AYEESHA's POV
Isang mahabang araw na naman para sa akin ito, isang kakaibang lingo na naman para sa amin ito. Exam week kase ngayon and yea, everyone is busy.
"HELL MATH!" Mariin na sigaw ni Karisma, lahat ng mga tao sa library ay napatingin sa kanya.
"Quiet please" student 1.
"Kung gusto mong mag ingay sa lumabas ka" student 2.
"Mag-aral ka nalang" student 3.
Biglang nagdilim ang paningin ni Karisma.
"Eh kung ikaw kaya ang kaladkarin ko palabas ng school?" mataray na tugon nito. Napayuko nalang ang mga sumita sakanya at ipinagpatuloy nalang ang kanilang ginagawa, ganyan talaga kapag examination week, halos masungit ang mga students.
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa math book na hawak ko, madali lang naman ang topic, logarithms na kami. Ewan ko ba kung anong pinoproblema ng Karisma na to.
Habang nagbabasa ako ay may naramdaman akong nag poke sa akin.
"Hell what Shiena?" iritang tanong ko dito na hindi ko man lang siya tinitignan.Siya kasi ang katabi ko e. Hindi niya ba nakikita na busy ako? Tss. Hindi siya sumagot pero she poked me again. "What the hell is your fucking pro---" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil hindi ko inaasahan ang gwapong nilalang na tumambad sa akin, akala ko si Shiena yung kanina pa na kumakalabit sa akin, mali pala ako. It's him, it's Daylan. The guy who gave me happiness, love, importance and the guy who made me feel special. Ok, kumo-corny na, tama na Ayeesha.
"Are you done checking me out?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin at umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Whatever Montinegro"
"Tss"
"Mag aral ka nalang"
"Tapos na ako"
"Kay! Huwag mo akong guluhin dito, mag aaral ako"
Sinunod naman ni Daylan ang sinabi ko sakanya, nakinig nalang siya ng music sa ipod niya at habang ako naman ay sobrang busy sa pagreview.
***********
"THANK YOU LORD! FINALLY, HELL WEEK IS OVER" I shouted.
"Hey, tumahimik ka nga nakakairita ang boses mo" reklamo sa akin ni Daylan, nasa parking lot kami ngayon. Pupunta daw kami ng mall, para naman daw marelax ang utak namin.
"So nakakairita?" nakataas ang kilay na tanong ko sakanya.
"Totoo naman e"
"Sige mag mall kang mag-isa mo" sabi ko sakanya at naglakad na ako papunta sa ibang direksyon, naglakad ako papunta sa exit ng parking lot.
"Ayeesha" tawag niya sa akin pero di ko siya nilingon, mapag tripan nga ang lalaking to.
"Hey"
"Ayeesha bumalik ka dito"
"Mahal"
"Babe"
"Wifey"
"Sexy!"
Humarap ako sakanya at binigyan siya ng ngiti na nakakaloko "What did you just call me?" nakapameywang na tanong ko sakanya.
"Alin doon? Mahal? babe? wifey?" naka-kunot noong tanong niya.
"No, the last one Dy" sagot ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...