AYEESHA's POV
"Congratulations to all of you and good luck to your college life!" Masayang bati sa amin ng principal namin, ang mommy ni Daylan.
Nag play na ang graduation song namin and isa-isa ng nagsilapitan ang mga estudyante sa mga kaibigan nila. I saw Bae,Sheina and Karisma na papunta sa akin and I can't help myself from crying. Sa dalawang taon ko dito sa school na ito silang tatlo ang nagpapagaan lagi ng loob, kapag I feel frustrated lagi nila akong binibigyan ng rason para bumangon at magtiwala sa sarili ko.
Ng makalapit sila sa akin nag group hug kami. "Parang baliw naman kayo!" Sabi ko sakanila habang umiiyak. "Hindi pa naman ako mamatay girls" natatawang sabi ko sakanila.
"But you're still leaving!" Nakasimangot na sabi ni Bae.
"Pupunta ka ng France" Singit naman ni Sheina.
"Sus. Ang drama niyo guys, hindi kami tuloy kasi may business trip si mom and dad sa Europe" Ya. Trip to France ang graduation gift nila mommy sa akin but unfortunately someone called last night na kailangan na daw nilang pumunta sa Europe for business meetings, kaya sabi ko sakanila na iuna na nila yun, nung una nga nagu-guilty si mommy. Pero sinabi ko naman na naiintindihan ko sila ni Dad.
"Seriously?" Masayang tanong ni Bae at tumango lang akong nakangiti.
"So sama ka sa beach house nila Luke?" Tanong naman ni Karisma. I frowned at siniko ni Bae si Karisma.
"Ha?Luke?" Tanong ko, si Luke ba na kaibigan ni Daylan? Or iba pang Luke? Kasi naman parang malabo nilang maka-close yun e.
"Ah-eh Luke na ka-" naputol ang sasabihin ni Sheina ng may biglang sumigaw.
"Babe!" Tawag ng isang lalaki mula sa likod ko. And then I was shock when I saw Luke waving his hand sa may banda sa amin. Luke yung kaibigan ni Daylan. Napakunot ang noo ko at tumingin sa likod namin. Wala na din mga tao doon and then tumingin ako sa mga kaibigan ko at napansin ko si Sheina na nakayuko.
"So what's with the babe?" I asked them and no one answered.
Lumapit si Luke sa amin. "Hi Ayeesha. Long time no see, by the way congratulations to us" Naka-ngiting bati nito.
"Care to explain ha? So what's happening here?" Hindi ko pinansin si Luke at tinignan ko ng masama ang mga kaibigan ko.
"Ah kase, Ayeesha ano e"Ngayon ko lang nakita si Sheina na ganito, she's not sure about herself. Nasan ang kaibigan ko? Wow. Nakakapanibago lang. Ganun ba ako katagal nagmukmok at wala na akong masyadong nababalitaan sa mga kaibigan ko.
"Ok Ayeesha, I'm dating Sheina" Diretsong sagot ni Luke. Isa pa itong lalaking ito, hindi ko naman inaasahan na magugustuhan niya si Sheina.
"Why you guys didn't tell me?"
"Busy ka kasi nagmukmok sa ex mong si Daylan" deretsong sagot sa akin ni Sheina.
Napatigil nalang ako sa sinabi niya, naalala ko si Daylan, we talked earlier sa may garden.
"Sheina" bulyaw sakanya ni Bae at nagsikuhan sila.
"I'm sorry" sabi ni Sheina at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
I forced myself to smile, ayoko naman sirain ang moment "No, it's ok" sabi and hinawakan ko siya sa pisngi. Tinignan ko naman si Luke "Hey! Don't you dare hurt her feelings, ako mismo ang bubugbog sayo!" Mataray na sabi ko sakanya.
"Don't worry I will take care of her!" Sabi ni Luke.
Naks naman, napaka bait talaga ng lalaking ito. Finally, may magpapatino na kay Sheina, sana naman matahimik na kahit konti ang bunganga niya. Ang ingay niya lagi e.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...