AYEESHA's POV
"Daylan" bigla akong napabitaw sa pagkakayakap kay Renz, bigla akong nanginig at feeling ko nag-ice bucket challenge ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at takot.
Naglakad papalapit si Daylan sa amin ni Renz, hinatak niya ang kamay ko.
"So anong feeling ng yakap ng girl friend ko?" sarkastikong tanong ni Daylan kay Ren.
"Daylan it's not what you think" pag-aawat ko sakanya.
"Stop talking Ayeesha, I don't need your explanation here" Napatahimik nalang ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung bakit ko kailangan matakot ng ganito, wala naman talaga akong ginagawang masama e, nag-usap lang naman kaming dalawa ni Renz. Naramdaman kong binitawan ni Daylan ang kamay ko, at nagulat nalang ako dahil sinuntok niyang malakas sa bibig si Renz, napaupo sa floor si Renz dahil sa sobrang lakas ng impact nito sakanya.
"Huwag naman tayong mag gaguhan Renz!" sigaw ni Daylan kay Renz at susuntukin na sana niya ulit si Renz pero pumagitna ako agad. "So what are you doing now? Protecting this bastard?"
"Daylan pakinggan mo naman kasi ang exlplanation ko, huwag mo naman pag-isipan ng masama ang pagiging magkaibigan namin, gusto ko lang na magka-ayos kayo" at ngayon ay muli akong nagkaroon ng lakas to speak out.
Umiling si Daylan "Explanation ba?Explanation ng pagtatraydor niyong dalawa sa akin? Kelan pa ba ito ha?"
"Nathan, hindi ka tinraydor ni Ayresha!" sigaw ni Renz.
"Anong hindi? Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niyo ako traydorin" humarap si Daylan sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat "Mahal mo ba talaga ako ha?" Naiiyak niyang tanong sa akin, biglang tumulo ang mga luha sa mata ko, ang sakit lang na pagdudahan niya ang pagmamahal ko sakanya, masakit kasi ang bilis niyang naniwala sa nakita niya. Wala ba siyang tiwala sa akin? Ganun ba talaga ang tingin niya sa akin.
Instead of answering his question, tumakbo ako papalabas ng apartment, tinatawag ako nila Luke at Kian pero hindi ako humarap, nagmadali akong pumara ng taxi at ng may napara na ako ay agad akong sumakay.
"Saan po maam?" tanong sa akin ng driver.
"Kahit saan manong, basta malayo dito" nagtaka ang driver at napatitig nalang sa akin. "Manong please, umalis na tayo dito" basag na ang boses ko sa kakaiyak, pinaandar naman agad ni manong ang sasakyan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung sinong pupuntahan ko, sobra akong nahihirapan sa mga ganitong panahon ng buhay ko, wala akong magulang para lapitan, wala akong magulang para mahingian ng mga advice.
Nasasaktan ako ng sobra ngayon, nasasaktan ako dahil pinagdudahan niya ang pagmamahal ko para sakanya, ang sakit kasi feeling ko wala siyang tiwala sa akin. Sabi nila kapag daw mahal ka ng isang tao buong-buo ang tiwala na ibibibigay sayo nito. Pero bakit anong nangyayari sa akin ngayon?Ayokong pagdudahan si Daylan dahil mahal ko siya pero sana ganun din siya.
Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko, nararamdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko pero hindi ko na ito tinitignan, wala ako sa mood para makipag usap ngayon.
"Maam may sumusunod pong kotse sa atin" sabi ni Manong, at tumingin ako sa likod. Si Daylan ito, sakanya ang kotseng ito.
"Manong ibaba mo ako sa malapit na mall at please lang po pakibilisan niyo ang pagpapatakbo ng sasakyan" tumango lang si Manong.
Ayoko munang makipag-usap kay Daylan ngayon, baka kung ano lang ang masabi ko at kung anong desisyon lang ang magawa ko. I don't have any shit Idea kung bakit sa mall ako nagpapababa.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...