Chapter 26

199 2 0
                                    

AYEESHA's POV

"Get your quiz notebook and we'll have a long quiz today" mataray na utos sa amin ng teacher namin na si Ms. Tizon.

"Naku ms."

"Have mercy on us"

"Omg. I forgot my quiz notebook ms."

"Di pa ako nakareview"

"Maam bukas nalang po"

Iba't ibang reaction na nagmula sa mga classmates ko, 3rd quarter na at malapit na ang pasko,ewan ko ba kung bakit parang badtrip ngayon ang teacher na to pati tuloy kami nadamay.

Nagstart na ang quiz at hindi man lang pinansin ni Ms. Tizon ang mga reklamo ng mga kaklase ko.

Hindi naman masyadong mahirap ang pinapaquiz niya sa amin dahil kakadiscuss lang niya nito kahapon and besides madali lang naman talagang magbigay ng quiz si Ms. Tizon.

"Pass your papers sideward and forward" striktong sabi nito. Ang dami din nahuling nangongopya and nilagyan niya ng mga negative five ang mga papel ng mga ito. There's something wrong with her. Hayy ang hirap talaga kapag badtrip ang teacher.

"You may go now" May advantage din naman pala kapag ganito ang mood niya,napapa-aga ang uwi namin. Inayos niya lang ang mga gamit niya at lumisan na siya ng room at ang mga kaklase ko naman ay kanya kanyang sigaw ang narinig ko sakanila at nag-unahan sa paglabas.

Kaming apat na magkakaibigan nalang ang natira sa room.

"Guys mauna na ako,pupunta pa ako sa designer namin para sa gown ko" nakangiting sabi sa amin ni Karisma,nalalapit nadin kasi ang kaarawan nito.

"Ako din guys, may pupuntahan pa kase kami mommy" sabi ni Chiena.

"Mga busy kayong lahat ngayon ha? how about you Bae?" Tanong ko sakanya.

"Lalabas daw kami ni Andrei ngayon e" sagot niya. Sige, iwan niyo lang ako. Si Andrei nga pala ang boy friend ni Bae,madalang lang silang magkita dahil bukod sa long distance ang relationship nila ay ayaw ng mga parents ni Andrei kay Bae.

"Ikaw Ayeesha uuwi kana ba?" Tanong ni Karisma sa akin.

"Hindi pa, hihintayin ko pa si Daylan. He invited me to have dinner kase e"

"Kaya pala wala nanaman yung car mo" sabi ni Chiena, tumango ako at nginitian ko siya.

Lumabas na kami ng classroom namin at isa-isa na silang nagpaalam sa akin.

Okay. Mag-isa ako ngayon and I don't know what to do. Hindi ko alam kung paano ko lilibangin ang sarili ko. Trenta minutos pa ang hihintayin ko para makasama ko na si Daylan.

Naglakad-lakad ako at sa paglalakad ko ay nakarating ako sa garden ng school.

Umupo ako sa isang bench na malapit sa isang malaking puno, may napansin akong isang lalaki na nakasandal sa puno at may earphones din na nakalagay sa magkabila niyang tenga, hindi ko siya makilala dahil nakatalikod naman siya sa akin.

Umupo nalang ako at kinuha  ko ang isang libro sa bag ko. Bubuksan ko na sana ang libro ng naramdaman kong may umupo sa may tabihan ko.

"Suplada ah" sabi ng lalaking tumabi sa akin at siniko niya ako sa may tagiliran ko.

"Sus Renz! Hindi lang kita napansin no" sabi ko sakanya at inirapan ko siya. Binuksan ko na ang librong hawak ko at tinignan ko na ito.

"Pwede bang mamaya mo na muna basahin yan?" Pangungulit niya sa akin.

"Bakit ba?"

"Taray mo naman"

Ibinaba ko ang librong hawak ko at tinignan ko siya ng masama "Problema mo?"

"Wala namiss lang kita" sabi niya at nag poker face lang siya.

Napangiti ako, ang tagal nadin pala ng huling pagkikita namin ni Renz. Naging mabuting kaibigan din siya sa akin. Namiss ko din naman ang pangungulit niya at ang mga sermon niya sa akin.

"Ngiti-ngiti kapa diyan" parang nagtatampo na tuloy ang boses niya. Lumayo siya ng konti sa akin pero nilapitan ko naman siya at kumapit sa braso niya.

"Namiss ko ang mga kalokohan mo" nakangiting sabi ko sakanya. Ang pagiging malapit namin sa isa't isa ay hindi ko binibigyan ng malisya, I feel so comfortable kapag kasama ko si Renz. Feeling ko siya yung nawawala kong nakatatandang kapatid. Just kidding. Parang kuya kasi tingin ko sakanya e.

Ngumiti si Renz at humarap siya sa akin at pinisil niya ang magkabilang pisngi ko "Namiss ko ang mga kalokohan mo"

"So libre mo na ako?" sabi ko sakanya.

"Lagi naman e" Renz said and he pinched my nose.

"Ano ba? Kanina kapa kurot ng kurot dyan. Alam ko naman na cute ako e" Pagbibiro ko sakanya at hinimas himas ko ang pisngi ko. Ang sakit e.

"Self confidence mo Ayeesha ka level na ng langit"

"Ewan ko sayo"

"Ehem! ehem!" May boses na lalaki kaming narinig sa likod namin at nung paglingon ko ay nakita ko na si Daylan na nagdidilim na ang paningin niya kay Renz.

Tumayo ako at lumapit kay Daylan. Niyakap ko siya pero hindi niya ako niyakap. Anong problema niya? Nagseselos ba siya? Kaibigan niya naman si Renz diba? Chaka alam naman niya na magkaibigan din naman kami  ni Renz.

"Hi babe" bati ko sakanya.

"Babe?" nagtatakang tanong ni Renz kaya napatingin ako sakanya.

"May problema ba?" Daylan asked him. Iba ang tono ng pagtatanong niya kay Renz. May nefefeel akong tensyon between them. May nangyari ba na hindi ko nalalaman.

"Ayeesha tanga kaba? Ilang beses kana bang sinaktan ng lalaking iyan ha?" pasigaw na sabi sa akin ni Renz.

"Renz" tawag ko sa pangalan niya.

"Ano ba ang sinabi ko sayo noon? Kulang paba ang mga pagpapa-alala na binigay ko?"

"Renz, I'm just being paranoid before" Pagpapaliwanag ko sakanya, totoo naman kasi na napaparanoid lang ako sa feelings ko para kay Daylan before, marami akong doubts pero hindi ko napapansin na minamahal na niya pala ako.

"Renz mahal ko si Ayeesha, and you don't have any idea how much I love her" matigas na sabi ni Daylan sakanya.

Lumapit si Renz kay Daylan at kinwelyuhan niya ito. "Subukan mong saktan ang mahal ko, ipapatikim ko sayo ang impyerno" binitawan niya si Daylan at binalin ni Renz ang tingin niya sa akin "Ingatan mo ang sarili mo, sana naging masaya ka sa naging desisyon mo" hinalikan niya ako sa noo.

Naguguluhan ako sa nangyayari, hindi ko naiintindihan ang mga ikinikilos ni Renz. "Mahal na mahal kita Ayeesha, mag ingat ka nalang" bulong niya sa akin at naglakad na siya ng papalayo.

Gulong gulo na ako sa mga nangyayari ngayon. Maraming tanong ang gumugulo sa utak ko at hindi ko alam kung may makakasagot pa sa mga ito, dahil ang taong alam kong makakasagot sa mga tanong na ito ay naglakad ng papalayo sa akin.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon