Chapter 10

338 7 0
                                    

AYEESHA's POV

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan magaganap  ng driving lesson namin. Mahangin at konti lang ang tao dito at masyadong maluwang, tamang tama lang ang lugar para sa mga beginner na tulad ko.

"Ms. Ayeesha are you ready?" Tanong ni Sir Adonis. Isa siya sa mga taong nag guguide sa akin dito. "Are you nervous?"

Ngumiti ako at sinabing "Nope. Im so excited to try this car" sabay turo ko sa bago kong car na ibinigay sa akin ng mga magulang ko.

"Ok. Just relax and remember all the things you need to do in driving" sabi ni Sir Adonis at tumango lang ako.

Nagstart na kami sa driving lesson namin at masaya ako dahil marami akong natutunan at napulot galing kay sir. Madali lang talagang matuto kung gusto mo talagang matuto. At mas lalo kang sisipagin na matuto kung gwapo ang teacher mo. HAHAHA Sa tingin ko 2years lang ang tanda niya sa akin.

Pagkatapos ng driving lesson ko ay dumeretso na ako sa bahay nila Bae. Nagka-yayaan kasi kaming mga mgakakaibigan na magkikita-kita sa bahay nila, pag dating ko dun ay nadatnan ko sila sa living room na nanunuod na ng movie.

"Hindi niyo man lang ako nahintay no?" Biglang bungad ko sakanila.

"Tagal mo e" reklamo ni Sheina na mukhang namamaga pa ang mga mata.

"Hey. What's wrong with you Shei?"

"Ah. He broke up with me last night" Malungkot na sabi niya. Poor kid. Lagi nalang siyang sinasaktan. Niyakap ko siya para i-comfort ko.

"Stop crying na ha? He does'nt deserve those tears" Pinunasan ko ang mga luha sa mukha niya. Naiyak ulit kasi siya nung niyakap ko siya e "Sabi ko naman sa inyo na huwag mag madali dahil mga bata pa tayo"

"Huwag mo kaming itulad sayo na balak mag matandang dalaga" singhal ni Karisma sa akin.

"Litsi ka Karisma!" Sigaw ko sakanya.

"Naku! Sheina tigil tigilan mo na si Ayeesha sa panloloko. Ayeesha umiyak si Sheina ng dahil sa movie, matagal na silang break nung boy friend niya. Tch" Buwisit ka Bae bakit ngayon mo lang sinabi? Bigla akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Sheina at tumawa siya at hawak hawak niya pa ang tiyan niya.

"Mga peste kayo!" Sigaw ko sakanila at pumunta na ako ng kusina para kumuha ng tubig. Nakaka-high blood ang mga loko. Kung hindi ko lang talaga sila kaibigan baka nasapak ko na ang mga yun. Ang tanga ko naman bakit hindi ko inisip na si Bae nga lang pala ang may boy friend sa amin. Pero malay ko ba, hindi ba? Baka may sinagot na pala si Sheina sa mga manliligaw niya at nag break din sila agad.

Bumalik na ako sa living room at tinabihan ko na si Sheina. Tapos na ang pinapanood nila kaya nagkwentuhan nalang kami.

"Nakakatuwa yung mukha mo Yeesha" Sabi ni Karisma na hanggang ngayon ay tawang-tawa pa sa mga nangyari kanina.

"Mga sira ulo kayo. Ang galing niyong umarte" Sabi ko at sumubo ako ng piatos.

"Ang dali mo kasing maloko" Sabi ni Bae while flipping her hair.

"Whatever"

"Kamusta na kayo ni Fafa Daylan?" Tanong ni Sheina. Tong babaeng to mukhang botong boto kay Daylan. As if naman hindi po ba?

"Ayun ganun parin. Hindi makukumpleto yung araw namin na hindi kami nag aaway."

"So pinagpatuloy niyo parin pala yung deal?" Seryosong tanong ni Karisma. Tumango ako.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon