AYEESHA's POV
"STOP IT!" Sigaw ng isang lalaki at hinila ako papalayo kay Daylan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero gustuhin ko mang tumakbo hindi ko magawa dahil nanginginig ang mga tuhod ko.
"DAYLAN ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO!" Sigaw niya, hindi ko siya kilala at hindi ko din maaninag maayos ang mukha niya.
"RENZ! WALA KANG ALAM!"
"DAYLAN, BABAE PARIN IYAN NA AKAILANGAN IRESPETO! " Hinila ako nung Renz at inilayo kay Daylan. Nakaramdam ako ng takot kay Daylan, natatakot ako na baka sa susunod hindi lang yun ang gawin niya. Wala akong natatandaan na ginawa ko sakanya. Nasasaktan ako dahil parang wala siyang respeto sa akin, babae din naman ako katulad ni Loraine niya na kailangan irespeto. I HATE HIM SO MUCH!! HINDING-HINDI AKO MAIINLOVE SA LALAKING GANUN ANG ATTITUDE!
"Ms. Are you ok?" Nagulat ako ng biglang nagtanong ang katabi ko, nandito na pala kami sa labas ng school. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla nalang akong naiyak. Napayakap nalang siya sakin at niyakap ko naman din siya, wala akong pakealam kung sino ba to, basta kailangan ko ngayon ng masasandalan.
DAYLAN'S POV
"STOP IT!" Sigaw ng isang lalaki at napatigil ako sa paghalik kay Ayeesha, nagulat nalang din ako sa ginawa ko, masyado akong nagpadala sa galit.
"DAYLAN ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO!" Sigaw ni Renz, ya si Renz nga, ang matalik kong kaibigan. Hindi ko din alam kung ano ba sa tingin ko ang ginagawa ko.
"RENZ! WALA KANG ALAM!" 'yan nalang ang naabi ko since ayoko naman din naman mag explain kay Ayeesha. Siya naman ang may kasalanan kung bakit ko nagawa yun e.
"DAYLAN, BABAE PARIN IYAN NA AKAILANGAN IRESPETO! " Hinila niya si Ayeesha papalayo sa akin. Pinagmasdan ko lang sila na makalayo, gustuhin ko man silang habulin hindi ko magawa dahil alam kong galit si Ayeesha sa akin ngayon, nasaktan ko na naman siya.
Fuck! Nakakainis! AKO NA NAMAN ANG LUMABAS NA MASAMA SA HARAP PA NG KAIBIGAN KO! SI AYEESHA NAMAN KASI ANG MAY KASALANAN NG LAHAT E! Kung nanatili nalang sana siya tikom ng bibig at hindi na niya sana sinaktan si Loraine hindi ako magagalit ng ganito. Napaupo nalang ako sa ilalim ng puno at napasandal! Inisip ko ang mga sinabi ni Lory kanina.
*FLASHBACK*
Lunch break ngayon at papunta ako sa classroom ni Ayeesha para asarin siya, kaso habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko si Loraine na namamaga ang mga mata.
"Are you okay?" Tanong ko sakanya."No, can we talk?"
"Sure"
Pumunta kami ni Lory sa rooftop ng isang building ng school namin, dito kami madalas tumambay noon. Masaya ako kasi gusto niyang makipag usap sa akin ngayon, namiss ko ang mga ganitong set up na tuwing lunch, pupunta kami sa rooftop para kumain, maglalambingan kami ni Lory at minsan dito nadin kame nag aaway. Dito namin nagagawa ang lahat, dito kami nagiging masaya.
"Daylan ano bang nagustuhan mo kay Ayeesha?" Biglaang tanong niya at hindi naman ako agad nakasagot. Hm. I smell something! Heto naba yung sasabihin ni Lory na, Daylan please come back to me, okay ready na ako.
"I don't know!" Matipid na sagot ko, hindi na ako makapag hintay sa susunod na sasabihin niya.
"Alam mo ba kung anong ginawa niya sa akin kanina sa may corridor?" Sinabi niya at napatingin ako sakanya at nakita kong may tumutulong luha sa mga mata niya.
"Pinahiya niya ako Daylan""Ha? What do you mean?" Hindi ko mapapatawad si Ayeesha kapag nalaman kong sinaktan niya si Loraine.
"Sinabi niya lang sa buong estudyante kanina sa may corridor na, malandi daw ako kase alam ko na daw na may ibang girl friend kana e nilalandi pa kita. Sinabi niya din sa akin na sulutera ako at makati. Sinabi niya din na pinaglaruan mo lang daw ako noon" Sinabi niya yun habang umiiyak. What the hell Ayeesha! "Sinampal niya din ako Daylan!" Sabay turo niya sa pisngi niya at nakita ko na may pasa siya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumakbo nalang ako. Kailangan magbayad ni Ayeesha sa mga ginawa niya.
*End of Flashback*
Alam kong nagpadala na naman ako sa galit ko, pero di ko masisis ang sarili ko dahil hindi ako makakapayag na may makasakit sa taong pinaka mamahal ko at pinapahalagahan ko. Poprotektahan ko si Loraine kahit anong mangyari, kahit hindi na kami. Alam kong babalik din siya sa akin.
Tss. Aalis na sana ako ng narinig ko ang pangalan ni Ayeesha at Loraine na pinag uusapan ng dalawang babae.
"Sis, you know what happened between Ayeesha and Loraine earlier? Student 1.
"Ah ya. Sinabihan pa nga ni Loraine si Ayeesha na malandi e" Student 2.
Medyo nagtago ako sa puno, malaki siya kaya sigurado ako na hindi nila ako makikita. Hindi ko alam kung bakit ko gustong makinig sa mga pinag-uusapan nila.
"Pero alam mo sis, compared to Loraine, mas gusto ko si Ayeesha for fafa Daylan" student 2
"Ya. Mas simple si Ayeesha" Student 2.
Tss. Girls will always be girls. Mga inggit lang to kay Lory. Aalis na sana ako ng biglang narinig ko na naman ang pangalan ni Ayeesha
"Kawawa nga si Ayeesha e" Student 1
Hindi ko alam kung bakit napatigil ako, kung bakit gusto kong malaman ng rason kung bakit sila naawa sa masungit na Ayeesha na yun.
"Oo nga, biruin mo . Sinabihan siya ni Loraine na malandi at sulutera at dahil sa mga words na yun nag iba bigla ang tingin nila sakanya. Ako naniniwala ako kay Ayeesha, mabait siya at alam kong hindi niya magagawa ang mga binintang sakanya ni Loraine" student 2
What the hell! Naguguluhan ako, akala ko ba si Ayeesha ang may ibinatong masasakit na salita kay Lory, ano tong mga naririnig ko ngayon? fck. Basta maniniwala ako sa taong mahal ko. Tss Kahit anong mangyari, hinding hindi mahuhulog ang loob ko kay Ayeesha, at wala akong pake kung boto ang buong mundo sa amin, basta kay Loraine lang ako. I HATE YOU AYEESHA NATHALIE BALTAZAR FOR HURTING MY SOON TO BE WIFE!
AN: Sino ba talaga si Renz? At ano bang magiging role niya sa story na to? ABANGAAAN!
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...