AYEESHA's POV
Medyo late na nang makarating ako sa school, nalate kasi akong nagising dahil late na din akong nakauulog kagabi. Saktong-sakto lang ang pagdating ko sa classroom dahil hindi pa nagsimula sa discussion namin si Ms. Tizon.
Hindi din ako sinundo ni Daylan dahil meron silang maagang training ngayon ng basketball, malapit na kasi ang laban nila sa iba't ibang private schools. Kailangan nilang ipanalo ang game na iyon dahil every year kilala ang school namin bilang isang taga-hakot ng mga trophy at laging champion sa basketball.
Lunch break na at papunta kami ng canteen ng mga kaibigan ko.
"Guys nangangamoy birthday" masayang sabi sa amin ni Chiena.
"Ehem! Ehem!" Pagpepekeng ubo ni Bae. Napa-smile ako at tinignan si Karisma.
"Ok guys. Simple celebration lang naman siya but I want you guys to attend my birthday party. Semi formal guys ha?" sabi ni Karisma. Simple lang daw pero last month pa siyang busy sa pagpeprepare ng kanyang birthday. Sweet 16 daw kase e. Sa aming magkakaibigan si Karisma ang bunso at si Bae naman ang pinaka matanda.
"Simple lang pero naka gown ka?" Tama nga naman si Chiena, kilala ko na si Karisma, yung mga simpleng ganyan niya ay madalas bongga 'yang mga yan.
"Oo na! Si mommy kase ang nagplano ng lahat. I want to make it simple but she refused" naiinis na sabi ni Karisama. Ang mommy niya ay isang kilalang designer. Ang pagiging simple ni Karisma ay sobrang kabaligtaran sa mommy niya.
Nagtawanan kami at umiling-iling lang ako.
Habang naglalakad kami ay hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Renz. Tumigil ako sa paglalakad para batiin siya.
"Hi" nakangiting bati ko sakanya, pero nag smile lang siya and I know that smile is not true. Tumuloy lang siya sa paglalakad at nilagpasan ako. Hahabulin ko sana siya para kausapin kaso may lumapit na babae sakanya at niyakap siya sa mga braso nito.
"Saan ka na naman galing?" Medyo nagtatagpong tanong nung babaeng lumapit sakanya.
Kumunot ang noo ni Renz at nag smile "Nagpahangin lang" nakangiting sabi nito at pinisil niya ang ilong nung girl "Masyado mo naman akong namiss" sabi niya rito.
Meron sa part ng puso ko na parang kumirot, hindi naman sa nagseselos ako pero hindi ako sanay na ganito kami ni Renz. Kahit papano ay naging magkaibigan kami at hindi lang iyon, naging isang mabuting kaibigan siya sa akin. Im happy because he is with someone else now, masaya akong nakikita siyang masaya siya sa piling ng iba pero huwag naman niya sana akong iwasan dahil nasasaktan ako.
"Huy!" Tawag sa akin Chiena at tinapik ako sa braso "Problema nun?"
I just shrugged "Hayaan nalang muna natin, tara sa canteen tayo nagugutom na ako e" sabi ko sakanila at nauna na akong naglakad patungong canteen.
******
Nandito kami ngayon sa apartment o tambayan ng mga barkada nila Daylan at kasama ko si Daylan, Kian, Luke at yung girl friend ni Kian and her name is Dianne.
"Dianne ginayuma ka ba ni Kian?" pabirong tanong ni Luke, binato siya agad ng unan ni Kian.
"Brad. Kung wala kang love life huwag mo naman kaming idamay ng babes ko" sabi ni Kian at hinalikan niya ang girl friend niya sa noo. Sobrang sweet nila at kung hindi ko lang kilala si Kian siguro maiinis ako. Sobrang dikit kasi nila sa isa't isa e, parang anytime may bibigay sakanila. Ok. Dumudumi na ang utak ko. That's enough Ayeesha!.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...