Ayeesha's POV
"So para san ang mukhang iyan?" iritadong tanong ni Daylan sa akin.
Pinagmamasdan ko kasi ang paglakad na papalayo ni Renz, there is something kase e. Feeling ko ang lungkot lungkot ko, feeling ko heto na yung last na pagkikita namin Renz.
"Tss" narinig ko sabi ni Daylan at tinalikuran niya ako at naglakad siya.
Sinundan ko siya at pinigilan ko siya sa paglalakad. "Ano bang nangyayari sa inyo ni Renz?"
"Were not friends anymore"
"Ha?" naguguluhan na tanong ko sakanya.
Umiling lang siya at nilagpasan niya ako.
"Daylan!" tawag ko sakanya at tumigil naman siya sa paglalakad at humarap siya sa akin.
"What?"
"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?"
"Nag-away. Hindi ba obvious?"
"Alam mo para kang bata. Bakit ang dali nalang sainyo na bale-walain ang pinagsamahan niyo sa matagal na panahon ha?"
"So ako pa ngayon yung parang bata?"
"Ano ba Daylan, kausapin mo si Renz"
"Ayoko" matigas na sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari, at may isang bagay lang ang nasisiguro ko nag-away sila ng dahil sa akin. Hanggang ngayon nagpe-play sa utak ko ang binulong ni Renz sa akin. "Mahal na mahal kita Ayeesha, mag ingat ka nalang" Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niyan, ayoko naman bigyan ng malisya dahil kaibigan ko si Renz.
Naglakad ako papalapit kay Daylan at hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Babe please, talk to him. Ayusin niyo ang dapat niyong ayusin" ayoko din naman kasi makasira sa pagiging magkaibigan nila.
"Ano ba Ayeesha, mahirap bang intindihin na ayaw ko munang makipag-usap sakanya ha?"
"Alam mo masyado ka kasing ma pride e, gusto mo lahat nalang ng gusto mo yun ang masusunod. Napaka selfish mo!" Sigaw ko sakanya. Hindi ko alam kung saan ko galing ang mga iyon, siguro nadala nalang ako sa emosyon ko.
"I'm sorry for being selfish, pinaglaban ko lang naman ang kung anong sa akin. Pinaglaban ko lang naman ang taong mahal ko" seryosong sabi niya at tinignan niya akong deretso sa mga mata ko. Naguilty akong bigla, tanga kasi ng bibig ko, kung ano-ano nalang ang lumalabas.
"Dayl-an so--rry" nauutal na sabi ko sakanya.
Umiling lang siya at pinilit niyang ngumiti "No it's ok. Next time nalang tayo mag dinner, ihahatid nalang muna kita sa inyo" tumalikod siya at naglakad na siya papuntang parking lot.
Damn. Pinalala ko lang ang sitwasyon, dapat kasi nanatili akong kalma lang e.
Sumunod na ako kay Daylan pero hindi ko na siya sinabayan sa paglalakad. Papalamigin ko nalang muna ang ulo niya at mamaya ko na siya kausapin.
Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit. And yea, it's really all my fuckin' damn fault. Napaka careless ko kasi, kung ano-ano nalang nasasabi ko. Naguguilty tuloy ako.
Dumaretso na siya sa driver's seat at hindi na niya ako pinagbuksan pa ng pintuan.
Pagpasok ko sa kotse niya ay pina-andar na niya ito. Pareho lang kaming tahimik sa kotse at kung minsan ay napapatingin ako sakanya. Napaka seryoso ng mukha niya at hindi mo maipinta kung anong nilalaman ng utak niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...