Chapter 03

366 7 1
                                    

AYEESHA'S POV

Isang lingo na ang lumipas simula nung iwan ako ni Daylan sa park at isang lingo na din siyang hindi nagpaparamdam at dahil dun isang lingo na din tahimik ang buhay ko. Hahaha. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, ang bad ko no?. . . Okay! Nandito kami ngayon sa gym para manood ng laban ng basketball ng Pedleton High School Students and Pendleton College Students. Grabe! Puno ang gym.

Isa-isa ng lumabas ang mga players since Daylan is one of the basketball players ng university, kasama siya sa game na ito. Ito yung unang pagkakataon na makikita ko siyang mag laro.

Nagstart na ang game, ang daming nag che-cheer for Daylan. Ang gawpo niya kasi at ang galing maglaro. Ang ganda pa ng katawan, ang hot niya tuloy tignan. Ha? Sht. Erase! Joke lang po yun. Tss! Si Ms. Author lang po ang nagpapantasya kay Daylan.

Layo ng lamang ng score ng High School sa mga College, halos shooter kase ang mga high school e.

"CONGRATULATIONS HIGH SCHOOL DEPARTMENT!" Sigaw ng announcer! Panalo na ang High school ang dami tuloy nagtilian. Marami na din ang mga nagpapicture sa mga players.

"Paunahin na muna natin silang lumabas" Sabi ni Shei.

"Oo nga, para hindi na tayo makipagsiksikan" Sabi ni Bae.

Umupo kami ulit sa bleachers at hinihintay na muna naiin kumonti ang mga tao sa gym bago kami lumabas.

♪RING! RING!♪

Daylan Montinegero is calling..

Agad ko naman itong sinagot.

"Hello"

["Hintayin moko sa labas ng gym"]

Sabi niya tapos binaba na niya agad. Okay! Guguho na naman ang mundo ko.

"Tara na! Konti nalang din naman ang tao" Aya ni Karisma, tumayo na kami at lumabas na ng gym.

"Girls, mauna na kayo at pakisabi nalang kay kuya Ernest mauna na siya"

"At saan ka na naman gagala? Hindi mo man lang kami inaya?" Tanong ni Karisma.

"Ungas! Syempre makikipag date yan, nanalo ang boy friend" Sabat ni Bae at nagtawanan silang tatlo.

"Sira! Basta sabihin niyo nalang kay kuya Ernest, Thanks" Sabi ko, tapos bineso ko na sila isa isa.

Hinintay ko lang na iluwa ng pintuan ng gym si Daylan at hindi naman nag tagal ay lumabas na din siya.

"Are you free tonight?" Tanong niya agad.

"Yea. Why?"

"Sunduin kita sa park 6:30 pm, magbihis ka ng maganda yung hindi baduy!" Kelan paba ako naging baduy ha? Bwiseet!

"Anong meron?"

"Basta! 6:30 pm sa park!" Sabi niya tapos umalis na siya. Naku! Kung alam ko lang hindi na ako nagpaiwan kay kuya Ernest.

Nagpara ako ng taxi para makauwi na. Pagdating ko sa bahay nagpahinga muna ako ng may biglang tumawag.

♪Ring! Ring! ♪

Mommy Calling...

My gosh! Sinagot ko agad ang phone.

"Hello po"

["Hi Baby girl, kamusta kana diyan?"]

"Okay lang po" Pero mas okay ako kung nandito kayo. Kadugtong sana yan ng mga sasabihin ko kaso diko kaya, alam ko naman na para sa akin naman ang ginagawa nila, pero nakaka lungkot din kase ang mag isa.

Perfect Haters turns to Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon