Chapter 17

267 3 0
                                    

AYEESHA's POV

"Hindi mo siya pwedeng gustuhin dahil nagseselos ako"

"Hindi mo siya pwedeng gustuhin dahil nagseselos ako"

"Hindi mo siya pwedeng gustuhin dahil nagseselos ako"

Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga salitang iyan. Kinikilig ako na parang nasasaktan. Ewan ko, parang sa tuwing napapalapit ako lalo kay Daylan parang lumalalim na ang pagmamahal ko sakanya, alam ko naman na bawal siyang mahalin dahil may ibang tinitibok ang puso niya at si Loraine iyon. Parang tino-torture ko lang ang sarili ko neto e. Pero sabi nga nila, lahat ng sakit ay titiisin mo para lang sa taong mahal mo.

Walang pasok ngayon at nabobored ako sa bahay. Kaya naisipan kong itext si Daylan.

To: Daylan Montinegro

Nasan ka ngayon?

Sana lang hindi siya busy dahil gusto ko talaga siyang makasama at makita. After 5 minutes ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

Daylan Montinegro calling...

Agad ko naman ito sinagot at umupo ako sa kama ko.

"Namiss moko agad?" Tanong niya agad sa akin. Oo, sobra.

"Huwag ka ngang feeling, nabobored ako sa bahay e"

"Tss. Sunduin kita, maligo kana" sabi niya at binaba na niya ang phone niya. Topakin talaga ang mokong na yun.

Sinunod ko nalang sinabi niya at naligo na ako. Inayos ko ang sarili ko at nagbihis lang ako ng simpleng damit. Pinusod ko ang buhok ko at nag apply ako ng light lipstick sa labi ko. Pagkatapos kong mag ayos ay tinext ko na agad si Daylan dahil wala pa siya sa bahay namin.

To: Daylan Montinegro

Tapos na akong maligo. Nasan kana?

Nnandito ako ngayon sa living room namin at nakaupo. Hinihintay ko ang pagdating ni Daylan. Binuksan ko ang TV para naman malibang ako. Naka ilang text at tawag na ako kay Daylan pero hindi parin siya sumasagot, darating kapa ba Daylan? Ok ka lang ba? Hindi ko maiwasan na mag-alala, nag aalala ako na baka may nangyaring masama sakanya. Hindi ko kakayanin kapag nasaktan siya.

Ilang oras na ang nakalipas at wala paring Daylan Montinegro ang sumusulpot sa pintuan namin, umaasa ako Daylan na darating ka, umaasa ako na susulpot ka. Please lang Daylan, please. Nag vibrate ang cell phone at isang mensahe na nanggaling sa taong hinhintay ko. Agad ko itong binuksan at binasa.

From:  Daylan Montinegro

Hindi ako makakapunta, may importanteng lakad ako.

Ang matagal na paghihintay at pag aayos ko sa sarili ko ay nabalewala lang. Isang text message na galing sa taong hinihintay ko at nagsasabing hindi siya makakapunta. Tanga ko, bakit kasi ako umasa na darating siya e. Kahit ganun pa man ang nangyari ay hindi ko parin magawang magalit sakanya, naiintindihan ko naman siya. Siguro ganun na nga kaimportante sakanya ang lakad na pupuntahan niya ngayon.

Tatayo na sana ako para pumunta ng kwarto ko ng maramdaman kong mag vibrate na naman ang phone ko.

Renz Edkiel Calling..

"Hello Nathalie. Are you free today?" Sakto ka talaga lagi Renz.

"Ya. Tara gala tayo?" wala takaga kasi akong magawa sa bahay, tapos na kasi ako sa mga assignments and projects ko.

"Tatanungin nga sana kta kung gusto mong lumabas e, maligo kana. I'll be there in 10mins" sabi niya.

"Nakaligo na ako, ingat" binaba ko ang phone ko at hinitay ko nalang si Renz sa labas. Hindi nagtagal ay dumating siya at naka motor lang siya. Seryoso? Pasasakayin niya ba talaga ako dito?

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon