AYEESHA's POV
"Namiss kita" bulong niya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya, parang nabara ang utak ko at hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Ha?"
"Sabi ko namiss kita" sabi niya at nanatili siyang nakayakap sa akin. Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko, kung hindi ko iiwasan ang lalaking ito paano nalang kung mahulog ako ng tuluyan sa sakanya? Kung iiwas naman ako parang pinarusahan ko nadin ang sarili ko. Ugh. Why does love and pain are always together?
"O ano? Hindi mo ba ako miss?" Tanong niya sa akin at tinaas niya pa ang isang kilay niya. Naku. Sobra kitang miss, kung alam mo lang.
"Sus. Mukha mo. Lumayo kana at baka magalit na naman sayo ang girl friend mo" Bigla naman nagtaka ang mukha niya sa sinabi ko.
"Anong pinagsasabe mo?"
"Ha? Diba nagkabalikan na kayo ni Loraine?"
"Ha?" Luuh? Nagmamaang-maangan pa o. Hoy tsong! Huwag mong i-deny ang girl friend mo. Tss
"Luuh? Huwag ka ng magpanggap diyan. Kumalat na nga ang mga litrato niyo sa school e" sabi ko at bigla na siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at umupo na sa bench. Since late na din ako ng sobra, hindi na din ako papasok. Hayy
"Kelan kumalat yung mga pictures?"
"Noong araw na hindi ka naka uniform,noong pinuntahan mo ako sa classroom"
"Hindi ako pumasok nun"
"So hindi mo alam na kumalat na ang mga pictures niyo?"
"Anong klaseng pictures ang mga nakita mo?" Aba. Anak ng tokwa. Akala ko bang magiging ok siya kapag nagkabalikan sila ni Lory? Anyare ngayon tol? Mukhang naasar siya e.
"Hindi ako sigurado, pero parang nasa coffee shop kayo, magkayakap at nakahawak kapa nga sa kamay niya e"
"Teka" Sabi niya at lumapit siya ng konti sa akin at tinignan niya ako ng deretso sa aking mga mata "Kaya mo ba ako iniiwasan dahil akala mo nagkabalikan na kami?" Nasmirk pa siya.
"Ha? Eh? Hi-ndi" nauutal na sabi ko. Tch! Ayeesha! Huwag ka ngang maapektuhan sa pinanggagawa ng mokong na yan.
"Selos kaba?"
"Sira ulo kaba?"
"Tanga kaba?"
"Baliw kaba?"
"Gwapo ako?"
"Kapal mo"
"Gusto mo ako?"
"Abay oo" What the heck? Ugh. Nasalo ko nalang ang noo ko dahil sa katangahan na ginawa ko. Tumawa siya ng malakas.
"Iba na talaga ang gwapo no?" Tumayo ako at pinagpapalo ko siya.
"Manigas ka! Hindi ka makuha sa biro no? Tsong huwag ho kayo masyadong maniwala nakakamatay ho!" sabi ko at iniwan ko siya na tawang tawa padin. Lumayo lang ako ng konti sakanya para pakalmahin ko ang sarili ko, umupo ako sa gilid ng pool at ibinabad ko ang mga paa ko sa tubig. Ibang kalse din ang lalaki na to e, ang sarap bangasan. Ang kapal na nga ng mukha tapos gumaganyan ganyan pa. May girl friend na nga tapos nakukuha pang lumandi. Pero teka, sabi niya kanina Kaya mo ba ako iniiwasan dahil akala mo nagkabalikan na kami? Ha? Ano yun? Hindi ba totoo na nagkabalikan na sila? Ano yung kumakalat sa school? Yung mga pictures? Ugh. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung kanino ako maniniwala.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...