AYEESHA's POV
Geez! Nakakpagod ang araw na ito. Ang dami kong na missed na quizzes kahapon and lectures, kaninang umaga ay nag quiz na ako at ngayon hapon naman ay tinapos ko ang mga lectures ko.
"Nakakapagod" Sabi ko at sabay patong ng ulo ko sa arm chair. "Aray!" Loko tong Bae nato e. Batukan ba naman ako. "Problema mo ha?" hinimas-himas ko ang batok ko.
"Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan! Ano bang pumasok sa kokote mo at bakit ka nag ditch ng class kahapon?"
"Hindi ako nag ditch Bae"
"So anong tawag mo nun? Iniwan mo pa nga ang bag mo sa classroom e" Kung makapag sermon naman to wagas e. Parang nanay.
"K fine!" sagot ko nalang, wala ako sa mood para makipag talo dahil pagod ako.
Inayos ko na ang mga nakalabas kong gamit at inaya ko na silang lumabas ng classroom. Kailangan kong magrefresh, nakakapagod ang araw nato e.
"Nathalie!" tawag sa akin ni Renz habang naglalakad kami sa hallway. Kmaway siya sa akin at lumapit "Mukhang pagod na pagod ka ha?"
"Oo nga e" sagot ko.
"Fafa Renz iwan na namin sayo ang kaibigan namin ha? May kanya kanya din kasi kaming lakad e" Sabi ni Sheina. Tignan mo tong mga to! May mga lakad pala sila hindi nagsasabe.
"Ok! Ako na ang bahala dito" inakbayan ko ni Renz at ginulo niya ang buhok ko. Iniwan na kami ng mga kaibigan ko.
"So san tayo?" Tanong ko sakanya.
"San mo ba gusto? Wala ka bang gagawin?"
"Natapos ko na e. Tara sa 4B house tayo?"
"4B house?"
"Marami kapa talagang hindi alam. Sa tambayan namin nina Daylan, Kian and Luke" Ah yun pala yun, sensya na. Hindi ko talaga alam e.
"Tara"
Pumunta kami sa parking lot, may dalang motor si Renz kaso iniwan na niya at ang ginamit namin ay ang kotse ko. Siya na daw ang mag dadrive dahil ang pangit naman daw tignan kapag ako ang nag drive. Ang weird no?
Pagkadating namin sa bahay ay may nakaparadang mga kotse sa labas.
"Nandito sila" sabi niya bago siya lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Pumasok na kami sa bahay at nadatnan nga namin sina Daylan na umiinom na.
"Hi" Bati ko sakanila.
"Hi Ayeesha" Maganang bati sa akin Kian at lumapit siya sa akin para akbayan ako.
"Mabuti naman at bumalik ka" Nakangiting sabi ni Luke. O ano Montinegro? Titingin kana lang ba diyan? Hindi mo ba ako babatiin man lang? Tss Para sakanya talaga, ang usapan ay usapan. Ang pagiging totoong couple lang namin ay kahapon lang talaga kaya huwag ka ng umasa pa diyan Ayeesha.
Umupo ako sa tabi ni Renz at kaharap namin sina Daylan at Luke. Seryoso lang ang mukha ni Daylan at kung babasahin mo kung anong tumatakbo sa utak niya ay hindi mo maiintindihan.
"So why you guys are always together?Nililigawan mo naba siya?" Ang daldal talaga ng Kian na to.
"Baliw!" sabi ko sakanya at hinampas ko siya sa braso
"Napakasadista mo" reklamo niya at hinihamas-himas niya pa ang braso niya
"Ang daldal mo e, ang dami mong alam sabihin"
"Ang sabihin mo kaya hindi pa kayo ni Renz dahil nagpapanggap pa kayo ni Daylan na mag syota" Aba. Loko tong Kian na to ah.
"Ah oo nga, basta kapag nagkabalikan na si Daylan and Lory, I'm going to court her" Sinakyan pa ni Renz ang kalokohan ni Kian. Inakbayan ako Renz at tinaas baba niya ang mga kilay niya. Napatingin ako kay Daylan na mukhang naiinis. Seryoso? Bakit kaya siya naiinis?
"Daylan, kamusta na kayo ni Loraine?" Ang daldal naman pala talaga ng Kian na to e. Hinawakan ni Daylan ang mukha ni Kian gamit ang isang kamay niya at piningot niya ito sa may kanan na tenga, dahilan para umaray si Kian. Yan ang napapala ng mga madadaldal.
"Can we talk?" Ano nanaman ba ang pag uusapan natin Daylan? Tumango ako, naglakad na siya at ako ay tumayo na, sinundan ko siya. Pumunta kami sa kwarto niya at umupo siya sa kama niya at ako naman ay umupo sa couch.
"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko agad sakanya.
"Wala" Anong wala? Naku!
"Inaya-aya mo ako dito tapos wala ka din naman palang sasabihin" tumayo na ako at pahawak na sana ako sa door knob ng bigla siyang nagsalita.
"Kapag umalis ka sa kwartong ito hindi ko magugustuhan ang gagawin ko"
"Hindi ako natatakot" matigas na sagot ko sakanya. Pinihit ko na ang door knob at bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Daylan sa braso ko "Ano ba Daylan? Nasasaktan ako" Binitiwan niya ang braso ko at hinawakan niya ang kamay ko ng maayos.
"Huwag ka munang umalis"
Pina-upo niya ako sa kama niya at umupo din siya sa tabi ko. Tumahimik siya at nakatingin lang siya sa akin, ang awkward tuloy.
"Magtitigan lang ba tayo dito?"
"Bakit mo kasama si Renz?"
"Ha? Syempre kaibigan ko siya"
"Kaibigan lang ba talaga o may gusto ko sa kanya?"
"Baliw kaba?E ano ngayon kung gusto ko siya?"
"Bawal"
"Bakit naman? Gugustuhin ko kung sinong gusto ko"
"Sabi ng huwag e"
"Bakit nga?"
"Wala"
Ang weird talaga minsan ni Daylan, hindi ko siya maintindihan. Sa totoosin Daylan, ikaw naman talaga ang gusto ko at hindi si Renz e. Hindi ko lang masabi sayo dahil natatakot ako na baka iwasan mo lang ako. Masaya na ako na ganito tayo dahil una sa lahat, masaya ako dahil nakakasama at nakakausap kita.
"O natameme ka diyan?" Pinitik niya ang noo ko.
"Bakit nga kasi ako bawal magkagusto kay Renz?"
"Ang kulit mo"
"Nagseselos kaba?"
"Hindi" Pwedeng magsinungaling Daylan.
"Sige. Gugustuhin ko nalang siya"
"Huwag nga sabi e" sabi niya at tinabig niya ako, napahiga tuloy ako sa kama niya. Nahilo akong bigla sa pagkahiga ko ng biglaan sa kama. Ugh
"Sorry, ang kulit mo kase" sabi niya, humiga siya sa tabi ko at unti unti niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko using his right hand and using his left hand naman ay hinimas himas niya ang ulo ko. Lumapit siya ng konti sa akin at humarap siya "Hindi mo siya pwedeng gustuhin dahil nagseselos ako" hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang meron ako sa mukha ko ngayon ang mahalaga para sa akin ay kayakap ko ang taong minamahal at pinapahalagahan ko. Oo, mahal ko na nga si Daylan. Handa akong masaktan para sakanya dahil mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...