magsalita at pumayag naman ito.

"Noong nagkausap kami ni Evlia, may sinabi sya sa'kin na ibinigay nya sayo. Bracelet daw iyon at mukhang aksidenteng nalagay doon ang chip nya. Naisip ko rin na hindi imposibleng mangyari iyon dahil nga hindi maingat si Velia sa mga gamit nya." Paliwanag ni Jeromy.

"Bracelet? Teka, hindi kaya itong bracelet ko? " Pinagmasdan ko naman yung bracelet na ibinigay sa'kin ni Velia noong 18th birthday ko ngayong taon. Kulay silver ito at may maliliit na stars.

"Kung ayan nga iyon ay pwede naman natin itong tingnan para makumpirma pero hindi pwedeng tanggalin yung bracelet ng biglaan." Paalala ni Mr. Bertram dahil mukhang alam nya na ang nasa isip ko. Balak ko sanang tanggalin mismo buti na lang at hindi ko na itinuloy.

Lumingon muna sila sa kanan at sumenyas si Mr. Bertram na lumapit kaya naman lumitaw din sa screen si Tristan.

Lumapit ng bahagya si Tristan sa screen bago magsalita. "Gusto ko lang sana isuggest na pwede kang mag send ng picture ng bracelet habang nakasuot pa rin sayo para lang mas makita pa namin ito ng maigi at makumpirma. "

"Teka muna, kapag makabalik na ako sa Earth, may chance ba na makabalik akong muli dito sa Dreamland kahit sandali lang?" Curious kong tanong kahit mukhang alam ko na ang sagot.

"Ikinalulungkot ko pero hindi ka na muling makakabalik dito." May kung anong kumirot sa puso ko dahil sa naging sagot ni Mr. Bretman.

Nalungkot ako dahil sa narinig pero sa loob loob ko ay tila ba inaasahan ko na ito dahil hindi naman talaga ako taga rito at hindi naman talaga ako dapat na narito. Ayoko rin naman na pabayaan na lang ang kaibigan ko na mawala na lang sa kalawakan.

"Kung makukumpirma nyo na itong bracelet na suot ko nga ang susi para makabalik ako sa Earth, pakiusap na bigyan nyo pa ako ng konting oras na manatili. Hindi ko pa kasi alam kung paano ako makakapagpaalam kay Zane. " Pakiusap ko sa kanila dahil kailangan ko pa ng kaunting panahon para makasama si Zane.

"Naiintindihan namin Hilary. Salamat din sa pakikipagtulungan mo sa'min. " Tipid ang ngiti na ibinigay ni Mr. Bertram saka sila nagbow na tatlo sa'kin

Muli ko nang pinindot ang pin at nawala na yung screen.

"Hilary! Anong ginagawa mo dyan?" Nagtatakang tanong ni Zane habang nakatingala sa kinauupuan ko.

Naghanda akong tumalon paibaba at binigyan ng isang napakatamis na ngiti si Zane. "Gusto ko lang magpahangin. "

Hinawakan ko naman kaagad ang kamay nya at pumasok na kami sa loob ng bahay.













Fangirl In DreamLandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon