Chapter 28

229 2 0
                                    

AYEESHA's POV

"Magpanggap ka na ok tayo at maguusap tayo after ng dinner na to"

"Magpanggap na naman" bulong niya, kahit sobrang hina ay narinig ko parin, sobramg tahimik kasi sa village nila, ordinary day kase at mga mayayaman ang mga nakatira dito. Inirapan ko lang siya.

Pagpasok namin sa gate nila ay nag fake smile ako sa kanya "Mag smile ka"

"Wala akong ganang ngumiti"

"Sabi ng ngiti ka e"

"Ayoko"

Ang tigas talaga ng ulo niya kahit  kailan. Tumingkad ako, dahil matangkad siya para maabot ko ang pisngi niya. Pinisil ko ang magkabila niyang pisngi "Ayan smile ka kahit pilit lang" sabi ko sakanya.

"Ang arte" reklamo niya. Ako pa pala ang maarte sa aming dalawa? Nag shrugged lang ako at kumapit ako sa braso niya bago niya binuksan ang main door ng bahay nila.

As usual, pagpasok namin sa bahay nila ay napaka tahimik at walang tao sa living room and I guess nasa may dining table na ang family niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi naman ito ang first time na makita ko ang parents niya kasi sila nga ang may ari ng school na pinag-aaralan ko, so everytime na may special event sa school ay nandoon sila, pero iba ngayon e, haharapan ko sila Mr. and Mrs. Montinegro bilang girl friend ng anak nila.

"Huwag kang kabahan" sabi ni Daylan at nag smile siya sa akin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya nabawas ng konti ang kaba na nararamdaman ko dahil nafeel ko na kasama ko ang taong mahal ko.

"Hindi ako nakapag handa, pano pala kung ayaw sa akin ng parents mo?" bulong ko sakanya. Huminto kami saglit sa living room nila.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nag smile siya "Sila ba ang makaksasama mo sa pagtanda?" tinaas ko ang kilay ko dahil hindi ko masyadong gets ang sinabi niya. "Tss. Slow" sabi niya at pinisil niya ang ilong ko. "Sila ba ang papakasalan mo?" umiling lang ako."So wag kang kabahan, dahil kahit anong mangyari ay gusto kita at hindi lang gusto mahal na mahal kita. If they don't like you, I don't care. Mahal kita, ang mahalaga ay naipakilala kita ng pormal sa Family ko" hinalikan niya ako sa noo at hinawakan niya ang right hand ko.

"I love you" bulong ko sakanya at nagsmile siya sa akin.

Naglakad na kami sa dining table at nadatnan ko ang parents niya at si Ate Wendy na nagtatawanan.

"Alam mo ba mommy, under na under si Daylan, takot na takot kay Ayeesha" narinig kong sanabi ni Ate Wendy. Tumawang pareho ang parents nila.

"Ehem!" nagpekeng ubo si Daylan, kaya napatingin sila sa direksyon namin. Tumayo si Ate Wendy at lumapit sa amin.

"Hi monkey!" tukoy niya kay Daylan at lumapit siya sa akin "Hi pretty!" sabay beso niya sa akin. Natatawa talaga ako sa magkapatid na to, ang lakas magbarahan e.

Tumayo ang parents ni Daylan at lumapit sila sa amin. Naka-akbay ang daddy ni Daylan sa mommy niya at naka smile silang nakatingin sa amin.

"Good Evening po" bati ko sakanila.

"Good Evening Hija" bati sa akin ng mommy ni Daylan.

"Ang ganda naman pala ng girl friend mo son" Natatawang sabi ng Daddy ni Daylan sakanya.

"Dad. Masama po ang magsinungaling" aba ang tindi talaga ng boy friend ko e.

Siniko ko siya at inirapan. Ok na sana e, umepal pa siya. Biro lang.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon