AYEESHA's POV
Niyaya ako ni Daylan na pumunta sa condo niya kanina kaya nandito kami ngayon. Hindi ko feel makipag away sakanya kaya sumama nalang ako, wala akong ganang makipag-usap ngayon sa di nalalamang dahilan. Nag start lang naman ito kaninang umaga e, hindi din ako nakapag focus masyado sa discussion kanina.
"Let's eat" aya niya sa akin nang maayos na niya ang pagkain sa dining table . Tumayo na ako at lumapit sa kanya.
"Sinong nagluto?"
"Sino paba?May nakikita ka bang ibang tao dito?"
"Tss. Baka lalasunin mo lang ako"
"Baliw! Umupo kana diyan!" sabi niya at umupo na siya sa upuan niya.
Magka-harap kaming kumakain at parang na a-awkaward ako. Hayy Pareho lang kasi kaming tahimik e. Hindi ko naman siya matignan deretso sa mga mata niya para basahin ang iniisip niya, hindi ko din kasi alam kung anong tumatakbo sa utak ng mokong na ito e.
"Tikman mo iting kare-kare masarap" pagbabasag niya sa katahimikan at nilagyan niya ang plato ko.
"Thanks"
Tinapos namin ang kinakain namin na parehong tahimik at walang kumikibong masyado. Ako na ang nagligpit sa pinagkainan dahil siya naman daw ang nagluto. Sumunod nalang ako para wala ng usapan baka mag-away na naman kasi kami e. Nang matapos na ako sa ginawa kong pagligpit ng plato ay umupo ako sa couch, tumabi ako kay Daylan na nagbabasa ng libro.
"May gagawin paba ako dito o magbabasa ka nalang diyan?" Tanong ko sakanya. Napaka-tahimik din kase e.
"Titigan mo nalang ako kung gusto mo"
"Bakit ba noong umulan ng pagkahambog ay gising na gising ka ha?" Napaka hambog niya! Ugh Feeling mo Daylan! Kung tititigan kita baka mainlove pa ako no! De joke lang yun. ERASE! ERASE!
"Tss"
"Mahilig ka palang magbasa ng mga libro no?" Wala na akong alam sabihin. Nabobored na din ako e.
"Tss" Aba. Anak ng tokwa naman pala e. Ang effort naman niyang sumagot.
"Isa pang tss diyan malilintikan kana sa akin"
"Tss" Sinisubukan niya talaga ako ah. Lumapit ako sakanya para pingutin siya.
"ARAY! Pwede ba?! Not my ears!" reklamo niya at inirapan ako.
"Nakakainis ka! Pinapunta mo ako dito tapos wala naman palang gagawin. Sinasayang mo ang oras ko e! Kung hinayaan mo nalang sana akong maka-uwi edi sana ok pa!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw, kapag talaga nagkikita kame hindi pwedeng walang bangayan na mangyayari. Sinusubukan ko naman iwasan ang pakikipag away sakanya kaso siya itong nagpipilit na awayin ko siya.
Binitiwan niya ang libro niya at humarap siya sa akin. Nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang side ko, dahilan para makulong niya ako at nilapit niya ang mukha niya sa akin. Nararamdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Da-yla-n" Utal-utal na sabi ko. Waah! My heart beats so fast!
"Dapat lagi kang sumigaw ha? Hindi ako sanay na tahimik ka" Malambing na sabi niya at pinisil niya ang ilong ko. Inipit niya din ang buhok ko sa likod ng tenga ko.Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Sobrang bilis na din ng tibok ng puso ko dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Ang gwapo niya pala lalo sa malapitan, ang tangos ng ilong niya, ang kinis ng mukha niya, ang pula ng mga labi niya. Grabe! Tapos yung mga mata niya ang gwapo pa!
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
Storie d'amoreWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...