AYEESHA's POV
"Ayeesha" I heard nay Lucy while knocking my door.
Pinunasan ko ang mga luha at inalis ko ang mga buhok na nagkalat sa mukha ko.
I stood at binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. I forced myself to smile, I forced myself to hide the pain.
"Ano ho iyon?" Tanong ko kay Nay Lucy. Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay natulala lamang siya at pinagmasdan ang mukha ko. Dinampi niya ang palad niya sa noo ko at sumunod sa pisngi ko.
"May sakit kaba anak? anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak.
"Nay Lucy, ang sakit na ho. Sobra na po akong nasasaktan"
"Anak ng dahil ba ito kay Daylan?"
Tumango ako at hinagod ni Nay Lucy ang likod ko. "Pasok tayo sa kwarto mo at mag usap tayo"
Umupo kami sa couch sa kwarto ko.
"Nay bakit po ganun? Sa tuwing nag mamahal po ako hindi po pwedeng hindi ako masaktan? Bakit lagi nalang akong natatalo sa pag-ibig? Bakit po? Masama po ba akong tao para maransan ang lahat ng bagay na ito?" Nay bakit po?" Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko, wala na sigurong sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.
"Nay, bakit niya ako niloko? Napaniwala niya ako na mahal niya ako. Lahat ng atensyon at pagmamahal ko ay binigay ko sakanya. Pero bakit ganun? Nagawa niya parin po akong lokohin? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na binigay ko sakanya?"
Napa-iling nalang si Nay Lucy at ngumiti sa akin. "Ayeesha, alam mo anak. Parang nakikita ko sayo ang sarili ko noong kabataan ko" tinignan ko siya deretso sa mga mata at nginitian niya lang ako.
"Nasaktan din po ba kayo ng sobra? Umasa rin po ba kayo na mamahalin kayo ng taong mahal niyo?"
Bigla siya natawa at hinawi niya ang mga buhok ko na nagkalat sa mukha ko. "Sobra rin akong nasaktan noon, sobrang dami naming naranasan ng asawa ko ngayon bago kami naging masaya sa buhay pag-ibig namin"
"Nay Lucy naman e, at least nga kayo nagkatuluyan pero kami malabo ng mangyari yun"
"Alam mo anak, natural lang na masaktan ka sa tuwing nagmamahal ka dahil dun mo talaga malalaman na totoong nagmanahal ang isang tao sa tuwing nasasaktan siya. Kapag hindi kana nasasaktan ibig sabihin noon ay hindi kana nag mamahal. Huwag mong pangunahan ang mga pangyayari anak, malay mo may rason siya kung bakit niya nagawa sayo iyon. Malay mo may iba pang tao na karapat dapat sayo at alam niyang hindi siya yung tao na makakapag bigay sayo kasiyahan"
"Feeling ko hindi ko nakakayanin yung sakit na nararamdaman ko. It's hard to win this battle. Sa tuwing nakikita ko kung gaano siya kasaya sa piling ni Loraine,kung gaano niya inaalagaan yung babaeng 'yon. Doble-dobleng sakit ang nararamdaman ko. Parang pinipihit ng higanteng tao ang puso ko at unti-unti itong nadudurog"
"Alam ko anak, matatag at matapang kang tao. Kakayanin mo ang lahat ng pagsubok na pinagdadaanan mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Maraming nagmanahal sayo".
"Salamat po"
Kahit papano ay gumaan ang loob ko at nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. At least nailabas ko ang lahat ng sakit at galit na meron ako sa puso ko.
------
"Nathalie!" I heard a familiar voice calling my name. Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki na naka ngiti at kumakaway sa akin.
Nag lakad siya papalapit sa akin. "Hi Renz" bati ko sakanya.
"So what's with the sad smile?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Napansin niya pala.
Umiling lang ako at nagpatuloy ng maglakad.
"Is something bothering you?"
"Siya na naman ba ang dahilan nito Ayeesha?"
"Ano na naman ba ang ginawa niya sayo?
Tuloy-tuloy niyang tanong sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ni-isa sa mga tanong niya ay wala akong sinagot. Alam ko naman na magagalit na naman siya sa kaibigan niya e, ayoko naman na pati ang friendship nila ay masira ng dahil lang sa katangahan ko.
Hinila niya ang wrist ko. "Answer my question!" He said in a high tone, nakakatakot ang tono niya. "Sinaktan kana naman ba niya?"
Tumingin ako sa ibang direksyon, dapat ko bang sabihin sakanya ang totoo? Ayan na naman, nangingilid na naman ang mga luha sa mata ko.
Hinawakan siya ako sa magkabilang pisangi "Nathalie, please tell me" mahinahong sabi niya sa akin.
Nakita niya ang mga butil ng luha sa mata ko "Sa tingin ko alam ko na ang sagot sa mga tanong ko" pinunasan niya ang pisngi ko at niyakap niya ako ng napaka higpit.
"See me after class, sa coffee shop malapit sa school. Huwag kang mag-alala, mananagot ang taong nanakit sa taong mahal ko"
Bigla siya tumakbo ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba, sana kung ano man ang binabalak ni Renz ay huwag na niyang ituloy.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...