Chapter 47

110 3 0
                                    

Ayeesha's POV

"Daylan gising na" tinapik ko ng mahina ang pisngi niya. Tulog mantika nanaman siya, alas otso na ng umaga ayaw pang gumising.

"Montinegro, aalis pa tayo kaya bumangon kana diyan"

"Five minutes" halos pabulong niyang sabi. Napa iling nalang ako sakanya.

"Naka handa na ang almusal, lalamig na yung kape mo" I told him. Ang kulit din kasi nito minsan, ang hirap pag sabihan.

"UY MONTINEGRO BUMANGON KANA DIYAN!" Sigaw ko sakanya, ang kulit kasi kanina ko pa siya ginigising.

"Hmmmmm" He moaned and his eyes were still close.

"Sige ako nalang mag isa ang aalis, maghahanap ako ng kadate doon" sabi ko sakanya at tumayo na ako. Nakakailang hakbang palang ako ng naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at marahan niya akong hinatak. Napahiga ako sa kama at niyakap ng mahigpit.

"Ako lang ang pwedeng mong idate misis" sabi niya ngunit naka pikit parin. "Manghihiram ng mukha sa aso ang kung sino mang lalaki ang magtangkang agawin ka sakin"

Natawa nalang ako sa inasal niya and I pinched his pointed nose. "Kahit kailan talaga napaka possessive mo"

"Sayo lang naman ako ganito"

"Sus ang sweet mo naman, bumangon kana diyan para maka kain na tayo" sabi ko sakanya.

Sinunod niya naman ang sinabi ko at sabay kaming lumabas sa kwarto niya.

"Kumain na tayo para makapag prepare na tayo" sabi ko sakanya.

Umupo naman siya at kumuha ako ng tubig sa refrigerator at nilagyan ko ang baso niya.

Sunod sunod ang subo niya, napailing nalang ako. Kahit kailan talaga ang lakas niyang kumain.

Nandito kami ngayon sa unit niya at dito narin ako madalas umuuwi ang kulit niya kasi gusto niya lagi kaming magkasama at kung hindi naman ako nagpupunta rito siya naman ang nag oover night sa bahay namin.

Sa loob ng tatlong taon marami ang nagbago, mas naging matured kami at mas lalo pa namin minahal ang isa't isa.

Tatlong taon na rin simula noong umalis si Renz, hanggang ngayon wala akong balita sakanya dahil kahit man lang sa facebook ay hindi siya nagpaparamdam, ang alam ko ay nag aaral siyo roon at kumukuha siya ng Maketing Management.

Ako at si Daylan naman ay parehong graduating at ang pinili kong kurso ay Financial Management at siya naman ay Marketing Management. Siya ang inaasahan ng mga magulang niya na magpatakbo sa susunod na generation ng kumpanya nila.

Sobrang masaya ako ngayon, kahit minsan ay sinusumpong ng topak si Daylan ay mas lalo ko pa siyang minamahal at mas lalo ko pa siyang gustong makasama ng habang buhay.

"O bakit ka nakangiti diyan?" Pagbabasag niya sa imahinasyon ko.

"Masama ba? Kumain kana diyan. Maliligo na ako" sabi ko sakanya.

"Babe, sabay na tayo" nakangisi niya sabi sa akin.

Pinaninkitan ko siya ng mata at nginitian niya lang ako ng nakakaloko. "Misis ah, kung anong iniisip mo. Hindi pa naman tayo mag sesex, nirerespeto naman kita"

Biglang namula ang buong mukha ko, minsan talaga napaka bastos ng bibig ng lalaking to.

"Magtigil ka diyan" sabi ko sakanya at padabog akong naglakad patungo sa kwarto niya.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon