AYEESHA's POV
Ilang araw na ang lumipas, hindi na kami nagkikita ni Daylan. Minsan nalang kami mag usap sa phone at kung minsan hindi niya pa sinasagot ang mga tawag ko.
Sabi niya sa akin, busy lang daw siya kaya hindi niya daw ako nakakausap, nangako siya sa akin na babawi daw siya sa akin ngayon. After ng class namin ay susunduin daw niya ako sa classroom ko and then mamasyal daw kami.
Excited na ako, excited na akong makita ang mahal ko, excited na akong magkwento sakanya. Hayy. Namimiss ko na talaga siya.
"Mukhang malalim ang iniisip natin?" biglang sulpot ni Bae sa harapan ko.
Nagsmile ako sakanya "Excited lang ako, magkikita kami mamaya"
"Sus! Halatang mahal na mahal mo siya ah"
"Syempre!" Proud na sagot ko sakanya at biglang nagseryoso ang mukha ni Bae "O? bat ganyan ang mukha mo anong problema?"
"Ayeesha, ang tagal nadin kasi nung huli kitang nakitang ganyan ngumiti, yun yung mga panahon na inlove na inlove ka kay Ivan"
"To naman, past is past. Ibang-iba ang ngiti ko ngayon kumpara mo noon. Mas masaya ako ngayon"
"Pero seryoso Ayeesha, bilang kaibigan ang maipapayo ko lang sayo, sana this time mag-ingat kana. Sana nagkaroon kana ng lesson kay Ivan, ayoko na kasing makita pa ulit yung sobrang malungkot na Ayeesha, ayokong nasasaktan ka, ayokong nakikitang nasasaktan kayong mga kaibigan ko"
Na-touch ako sa sinabi ni Bae, hindi ko tuloy mapigilan hindi maluha, niyakap ko siya "Maraming salamat" bulong ko sakanya.
**********
"Class dismissed! You may go!" our teacher announced. Nag-unahan ng mag ayos ng gamit ang mga kaklase ko at ang mga lalaki ay excited ng lumabas, maglalaro daw sila sa computer shop na malapit lang sa school namin, ang mga lalaki talaga.Inayos ko na ang mga gamit ko, sumilip ako sa labas ngunit wala parin si Daylan, hihintayin ko nalang siya dito, ayoko din naman maghintay sa labas mainit, chaka sabi niya pupuntahan naman daw niya ako sa classroom.
"Uy. Ano? Iiwan kana namin?" tanong ni Karisma.
"Ha? Oo sige, mauna na kayo. Hihintayin ko pa si Daylan dito"
"Sige. Bye Nathalie!" sabi ni Sheina at binigyan ko ito ng matalim na tingin. Hindi ako sanay na matawag na Nathalie.
Lumabas na sila sa classroom at naisipan ko naman tawagan si Daylan, hindi niya ito sinasagot at naisipan ko nalang siya i-text.
To: My hubby
Hey! Nasa classroom ako, hihintayin kita dito. Bilisan mo dahil namimiss na kita! Iloveyou Mister:*
5pm palang naman e, ok lang na gabihin ako basta kasama ko siya. Ayie, exciting to ang tagal din namin na hindi nagkita e. Ganito pala ang feeling, dati kasi nilalait ko yung mga babae na ang OA makamiss sa mga boy friend nila, hindi pala talaga sila OA totoo lang pala talaga ang nararamdaman nila. Kasi kapag nagmahal ka ng isang tao, minu-minuto, segu-segundo ay gusto mo lagi siyang nasa tabi mo.
Hayyy. Hindi man lang siya nagreply sa text ko, 5:30 na. Ano ba naman yan? Wala parin siya?
Text ko nalang nga ulit siya, ako nalang pupunta sa classroom nila.
To: My hubby
Babe. Ako nalang pupunta diyan, naiinip na ako.
Dinampot ko na ang bag ko at lumabas na ako sa classroom namin. Ang dami ng tao sa labas, labasan nadin kasi ng mga lower years and lower sections. Ano ba namang klaseng teacher ang meron sina Daylan ngayon? Bakit hindi sila pinapalabas?
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomanceWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...