AYEESHA's POV
What the hell! Ang sakit ng ulo ko hindi ko alam kung pinupukpok ba ito o hinahati sa sobrang sakit, busisit na hangover na to.
Tss.
"Ano bang nangyari sayong bata ka at lasing na lasing ka kagabi?" Sermon sa akin ni Nay lucy, kasalukuyan naming naglu-lunch ngayon.
"Birthday po ni Kian" matipid na sagot ko, wala akong gana ngayon, lalo na't sobrang sakit talaga ng pakiramdam ko.
"Kayo talaga, dapat may limitasyon hindi yung inom lang ng inom" sermon niya ulit sa akin.
Napa-iling nalang ako at hindi na sumagot, wala nga ang mga magulang ko nandito naman si Nay Lucy, but anyways Im still thankful to have her in my life. I consider Nay Lucy as my second mother, I thank her for taking care of me since when I was born. Ya, that's right. My mom just gave birth to me, after nun balik trabaho na siya.
Hayy naku, ayokong mag drama. Nakakasira ng araw e. Im not mad, I don't feel any pain, never kong kinamuhian ang mga magulang ko because I know that they are just doing everything just to make me happy and just to give me the things I want.
Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako at dumeretso ako sa kwarto ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko at napatingin sa kisame, hindi naman ako makakatulog ng dahil sa sobrang sakit ng ulo ko and aside from that kakagising ko lang.
Bigla kong naalala si Daylan, kinikilig ako grabe. Ramdam na ramdam ko ang pagyakap niya sa akin kagabi, naalala ko pa ang amoy ng pabango niya at nararamdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko at sa labi ko. It was just a quick kiss but it made my heart beat fast.
**Flashback***
May narinig akong kumakatok sa pinto kaya't napatayo ako at inayos ko ang sarili ko. Pagbukas ko ay bigla akong niyakap ng sobrang higpit ng isang lalaking matangkad "Namiss kita" bulong niya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko.Naiyak na ako at niyakap ko rin siya ng napaka higpit. Namiss ko ang lalaking ito, namiss ko ang amoy niya.
"Dy" tawag ko sa pangalan niya at hindi ko na talaga napigilan ang mga butil ng luha na nagmula sa mga mata ko at napayakap nalang ako sakanya ng sobrang mahigpit.
Hinila niya ako papasok sa CR at nilock niya ang pinto.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at deretso niya akong tinignan sa mata. He smiled and he wiped my tears using his thumb "Don't cry babe, It's killing me so badly" Hinawak niya ako sa magkabilang pisngi at dinikit niya ang noo niya sa noo ko. "Namiss kita, namiss ko ang boses mo, namiss ko ang pang-aasar mo sakin, namiss ko ang pangungulit mo. Namiss ko yung babaeng napaka moody" Hinampas ko siya sa braso at tinignan ng masama, imbis na magalit siya ay natawa pa ang loko. "What?" Natatawang tanong niya sa akin.
"What your fucking hell face! Imbis na matuwa ako dahil namimiss mo ako, nainis pa ako dahil hindi ko alam kung inaasar mo lang ako o iniinis" sabi ko sakanya.
"Inaasar at iniinis? " Kunot noong tanong niya sa akin, isa't kalahating loko nga pala ang kausap ko.
Lumayo ako sakanya at tinignan ng masama "To naman di mo mabiro" hinila niya ako pabalik sakanya at niyakap niya ulit ako. "Please, don't fall inlove with him" seryosong sabi niya, napa-angat ang ulo ko sa sinabi niya. I don't know what he's talking about. "I know, Im not the perfect guy for a special girl like you Ayeesha. Alam kong sobra na kitang nasaktan sa mga nangyari, alam kong sobrang mali ang desisyon na ginawa ko. Alam ko na hanggang ngayon ay nasasaktan ka parin, nararamdaman ko yun Ayeesha, ramdam na ramdam ko" he paused for a while at huminga siya ng malalim "Nararamdaman ko yun dahil sobrang nasasaktan din ako. Bago pa nangyari ang lahat ng ito, ang dami na ng pangarap na nabuo sa utak ko" heto nanaman ang mga luha ko, bakit ba ayaw nilang papigil? Pagod na pagod na akong umiyak. I felt a warm water on my shoulder, mga butil ng luha. Napatingin ako kay Dy, at ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala siya. I forced myself to smile at pinunasan ko ang mga luha niya sa pisngi, hinwakan niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya "Ayeesha, Im sorry for hurting you. Im sorry for being so damn stupid. Im sorry for leaving you alone" niyakap niya ulit ako ng sobrang mahigpit at tinapik ko siya sa likod.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...