Chapter 14

292 4 1
                                    

AYEESHA's POV

"Hoy! Bumangon ka nga diyan!" Sermon sa akin ni Sheina. Kanina pa kasi naka patong ang ulo ko sa arm chair ko, ang sakit ng puson ko. May dalaw kasi ako ngayon e, buwanang dalaw ng mga babae.

"Masakit parin e" Nanghihinang sabi ko sakanya. Pati ulo ko sumasabay sa sakit ng puson ko. Pina inom na nila ako ng gamot kaninang lunch break kaso parang hindi tumalab e.

"Uwian na nga o, tara na" Aya ni Bae. Inayos nila ang mga nakalabas kong gamit at inalalayan na nila akong makatayo.

Kanina pa nila ako pinipilit na magpahinga nalang ako sa clinic kaso ayokong pumunta doon. Sigurado mag o-over thinking na naman ako, masyadong tahimik sa clinic at wala naman akong makaka-usap doon sigurado, kaya mas pinili ko nalang na mag stay sa classroom.

Habang naglalakad kami sa corridor ay naka salubong  namin si Renz.

"Hindi parin ba ok?" Nag-aalalang tanong niya nang makalapit siya sa akin. Ilang beses nadin siyang nagpabalik-balik sa classroom namin para icheck niya kung ok na ako o hindi.

"Ganyan talaga yan kapag may dalaw" sabi ni Karisma sakanya.

"Idala na kaya kita sa hospital?" Baliw talaga itong si Renz.

"OA mo na Renz. Wala na ito bukas" sabi ko at tinapik ko ang balikat niya.

"Anong nangyari diyan?"Tanong ng isang familiar na boses. Naglakad siya papalapit sa amin at tinignan niya ako deretso sa mga mata ko. Umiwas nalang ako ng tingin.

"Hi Daylan" bati sakanya ni Sheina

"May dalaw siya at masakit ang puson niya" Sagot ni Bae sa tanong ni Daylan.

Buti hindi niya kasama si Loraine? Diba nagkabalikan na sila?Diba dapat lagi silang magkasama?

"Tara ihahatid na kita sa inyo" Lalapit na sana siya para hawakan ang braso ko kaso agad akong umiwas.

"Ihahatid na ako ni Renz" diba nga kailangan ko na siyang iwasan? Tss "Diba Renz?" And I gave Renz Tumango-ka-nalang- look.

Tumango siya at sinabing "Ah Oo pare"

"Sige mauna na kami" agad na akong nagpaalam. Ayoko na din kasing tumagal pa sa kinakatayuan ko dahil mas lalong sumasakit ang puson ko. Iniwan namin si Daylan na nakatayo at takang-taka sa mga nangyayari, heto din naman kasi ang gusto niya hindi ba? Na kapag nagkabalikan na sila ni Lory wala ng pansinan.

Kinabukasan ay nawala nadin ang sakit ng puson ko kaya agad din akong tumayo sa kinahihigaan ko at naligo na para sa maagang pasok ko pa.

"Good Morning po" bati ko kay Nay Lucy na busy sa paghahain ng almusal.

"Kumain kana Yey"

"Sige po. Sabay na po kayo ni Ate Gina"

Kumain kami ng sabay sabay at nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko chaka na ako umalis. Araw-araw na akong nag dadrive para sa sarili ko at alam nadin ng mga magulang ko ang tungkol dito. Pagdating ko ng parking lot ng school ay lumabas na ako ng kotse ko at dumeretso na ako sa classroom ko.

"Good Morning" Bati ko sa mga kaibigan ko.

"Good Morning" Sheina

"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong ni Bae

"Ok na, salamat pala ha?" sabi ko at umupo na ako sa tabi ni  Karisma.

"Sus. Wala yun no" sagot ni Karisma at tinulak niya ako sa noo using her index finger.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon