AYEESHA's POV
Hapunan na noong naisipan kong bumaba, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina. Nauna ng bumaba sa akin si Karisma at nadatnan ko silang lahat na nakaupo na sa hapag kainan.
"Hi Ayeesha, hindi na kita ginising kanina. Mukhang pagod na pagod ka" sabi sa akin ni Karisma.
"Oo nga di ko nga namalayan na nakatulog na pala ako" sabi ko at nginitian ko siya.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa may tabi ni Shiena. Kaharap ko naman sa upuan si Daylan, na-awkward tuloy ako.
Kukunin ko na sana yung sandok ng kanin nang may biglang nauna and it was Daylan.
"Ako na" sabi niya sa akin.
"No, I can do it for myself" pagmamatigas ko, I am expecting na hahayaan niya na ako. Kaso bigla siyang tumayo at nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko.
"Thanks" sabi ko sakanya at nginitian niya lang ako.
Ano ba yan, bakit ba naging uncomfortable yung feeling ko?
"Anong ulam ang gusto mo?" Tanong ni Daylan sa akin.
"Pre let her, she can do it by herself" seryosong saad ni Renz.
"Ya, hayaan mo nalang ako Daylan. Hindi na ako bata" pagsasang-ayon ko kay Renz.
Hinayaan naman ako ni Daylan and I don't fathom myself, nagu-guilty ako sa ginawa ko.
Tahimik ko lang tinapos ang kinakain ko habang ang iba naming kasama ay nagkukulitan at nag aasaran na. I don't know why I suddenly felt nervous and uneasy. Ang lakas naman ng existence ni Daylan.
"Guys! Let's play truth or dare!" Masayang sabi ni Shiena.
"Ya babe, let's finish our food first ha?" Sabi naman ni Luke sakanya.
Napa-iling nalang ako sa inaasal ng dalawa. Tumayo na ako at pinunasan ko ang bibig ko.
"Akyat na ako, gusto ko ng magpahinga" walang ganang sabi ko sakanila.
"Wait! Huwag ka naman KJ Ayeesha, join us!" Sabi ni Karisma.
"Oo nga! Diba kakagising mo lang?" Tanong sa akin ni Kean.
Nagulat ako nung pumalakpak si Karisma at tumayo pa. " For the first time in my life, umagree sa akin si Kean. Palakpak naman diyan guys" sabi niya at humagalpak naman ng tawa ang mga kasama namin at pumalakpak din.
"Huwag kang feeling" iritadong sabi ni Kean kay Karisma at sinamaan niya lang ito ng tingin.
"Pero Ayeesha, ano ba talaga? Pumunta ka ba dito para matulog?" Tanong ni Bae.
Tss. Ewan ko kung anong pumapasok sa kokote ko, hindi naman ako pagod at hindi rin naman masama ang pakiramdam ko.
Hay naku Ayeesha, iniiwasan mo lang si Daylan kaya ka nagkaka ganyan no. Sabi ng maliit na parte ng utak ko. Napa-iling nalang ako, ano ako? Bitter. Hindi kaya no.
"Ok! I'll join you in your game, mag shower lang ako " sabi ko sakanila at tumango nalang sila.
Umakyat na ako at nagtungo na sa kwarto ko para maligo.
Binilisan ko ang pag aayos ko sa sarili ko, I'm wearing a pink V-neck shirt na tinali ko sa bandang baba at isang white jogger pants. Alam kong malamig sa labas kaya hindi ko na naisipan pang mag shorts. Pinusod ko ang buhok ko and I put a light lipstick.
Bumaba na ako at nadatnan ko si Aling Lerma na nag liligpit ng pinagkainan namin.
"Nasaan na po sila?" Tanong ko sakanya and I gave her my wide and sweetest smile. Magaan talaga ang loob ko sa mga taong katulad niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...