AYEESHA's POV
Hindi ako makapaniwala na ang dating aso't pusa ay nagkatuluyan na. Hindi ko din inaasahan na mamahalin ko ng ganito ang taong sobrang kinaiinisan ko noon. Before, I don't believe in saying "The more you hate the more you love" pero ngayon naniniwala na ako. Expect the unexpected sabi nga nila.
"Huwag mo akong isipin masyado" singit ng isang lalaking tumabi sa akin. Nasa cafeteria ako ngayon at himihintay si Daylan ngayon at humangin na nga ng malakas kaya alam kong nandito na siya. De joke lang.
"Ang presko mo talaga"
"Hoy hot ako no"
"Umuwi kana nga, hindi na nakakatuwa" sabi ko sakanya at binelatan ko siya.
"Tss"
"Tss" Panggagaya ko sakanya.
"Order na nga ako" sabi niya at tumayo na siya para pumila. Natutuwa ako sakanya dahil napaka pikon niya, pero ang pagka pikon niya ay hindi nakakainis, nakakatuwa kasi ang cute niyang tignan.
"Hi" bati ng isang babae na familiar na boses. Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino siya.
"Loraine"
"Oh Hi Bitch!" kalma ka lang Ayeesha. Wala lang yan, huwag mong masyado painitin ang ulo mo. "Pwede ba akong umupo dito? Wala na kasing bakanteng upuan maliban dito" ang arte talaga ng boses niya e. Umupo na siya sa harapan ko, apat yung chairs sa isang table.
Hindi na ako umimik dahil ayoko naman ng gulo, lalo na ngayon na ang ganda ng mood ko.
Pagdating ni Daylan inilapag niya ang mga pagkain na inorder niya.
"Loraine" yan agad ang lumabas sa bibig ni Daylan ng makita niya ang babaeng maarteng kumakain sa harapan ko. Biglang tumayo si Loraine at kumapit siya sa balikat ni Daylan.
"Hello Daylan" Nakakairita talaga ang boses niya. Pilit tinatanggal ni Daylan ang mga kamay ni Loraine pero di niya magawa. Yumuko nalang ako, ok lang yan Ayeesha. Kalma pa.
"Ah pwede mo ba akong bitiwan muna? "
"Ay sorry Daylan, namiss lang kita e"
Kahit nakayuko ako, nakikita ko parin ang mga ginagawa nila dahil nakikita ko sila sa gilid ng mga mata ko. Uupo na sana si Daylan sa tabi ko kaso biglang sumingit si Loraine at nilagay niya ang bag niya doon.
"Dito ka nalang sa tabi ko, nandyan na ang bag ko e" Tumingin sa akin si Daylan at parang humihiggi siya ng pahintulot ko, kaya tumingin ako sakanya at tumango nalang ako.
Kumain na kami ng sabay sabay. Tahimik lang ako habang si Loraine ay daldal ng daldal.
"You know what, kuya kenzo will uwi na this week. He said na gusto ka daw niyang makita"
"Ah yeah" sagot ni Daylan kay Loraine.
"Ayeesha, anong time ang next class mo?" tanong sa akin ni Daylan.
"Ah te---"
"Daylan, punta ka sa house ko next week ha. My parents wants to see you daw e" Pinutol niya ang sasabihin ko, napahigpit ang hawak ko sa tinidor at kutsara na hawak ko. Pilit ko paring kinakalma ang sarili ko sa mga pinanggagawa ng asungot nato.
Tumayo na ako "I have to go" sabi ko at kinuha ko ang mga gamit ko.
"Ayeesha wait" sabi ni Daylan at hinawakan niya ang kamay ko. Nagsmile siya sa akin bago siya humarap kay Loraine "Mauna na ako Loraine, ihahatid ko pa ang girl friend ko"
Biglang nag iba ang expression ni Loraine, binelatan ko siya at naglakad na kami ni Daylan.
"Kinikilig na naman ang girl friend ko" inakbayan niya akong bigla.
"Sus! Ang presko naman ng boy friend ko" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niyang naka-akbay sa balikat ko.
"Mahal mo naman"
"Tss"
"Originality please!"
"Pssh"
"Good girl" sabi niya at ginulo niya ang buhok ko. Inirapan ko lang siya.
Naglakad kami papunta ng classroom ko na naka akbay siya sa akin, may mga students sa may corridor na napapatingin sa amin at may ibang nagbubulungan pa.
"Ang dating magka-away ay magkadundo na ngayon?"
"OMG! This is not happening! Magpapakasal pa kami ni Daylan e"
"Wow! Ang cute nilang tignan na magkasama"
"Ang ganda talaga ni Ayeesha, bagay siya kay Daylan"
"They are so cute"
Naiilang na ako sa mga naririnig ko, ang hirap naman palang magkaroon ng boy friend na famous, ang daming mga mata na nanunuod sa amin.
"Masanay kana, gwapo ang boy friend mo e"
"Ang kapal mo talaga!" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at hinampas ko ang tiyan niya at naglakad na ako papalayo sa kanya.
"AYEESHA!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinapansin.
"AYEESHA NATHALIE BALTAZAR!"
"Hoy engot na mahal ko!"
Ewan ko sayo, manigas ka diyan Montinegro.
"HEY. I LOVE YOU SO MUCH MY PRINCESS!" Sigaw niya kaya napatigil ako at napangiti ako. Tumakbo siya papalapit sa akin at hinihingal siya.
"MUKHA KA NG TANGA!" Sabi ko sakanya pero inirapan niya lang ako.
"I love you" sabi ko sakanya at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
Ngumiti siya at tinuro niya ang kabilang pisngi niya "Dito pa dali"
Sinampal ko siya ng sobrang mahina lang "Sumusobra kana, late na ako. Bye" Sabi ko at tumakbo na ako.
"Ok. I'll see you later my princess. I love you!" Sigaw niya at nag wave siya sa akin.
Minsan ko lang naramdaman ang ganitong saya, iba ang saya na nararamdaman ko ngayon compared sa happiness na naramdaman ko noon kay Ivan, siya ang first boy friend ko na nasa ibang bansa ngayon. Wala na akong balita sakanya, ang huling balita ko ay nagkabalikan na sila ni Kayla, yun yung ex niya, yun ang dahilan kung bakit kami naghiwalay.
May mga bagay na binabalikan at kinakalimutan nalang, pero sa bawat memories, malungkot man o masaya may mga bagay parin tayo na dapat matutunan.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
RomantizmWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...