Chapter 19

274 4 0
                                    

AYEESHA's POV

Lumalabo na ang paningin ko ng dahil sa luha ko, parang isang bagyo na patuloy na umaagos ang mga luha ko. Ang sakit, iniisip ko palang ang idea na hindi ko na siya makaka-usap parang kinakapos na ako ng hininga, iniisip ko palang na back to normal na kami nalulungkot ako at iniisip ko palang na magksama sila ni Loraine na nagtatawanan parang tinutusok na ng karayom ang puso ko. Ang sakit, hindi ko kaya.

Sa pagtakbo ko ay may nabunggo akong isang lalaki.

"Hey Ms. I'm sorry" sabi niya at iniangat ko ang ulo ko "Hey Nathalie, what happened?"

"Renz" bigkas ko sa pangalan ng lalaking kaharap ko, nanginginig na ang boses ko ng dahil sa pag iyak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at binuhos ko na naman ang mga sakit na nararamdaman ko, niyakap niya din ako at hinagod niya ang likod ko. I asked this man to help me, sabi ko sakanya tulungan niya na hindi mahulog kay Daylan, oo at nagawa nga niya akong tulungan pero sadyang malakas ang kapit ni Daylan sa puso ko.

Nanginginig ang tuhod ko, kung hindi dahil sa pagyakap ko sakanya siguru natumba na ako. Before, nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako muling iiyak ng dahil sa isang lalaki. Pero kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Pain demands to be felt. Pain  changes everything at totoong pag mamahal ay madalang mo lang mahanap.

Naramdaman kong bumitaw si Renz sa pag kakayakap ko at nilagay niya ang mga palad niya sa mukha ko "Siya na naman ba ang dahilan ng pag iyak mo?" serysong tanong niya sa akin. Tinitignan niya akong deretso sa mata, dahilan para mabasa ko na there's anger in his eyes.

Yumuko ako at sinabing "Ang lakas ng kapit ng kaibigan mo sa puso ko, nasasaktan ako Renz" bumuhos na naman ulit ang mga luhang kanina pa patuloy na nag uunahang lumabas.

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap niya akong muli.

"You know what Nathalie, mahirap talaga sa situation mo, but you need to accept the fact na mahal ni Daylan si Loraine." Hindi na ako makapag salita ng dahil sa pag iyak ko. Walang anuman ang lumalabas sa bibig ko.

"Don't blame yourself, it's not your fault. It was Daylan's faut, siya lang naman ang nagpa-pasok sayo sa situation nato" matigas na sabi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at himawakan niyang mahigpit ang kamay ko "Tara, umalis na tayo dito. Pinagtitinginan na nila tayo. Baka akala nila pinapa-iyak kita" Bulong niya sa akin.

Nagmadali kaming naglakad habang mahigpit ang pagkakaawak niya sa kamay ko, pumunta kmi sa parking lot at sumakay kami sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ngayon, may tiwala ako kay Renz. Siguro kung mas nauna kong nakilala si Renz kay Daylan, sakanya ako maiinlove. Hindi siya mahirap mahalin, napaka gentlean niya and caring siya compared to Daylan. Ewan ko ba kung bakit napaka tanga ng puso ko, sa maling tao pa siya nainlove.

Tahimik lang ako buong byahe, iniisip ko si Daylan. Inaalala ko yung mga araw na nag aaway kami,yung mga araw na nag haharutan kami, yung mga araw na mag kasama kami at yung mga araw na ang sweet namin sa isa't isa. Hindi ko lang lubos na maisip na, sa dami ng araw na pinagsamahan namin, sa loob lang ng isang araw ay matatapos ang lahat. Lahat ay naglaho na parang bula, at kasalanan ko naman kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin e. Ako mismo ang nagpasya na iwasan siya, ako ang nagpasya na lumakad papalayo sa taong mahal ko.

"Nathalie, tara" hindi ko namalayan nasa parking lot na pala kami ng isang condominium. Bumaba si Renz ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto, naglakad kami papasok ng building at sumakay kami ng elevator.

******

Nandito na kami sa loob ng condo unit ni Renz, napakalinis at naka organize ang mga gamit niya. Pina-upo niya ako sa couch and inabutan niya ako ng glass of water.

"Ilabas mo na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo" sabi niya at umupo siya sa floor para magka-level na kami. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Sana ikaw nalang yung una kong nakilala, sana sayo nalang ako umibig"

"Pwede naman pag-aralin yun Nathalie, kung gugustuhin mo" pabiro niyang sabi sakin, hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Makikinig kaba o dadaldal ka nalang diyan?"

"Ge. Makikinig napo, ang lungkot mo kasi masyado"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita muli "Hindi ko alam kung anong meron sa kaibigan mo at minahal ko siya ng sobra"

"Meron siyang mata, ilong at labi. Ewan ko ba kung anong nakikita mo sakanya na hindi mo nakikita sa akin" Yung totoo Renz?

"Ayoko na nga" reklamo ko sakanya at tumayo na ako pero hinila niya ako kaya napaupo ako ulit.

"Heto naman, binibiro lang kita"malambing niyang sabi at hinalikan niya ako sa kamay. Inirapan ko lang siya at ipinagpatuloy ko ang kwento ko.

"Noong una sabi ko, hinding-hindi mahuhulog ang loob ko kay Daylan, kasi ayoko yung ugali niya at lagi kaming nag aaway. We used to be perfect haters before, pero habang tumatagal ay nagiging ok ang relasyon namin sa isa't isa at unti-unting nahuhulog ang loob ko sakanya" Hinawakan ni Renz ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Natatandaan mo ba yung unang araw tayong nagkita?" Tumango siya "Thank you for saving me that day, nasaktan ako ng sobra nun. Napaka selfish niya dahil sarili niya lang ang iniisip niya, hindi niya iniisip ang nararamdaman ng ibang tao. Pero sa totoo lang, nagalit ako sakanya noon pero nawala ang lahat ng galit ko ng dahil lang sa isang sweet na bagay na ginawa niya"

Huminga ako ng malalin at tumingin sa kisame, ayoko na kasing umiyak, ayoko ng maging mahina. Pero traydor ang mga luha ko e "Matagal din bago ko napag isipan na layuan siya, sabi ko sa sarili ko lahat gagawin ko para sa taong mahal ko at lahat ng sakit ay tatanggapin ko sumaya lang siya, kaya ayun ako na mismo ang iiwas para maging masaya na sila ni Loraine" ngumiti ako pero may mga luha parin na lumalabas sa mata ko. Niyakap ako ni Renz.

"Nathalie pwede bang ko nalang?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Renz, kaya kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinitik niya ang noo ko.

"Binibiro lang kita" sabi niya at tumayo siya. "Halika nga" pinalad niya ang kamay niya sa akin at inabot ko naman ang kamay ko.

"San tayo pupunta?"

"Ano bang movie ang gusto mong panoorin?"

"Kahit ano, basta comedy"

Pumasok kami ni Renz sa room niya at siya na ang nag set sa DVD player.

Iniisip ko nalang na si Daylan ang kasama ko ngayon, sana kahit sandali lang makalimutan ko muna ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hinihiling ko ang kaligayahan ng taong mahal ko kahit pa ang kapalit ay ang pagkadurog ng puso ko.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon