AYEESHA's POV
"Ayeesha!" Tawag sa akin ni Bae na hinihingal pa. Naglalakad na ako papalabas ng school at papunta sa coffee shop na tinutukoy ni Renz kaninang umaga. "Ah--eh. Tara sa may activity area"
"Anong gagawin ko dun?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
Huminga siya ng malalim at napakamot sa batok. "Binugbug ni Renz si Daylan, pinagkukumpulan na sila ngayon ng mga estu---"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Bae at tumakbo na ako papunta sa Activity area. Sabi ko na nga ba may maling kutob ako sa mga sinabi ni Renz kaninang umaga, dapat talaga hindi ko nalang sinabi.
Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng lalaking yun? I didn't ask him to hurt Daylan, hindi naman nun mababawas ang sakit na nararamdaman ko e.
Pagdating ko sa activity area ng school, sobrang dami nga ng tao.
"Diba magkaibigan yang dalawa na yan?"
"Nagaaway ata ng dahil sa isang babae"
"Grabe. Haba ng hair ni ate, parehong gwapo ang nag aagawan sakany. Taray"
Narinig kong sabi ng mga estudyanteng nakapalibot kila Daylan at Renz.
Sumiksik ako sa daan para lang makita ang dalawang lalaking tinutukoy nila.
Nakita ko si Renz, hinahawakan niya ang kwelyo ni Daylan. Puro bugbog na si Daylan at may dugo sa gilid ng mukha niya, mukha siyang pagod at nanghihina na. Samantalang wala kang makikita na kahit anong galos sa mukha ni Renz. Ano yun? Hindi siya lumaban?
Susuntukin pa sana ni Renz si Daylan. Kaso biglang dumating si Loraine at hinawakan ang kamao ni Renz. "Wala kang karapatan saktan si Daylan" galit na galit na sabi niya kay Renz.
"Isa kapa, kayong dalawa ang dahilam kung bakit miserable ang babaeng pinapahalagahan ko ng todo"
"Sino bang tinutukoy mo Renz? That loser girl? That ugly bastard!" Nanggigil na sabi ni Loraine. "She deserve that. Siya ang nanira ng relasyon namin, kung hindi niya nilandi si Daylan hindi siya magiging miserable ngayon! Napaka landi ng babaeng yun, sulutera!"
Hindi ko na kinaya pa ang narinig ko, sobra sobra na ang mga sinabi niya tungkol sakin.
Naglakad ako papalapit sakanila at si Daylan ang unang nakakita sa akin, nagtagpo ang mga mata namin ng ilang segundo at iniwas ko din agad ang mga mata ko rito. Bigla nanaman nanlambot ang puso ko, bakit ba? Bakit ang bilis at ang lakas ng epekto niya sa akin.
Umiling ako at nagsalita na. "Baka naman tinutukoy mo ang sarili mo?" I said in a cold tone. Parehong napatingin sa akin si Renz at Loraine.
"Nathalie"
"Oh. The ugly bitch is here!" Mataray na tugon ni Loraine.
"Let's go Renz. Wala akong oras sa mga taong manloloko." Sabi ko at hinawakan ko ang kamay ni Renz.
"Are you afraid bitch? Why don't you face and confront me? Are you guilty from what you did?" I heard Loraine saying those shit lines.
Tinignan ko siya at sunod si Daylan. Ngumiti ako sakanila "Alam niyo bagay nga kayong magsama, isang manloloko at isang tanga" sabi ko at inirapan ko sila. "Well Loraine, be matured enough. Lalo na't buntis ka, ay teka lang. Sino ba talaga ang ama ng batang iyan? Hindi naman si Daylan diba? Kasi sa pagkakaalam ko, few months before na sabihin mong buntis ka ay lagi kaming magkasama at sobrang saya namin sa isa't isa" pinilit ko na walang ekspresyon na lalabas sa mukha ko, I know it's too much. Pero sobra na rin ang sakit na pinaranas nila sa akin. Sobra nila akong pinarusahan sa mga problema na dapat sila ang nasasaktan.
"What Loraine is preggy?"
"Omg. Hindi si Daylan ang ama?"
"Well. Based on her image, malandi at haliparot talaga 'yang si Loraine"
"Pero diba break na sila ni Daylan at balita ko nga nun e girl friend niya si Ayeesha"
"Ayeesha and Daylan looks perfect together"
I heard people talking loudly. Ugh, bakit ba sila nakikisali dito? Why they can't just leave and mind their own business?
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Loraine at sinampal niya ako ng malakas. "How dare you to talk shit in my face? Ang kapal naman ng mukha mo, ikaw na nga itong nang agaw ikaw pa tong may ganang magsalita ng mga masasakit tungkol sa akin. Ano mag papanggap ka nalang ba na inosente ka forever?"
Sasampalin ko na sana siya kaso pinigilan ko ang sarili ko. "Pasalamat ka at buntis ka, ayokong madamay ang inosenteng batang dinadala mo. Kaya sana, be matured enough. Imbis na isipin mo ang ibang bagay, isipin mo nalang kung paano kang magiging mabuting ina sa anak ko" huminga muna ako ng malalim at tinignan ko si Daylan, nakatingin siya sa lupa at hindi umiimik. "At ikaw Daylan, ano masaya kana ba ha? Masarap ba sa pakiramdam na may nabiktima kang inosenteng tao? Masarap ba sa pakiramdam na alam mo na nasasaktan ako ngayon?" Naramdaman ko na naman ang malamig na tubig mula sa mga mata ko. "Oo Daylan, sige panalo kana. Sobra mo na akong nasaktan, sana una palang you informed me about that game sana nakipag laro ako ng maayos sayo at hindi ko sana sineryoso ang larong 'yon. Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon"
"Ayeesha, let's go" sabi ni Renz at hinawakan niya ako sa brasa at hinila niya ako.
"Renz wait"inalis ko ang kamay niya sa braso ko at hinarap ko ulit sila Loraine at Daylan. "Good luck sa relationship
niyo. Promise ko sainyo hindi ko na kayo guguluhin at promise ko din na after our graduation hindi na ako magpapakita sa inyo" pinilit ko ang sarili ko na ngitian sila, kahit pa na obvious sa mga luha sa mukha ko na nasasaktan ako.Ianalalayan akong maglakad ni Renz at dumeretso sa parking lot.
Napa-upo ako sa gilid ng kotse niya, hindi ko na kaya. Ayaw parin tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Tiniklop ko ang dalawang tuhod ko at sinusob ko ang mukha ko.
Why do I have to feel this way? Bakit sa kabila ng lahat ng sinabi kong masasakit na salita feeling ko ako parin ang nasasaktan, feeling ko ako parin yung talo.
Naramdaman ko ang pag hawak ni Renz sa balikat ko. "You know what? Pinahanga mo ako sa ginawa mo Nathalie" I didn't say anything, hindi ko rin siya tinignan. "Nathalie, tara sumama ka sakin"
Naramdaman kong tumayo siya at napatingin ako sakanya. Ini-abot niya ang kamay niya sa akin at sumama naman ako sakanya. Pinapasok niya ako sa loob ng kotse niya and he started the engine.
Buong byahe, tahimik lang ako at sobrang daming thoughts na tumatakbo sa utak ko. Why it can't be me? Why does he have to chose that girl over me?
Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng nangyari ay mahal ko parin siya.
Bakit walang bakas ng sakit sa mga mata niya? Ano? Masaya ba siya dahil nasaktan niya ako? Masaya ba siya dahil may nauto siyang tao? What the hell! Im tired! Pagod na pagod na akong masaktan, pagod na pagod na akong maging mabait. Pagod na pagod na akong umasa na babalik parin ang dati.
"Ganun ba kalakas ang epekto ng siraulong yon sayo?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Renz. "Nandito na tayo" walang gana niyang sabi.
Napatingin ako sa labas, nandito pala kami sa apartment nila. "Bakit dito mo pa ako dinala?"
"Kasi dito makakapag-usap tayo ng maayos. Sinabihan ko rin sila Luke at Kian na huwag na muna silang pupunta dito. At sigurado naman akong hindi na pupunta dito yung ungas mong ex" paliwanag niya.
Nung una ayokong bumaba dahil alam kong maalala ko lang ang lahat mg nangyari sa amim ni Daylan sa loob ng bahay na ito. But I have no choice, sa mga ganitong panahon kailangan ko ng taong handang makinig sa akin.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...