AYEESHA's POV
Papunta na ako ng school ngayon at salamat sa Diyos dahil hindi na ako late. Kabisado ko na ang lahat sa pagdadrive kaya hindi ko na kailangan na mag commute nalang.
Pagdating ko sa school ay nagpark na ako ng sasakyan at lumabas na ako ng kotse ko. Habang naglalakad ako ng hallway ay nakasalubong ko si Renz.
"Hi Nathalie, Good Morning" nasanay na nga yata ito na tawagin akong Nathalie.
"Good Morning Renz" bati ko sakanya at umakbay siya sa akin. Napansin ko na ang daming tao sa corridor.
"Anong meron?" Tanong ko sakanya.
"I don't know. Kadarating ko lang din e" Tapos nag shrug pa siya.
"Nagkabalikan naba si Daylan and Lory?" Girl 1. Napatigil ako sa paglalakad ko, pati na rin si Renz ay napatigil na. Pasimple akong nakinig sa usapan nila.
"Oo daw e, may nakakita daw sakanila sa coffee shop yesterday na magkayakap at may luha pa nga si Lory e, tears of joy kumbaga" Girl 2. Parang may parte ng puso ko na bigla nalang kumirot, yung parang gusto mong umiyak pero wala kang mailabas na luha dahil nagugulat ka sa mga nangyayari.
"Paano na si Ayeesha?" Girl 3. Hindi yata nila napapansin na nandito ako. Tumingin sa akin si Renz, nag smile lang ako sakanya at lumapit sa tenga niya.
"Akala talaga nila kami" bulong ko sakanya at nag smile lang siya.
Naglakad na kami papunta sa mga room namin at habang naglalakad kami ay may napansin kaming mga poster na naka-dikit sa pader kaya niyaya ko si Rebz na tignan ang mga ito. Nang makalapit kami, doon ko lang napagtanto na larawan pala iyon ni Lory at Daylan na magkayakap na pareho silang tumatawa, meron din kuha na hinahawakan ni Daylan ang kamay ni Lory. Damn this feeling! Parang nasasaktan ako sa nakikita ko, parang ginigiba ang puso ko. Bakit ko ba ito nararamdaman?Masyado ba akong nag assume? May gusto naba ako kay Daylan? O mahal ko na ba siya?Ugh. That can't be.
Hinawakan ni Renz ang kamay ko at niyaya niya akong umalis na. Hinatid na niya ako sa classroom ko. Natapos ang mag hapon na boring na araw at sa wakas labasan na naman. Hindi ko nakitabsa buong cakous si Daylan, hindi ko na siya hinanap dahil baka kasama lang niya ngayon si Loraine. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na ako para makalabas na ng classroom. Pag labas ko ng classroom ay nakita ko si Daylan na nakatayo at hindi naka uniform. Hindi ba siya pumasok?
"Anong ginagwa mo diyan?" Tanong ko saknya. Baka makita kasi siya ng girl friend niya at mag hiwalay pa sila ulit ng dahil sa akin.
"Hinhintay kita"
"Bakit naman?"
"Gusto kitang maka-usap" sabi niya at nakangiti. Hinawakan niya angbrightbhand ko at naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko kay tinabig ko agad ang kamay niya.
Huminga muna ako ng malalim at sinabing "Sira ulo kaba. Huwag mo na akong kausapin mag simula ngayon, yung laptop ko pala paki dala nalang bukas. Tapos na din naman e" Sakto naman na nakita ko si Renz na naglalakad papalapit sa amin "Sige. Congrats " Tinapik tapik ko pa ang balikat niya at binigyan ko siya ng pekeng ngiti "Una na ako may lakad pa kami ni Renz" Hindi ko na siya hinyaan maka sagot umalis na ako at hinila ko na si Renz. Baka madulas pa kasi ang mokong na ito e. Sa totoo lang wala naman talaga kaming lakad ni Renz ngayon, gusto ko lang umiwas sa mga issue. Hinila ko si Renz papunta sa kotse ko at pinasakay siya.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
"Gusto niya daw akong kausapin" Tapos umili-iling ako "Ayoko ng maipit pang muli sa problema nila, at least nagkabalikan na sila, at least masaya na sila" Sana nga masaya na si Daylan ngayon na nagkabalikan na sila, hindi ako pumayag na makipag-usap sa kanya dahil alam ko naman na ibabalita niya lang sa akin na nagkabalikan na sila ni Lory. Hindi na niya kailangan gawin yun dahil alam ko na ang lahat and I'm haply for them. Masaya nga ba? Ugh. Basta masaya!
BINABASA MO ANG
Perfect Haters turns to Perfect Lovers
Storie d'amoreWalang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ng bagay ay pwedeng magbago sa mabilis na panahon. Kung kahapon hindi mo siya mahal pero malay mo malay ko malay nating lahat mahal mo na pala siya sa susunod na araw. May mga taong hindi natin inaasahan na...